“Hello, Ate Tori!”
“Hi, Teh!”
“Ate Tori! Hello daw sabi ni Princess!”
Oo, sunud-sunod yun galing sa mga First and Second Years, basta nasa grounds ako either bago flag ceremony, recess, lunch o dismissal. Mas napadalas lang pag may school events especially Intramurals.
Since friendly naman talaga ako by nature, binabati ko rin sila with matching smile. “Hello din.”
Kung minsan, may biglang sisigaw kung saan. “Ate Tori! Ang cute mo daw sabi ni Jia!” Tapos magtitilian sila.
Natatawa nalang ako madalas. Normal naman kasi yun pag exclusive for girls from Grade Four to High School ang paaralan mo. Pag maikli ang buhok mo, tapos hindi ka naghe-headband or nagki-clip, hindi ka rin nagme-make-up, automatic nilang iisiping tibo ka, short for ‘tomboy’ aka ‘lesbian’. Kahit boyish ka lang naman.
Anong difference ng ‘tibo’ sa ‘boyish’. Well, sa talasalitaan ng paaralan namin, ‘tibo’ ka kapag nakikipag-on or nakikipag-relasyon ka sa babae; ‘boyish’ naman kung medyo siga ka lang.
Hindi ko alam kung kasama ako sa pangalawang category eh. O mahilig lang talaga ako sa loose clothes. May mga male crushes naman ako. Isa pa, nangako kasi ako sa Ate ko na hindi ko sya tutularan. Sabi nya, tama na daw na sya lang sa aming tatlong Maria ang may pusong lalaki.
Tsaka excuse me, nagka-boyfriend na kaya ako. Medyo maaga kasing lumandi ang lola mo, I think fourteen yata ako nun eh, hahaha. Hindi pa nauuso ang NBSB, naging taken na ako. Ewan, na-carried away kasi nung may gwapong nanligaw. Ayun, napasagot agad. Only to find out na ginamit lang pala ako para maging close at eventually maging sila ng friend ko. Oo, shit talaga.
Buti nalang never nya akong nayakap o nahalikan. Sobrang kinakabahan nga ako nung sinubukan nyang hawakan ang kamay ko dati nung first and last ‘date’ namin. Kahit may panyo pa sa pagitan ng mga palad namin, hindi talaga ako nakatagal at bumitiw agad. Feeling ko kasi, pag nakipag-holding hands ako, mabubuntis ako. Kaya siguro naghanap din nang iba yung gago, kasi almost untouchable ako.
Yung pangalawa naman, parang joke time lang. Childhood friend ko kasi yun na lumipat sa Mindanao. Crush na crush ko sya kasi tall, dark, handsome and very good in basketball pa. Nag-agree kami sa long distance relationship. Fifteen yata ako nun? For the whole eight months, puro text lang kami. Never kaming nagkita. Nakakatawa lang kasi matagal na kaming nag-break nung nagkita kami sa Davao kasi saktong may family outing kami dun. O diba, joke time? Haha.
Oo, sige na. Ako na nga talaga.
So ngayon, Third Year na ako. Magpapakasasa muna ako sa pagiging single ko. Marami namang lalaki sa mundo, hindi ako mauubusan. Mamamahinga muna ang puso ko. Besides, istorbo lang sa pag-aaral ang love life at kelangan kong mapabilang sa Cream Section next year. So, no. Books before boys muna.. haha.
“Paging Victoria Lyn Maaya, please proceed to the Faculty Room now. I repeat, Victoria Lyn Maaya, please proceed to the Faculty Room now.”
Dali-dali akong nagtungo sa Faculty Room kung saan naghihintay ang class adviser naming si Ms. Marissa.
“Ma’am!” nakangiting bati ko. “Ano pong meron?”
“Ready ka na? Friday to Sunday next week, nasa Bulacan ka. Regional Press Conference yun. Kasama mo si Ms. Flores,” sabi nya sakin nang nakangiti.
“Weh? Di nga po, Ma’am? Pumayag si Sister Pauline?” sambit ko naman dahil hindi ako makapaniwala.
Tinaasan ako ng kilay ni Ma’am. “Ayaw mo? Kaunti na nga lang kayong naka-gold medal sa Provincial PressCon. Ayaw mo i-represent ang school sa Regionals?”
BINABASA MO ANG
Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}
Teen FictionNahulog na ba ang loob mo sa kabarkada mong may mahal nang iba? Ano ang pipiliin mo? Friendship o Love? Ano ang payo ko? Magdasal. SERYOSO. Divine Intervention plays a vital role in our lives--pati sa love life. Tulad ng nangyari kay Tori Maaya.