9 months later
"Ahhh ahhh sh*t blue manganganak na ko aray ang sakit sakit na blueeeee" sigaw ng misis ko na naglalabor na ngayon. Dali dali akong pumunta kung saan siya naroroon para pakalmahin hooo ngayon ko lang mawiwitness manganak si eula dahil wala naman ako sa tabi niya nang ipanganak niya ang panganay namen na si gab. "babe relax lang ok dahan dahan ka muna sa paglakad" sabi ko sa asawa ko na may kaunting pagka taranda na rin.
"Blue masakit na masakit na talaga ahhh ahhh ahhh" nakasakay na kame ngayon sa sasakyan malapit lang naman ang ospital sa village namen kaya agad din kameng nakarating.
"Miss emergency manganganak na kase ang misis ko" sabi ko sa isang staff nurse ng ospital
"Ok po sir tatawag lang po ako ng helper para madala na po sa delivery room ang misis niyo"
"Blue anak kamusta na si eula" rinig kong sabi ng mga magulang ko na kadarating lang din kasama ang mga magulang ni eula at ang mga kapatid ko din at si gabby.
"Nasa delivery room po siya dad" halos ilang oras din ang hinintay namen waiting area na malapit sa delivery room hanggang sa lumabas ang isang doktor.
"Relatives of mrs. Montecillo" sabi ng duty nurse,at biglang tayo naman namin para puntahan ang doktor.
"Congratulations po mr. Montecillo your wife is out of danger and your babies are also safe and healthy medyo nahirapan lang po kame ng konti dahil nag pass out ang misis niyo sa paglabas ng last baby but all in all maayos na po silang apat."
Nabigla ako sa narinig ko dahil sa pag papacheck up namen hindi namin inaalam kung ano nga ba ang gender ng anak namen ang akala kase namin ay isa lang naman ang bata sa sinapupunan ng misis ko pero malaki ang tiyan niya kaya sinasabi sa amin ng iba na baka kambal ang anak na dinadala niya.
"Dok pakiulit nga po ang sinabi niyo ilan po ba ang pamangkin ko?" Nagtatakang tanong din ng ate ko.
"Triplets po ang anak ni mrs. Montecillo dalawang babae at isang lalaki po" bigla naman nagpalakpalkan sa galak ang mga magulang namin.
"Pari fill-up na lang po sir ang mga pangalan ng mga bata pagkatapos po ay pwde na po kayong pumunta sa nursery nandun na rin po ang mga anak niyo." Paliwanag ng duty nurse.
Nandito kame ngayon sa tapat ng nursery kung saan nakalagay ang mga bagong silang na sanggol hindi maalis sa labi ko ang labis na ngiti dahil sa pagdagdag ng mga bago kong angel sa buhay ko.
Lumapit na sa amin ang isang nakaduty sa nursery at may tulak tulak itong tatlong bassinet na pinaglalagyan ng mga anak ko.
Athena Violet Montecillo, Althea Indigo Montecillo at Apollo Cyan Montecillo.
Ang mga angel ko naiiyak ako dahil ganito pala kasarap sa pakiramdam mapag masdan ang mga anak ko.
"Baba im ate na po hihihi" natutuwang sabi ng panganay ko "yes gabby ate kana so tutulungan natin si mommy ok dahil hindi pa kaya ni mommy kumilos agad eh it's that ok my baby ate" "ihhh baba im not a baby anymore,i will take care of siblings baba" ang panganay ko nga naman hehe
Pumasok na kame ngayon sa room na inuukupahan namen dahil nailabas na si eula sa delivery room.
"Babe hey how are you?" Tanong ko kay eula ng magising siya.
"I'm felling so tired babe but i know that it is worth it how's our baby blue?" "Ok naman sila babe there all healthy" "we've got twins?" tanong niya sa akin "nope babe not twins but triplets two girls and our only prince hehehe" mukha namang nabigla siya dahil hindi niya rin inaasahan na tatlo ang mga anak namen.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pinasok na isa isa ang triplets.
"Breastfeed na po tayo mommy" bati ng nurse sa amin.
"Hey my angels babe there all have chubby checks at kamukhang kamukha nila si gabby" masayang sabi ng asawa ko panong hindi magiging kamukha ng panganay namen ang mga kapatid niya eh hindi man lang makalabas sa bahay ang anak namen dahil sa panggigigil niya si gabby kase ang pinag lihian niya.After 4 days ay nakauwi na kame at masayang masaya ang mga pamilya namen sa pagdating ng mga bagong angel sa bahay.
Ito ang isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko inaasahang makakamtan ko akala ko nung una masaya na kung kanikanino ka na lang makikipag sex o kaya naman kung ano anong bagay ang pwde mong gawin pero may mas maganda pala talagang plano ang lumikha sa bawat isa sa atin. Hindi ako palasimba o mapag pasalamat sa mga bagay na meron ako, pero yung ganitong pangyayari sa buhay ko sobra palang saya at mapapadasal ka nalang sa sobrang pasasalamt mo at nakatanggap ka ng mas higit pa sa inaasahan mo.
Ako si Blue Montecillo at sana kahit na maiksi ang kwento ng buhay ko ay nagkaroon ako ng puwang para maipakilala at maipakita ang naging takbo ng aking buhay. Salamat hanggang sa muli.