Eula's Pov
Tinotoo nga ni Blue ang sinabi niya sa mga magulang namen na pakakasalan niya ako. Kaya heto ako ngayon hindi ko alam kung ano anong pakiramdam ang nararamdaman ko may parte saken na natutuwa dahil mabubuo ang pamilya namen, may parteng natatakot ako na baka saktan o lokohin niya lang din ako pero kung ano't ano man iisipin ko na lang na para ito sa anak namen at sana lang talaga kame na lang ang maging priority niya. Naglalakad na ko ngayon papunta kung nasaan si blue simpleng kasalan lang naman ang gusto namen kaibigan at kamag anak lang ang aming inimbitahan, bridesmaid ko ang ate ni blue dahil wala naman ang bestfriend kong si mixie which is jego's girlfriend dahil nasa america siya. Malapit na ko kay blue kaya naman hindi ko na rin mapigilan ang umiyak dahil magkakaroon kame ng panibagong yugto sa aming buhay kasama ang anak namen. At sa isiping iyon nakita ko naman ang anak namen na poging pogi sa suot niyang baby tuxedo kahit pa natutulog ito at buhat buhat ng kanyang yaya.
Nasa reception area na kame kung saan dinadaos ang aming kasal ni blue ng may dumating na isang babae. "Blue bakit ka nagpakasal sa babaeng iyan" tukoy ng babae sa akin, ang ibang bisita naman ay kanya kanyang bulungan sa nagyayari, "stella anong ginagawa mo dito at bakit na nanggugulo ka sa kasal namen" wika ni blue sa babaeng nag ngangalang stella "blue buntis ako at ikaw ang may-ari ng dinadala ko kaya kailangan mo akong panindigan" hindi ko alam kung anong dapat kong gawin basta na lang akong umalis bibit ang anak ko at hindi ko na hinintay pa kung ano man ang sasabihin saken ng magaling kong asawa.
Blue and Eula