Chapter Thirteen: Moving on...

1.1K 51 28
                                    

A/N: Dedicated to purplekalabaw... dahil she's a fellow Iska! hehehe.. I finally found one in wattpad.. hahaha :D Me so happeee :D

Ang 'kinda' transformed Tori po ang nasa kanan :D

--------------------------------------------------------------------------------------------

Nagdaan ang mahabang panahon na wala pa ring nagbabago. Si Alfred pa rin ang itinitibok ng puso ko pero si Trina pa rin ang sinisinta nya. Patuloy ko pa ring ikinukubli ang ‘special treatment’ sa likod ng pagiging ‘Ate’. Patuloy pa ring nasasaktan sa tuwing nakikita ko silang magkasama, magkatabi at nagbubulungan… umaasa na sana, ako na lang.

Si Alfred na siguro ang pinakamalaking ‘what if’ ko. Kung minsan, nagde-daydream ako na kapag nanligaw sya sa akin, sasagutin ko sya agad nang walang pasubali. Hindi ko sya paaasahin, hindi patatagalin ang pagsusumamo nya… tulad ng nakikita kong nangyayari sa kanya ngayon (no offense meant to Trina).

Haay ano ba? Ganito ba talaga pag unrequited love? Nagiging makata?

Anyway, ganun na nga ang naging kalagayan ko hanggang magsipagtapos kaming lahat sa high school. At sa kasamaang-palad, naghiwa-hiwalay ang barkada mga dalawang linggo bago magpasukan dahil sa iba-ibang universities kami mag-aaral. Si Kya at Ron, sa provincial State U; si Riz at Cat, sa SLU kasama si Aldz na nasa UP Baguio; si Cris, Peej at Alfred nasa Ateneo; ako, si Ivette at Sashi, sa UP Diliman. Habang si Trina naman ay nahiwalay sa La Salle.

Hindi na rin kami masyadong nakapagtext ni Alfred sa di malamang kadahilanan. Siguro nalaman na nyang gusto ko sya kaya sya na ang umiwas. Kung ganun man, o well. There’s no more turning back. Besides, malaki naman yata yung chance na maging sila ni Trina which means sooner or later, our closeness will come to an end. So kahit nami-miss ko si Alfred at ang mga pinaggagawa namin, it’s time for me to move on.

Sabi nga ng prof namin sa isang subject ko, ‘College is the best hunting ground for your future mate’. Aba, baka dito ko na nga makilala si Mr. Right at tuluyan nang makalimutan si Alfred. Pero kelangan kong baguhin muna ang pananamit ko. Feeling ko kasi, hindi ako mahanap ni Mr. Right dahil mukha akong lalaki. So I’ve decided to grow out my hair, at sa payo na rin ng nanay ko, pinalitan ang loose shirt ng baby-tee. Konti-konti lang na changes. Maybe soon, I can try wearing shorts or skirts. Although baka matatagalan pa yun.

Kasalukuyan kong hinihintay sa CASAA canteen si Ivette para sabay na kaming mag-apply sa provincial organization. Nang may lumapit sa’kin.

“Bik-Bik?” Si Jacob. Kahit di pa ako lumilingon, alam kong sya yun dahil sya lang naman ang tumatawag sa akin nang ganun.

“Oy!” bati ko, at nagbro-fist kami. “Dito ka rin pala? Haha. Ano course mo?”

“Philo,” naka-smile syang sumagot at umupo sa harapan ko. “’Kaw?”

“Waw, Philo… bagay sa tulad mong pilosopo, hahaha,” biro ko. “Communications po ang kurso ko.”

“Waw, pangmadadaldal na tulad mo, hahaha,” banat nya at hinampas ko sya. “Anyway, sasali ba kayo sa provincial org dito?”

“Ah, oo. Hinihintay ko lang si Ivette,” paliwanag ko.

“Sige, sabay na ako sa inyo. Ano pala number mo?”

Dun kami nagstart maging close ni Jacob. Basta pag hindi sya tinotopak na magtanong tulad ng ‘What Is Love?’ o kaya ng ‘Do you really think we’re alive?’, matino kaming mag-usap. Nagkaka-nosebleed kasi kaming lahat sa org kapag nagsimula na ang panenermon nya bilang isang pilosopo.

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon