TGIG 03 (NP: End Up Here)

731 21 2
                                    

:)

TGIG 03

Merong dinidiscuss si ma'am sa unahan pero hindi ako makapagfocus sa sinasabi niya.

Bakit?

I get easily distracted sa lalakeng katabi ko ngayon. To be specific nasa left side ko na merong sariling mundo.

"... I love you... You love me..."naririnig ko siyang kumakanta.

Mahina lang naman pero kapag ganito ka kalapit sa kanya nakakadistract.

Sinulyapan ko si Calum at nakita na busy siya sa pagdodoodle sa scratch paper na hiningi niya sa akin kanina.

Take note akin din yung purple na ballpen na ginagamit niya ngayon.

Kahit kailan talaga tong lalakeng to.

 "Cal..." Saway ko sa kanya kaya niya ako sinulyapan din.

Tinignan ko siya ng masama para tumigil na siya. Imbis na makinig kumanta na naman siya at nginisian pa ako.

Tinignan ko si ma'am sa unahan nagsusulat na siya sa white board.

"I love you baby..." Pakanta na sinabi niya sa tabi ko.

"I love you... So so so so muchhhh. I love you." nagawa niya pa talagang tusukin ang tagiliran ko.

Pinipigilan ko lang na ngumiti sa ginagawa niya. Ito na naman kaming dalawa baka ang ending nito sitahin ulit kami ng prof at yum ang iniiwasan ko.

"Tsk, tumigil ka nga diyan Kaloy."

"Hindi mo ba ako love? Kasi love na love kita..." Sabay hawak sa kamay ko.

"Kaloy..." Saway ko sa kanya.

"May sasabihin ako sayo babe."

Sinulyapan ko siya ulit at tinaasan ng kilay.

"Ano?"

"Tara dito lumapit ka ibubulong ko sayo."

Nagdadalawang-isip ako kung maglealean ako sa kanya o hindi.

Naglelecture si ma'am sa unahan at hindi naman siya sumusulyap sa amim. Busy kasi sa kakasuat ng notes.

Ito namang si Kaloy may sasabihin daw sa akin at kung gusto kong malaman kailangan na maglean ako sa side para ibulong niya.

Niloloko na naman yata ako nitong lalakeng to e.

Sinulyapan ko siya at naggegesture siya sa kamay niyang lumapit na ako.

"Ano ba kasing sasabihin mo?" Bulong ko.

"Tara nga dito ibubulong ko sayo."

Inirapan ko siya.

"Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sakin?" Inis na tanong ko sa kanya.

Umiwas na siya sakin ng tingin at nagpakabusy na naman sa pagdodoodle.

Aba, dinedma na ako ngayon.

So ganun?

"Uy..."

Sinulyapan ko si ma'am at nakita na nangangalahati na siya sa pagsusulat.

"Cal..." Tawag ko sa kanya.

Talaga bang dinededma niya ako? Kahit kailan talaga tong lalakeng to hindi lang napagbigyan ang gusto niya nagsusuplado na naman sakin.

Tinignan ko siya.

The Guy In GREEN [Calum Hood FF] -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon