A/N: Dedicated to Kcassiopea.. dahil excited ka sa susunod na chapter.. eto na :)
Nanjan sa kanan din si Papa Alfred. Kyaaa!!! <3
--------------------------------------------------------------------------------------
Patapos na ang Awarding Ceremonies para sa mga hindi Seniors. Fourth year students lang kasi ang may graduation at kahapon naganap yun. Kaming mga lower batch, sabay-sabay nang babasbasan para humayo’t magpakasaya.
Medyo malungkot kasi hindi ako nakasama kila Sashi, Ivette at Trina sa Top Ten ng batch namin ngayon. Pero I think expected na yun. Nahirapan kasi ako ng bongga sa Math naman. I swear, sinubukan kong mahalin ang Calculus, pero hindi talaga. Walang spark na nangyari. Either that, o bobo lang talaga ako sa subject na yun. Ever since kasi, yun na ang laging panira ng General Weighted Average ko eh. Math din ang dahilan kung bakit hindi ako umabot sa Honors nung Grade Six ako. Amf talaga. Sinusumpa ko, pag ako nag-college walang math ang kukunin kong course!
Kasalukuyang tinatawag sa stage para bigyan ng Certificate of Recognition ang mga outstanding members ng kung anu-anong club. At maingay na ang mga estudyante—excited at di na makapaghintay na makaalis ng school para umpisahan ang dalawang buwang bakasyon.
“Uy, si Tweety Bird! Hahaha,” natutuwang bulong ko kay Trina na katabi ko. Nilabas nya kasi halos lahat ng laman ng bag nya para iipit ang certificate nya sa libro para di malukot. Ayun, nakita ko yung blouse na color blue at may malaking mukha ni Tweety.
…Most Outstanding Member of the Young Journalists Club for the year…”
“Cute noh?” sabi naman nya at maayos na tinupi ang damit bago binalik sa bag.
“San mo binili? Gusto ko si Marvin the Martian eh,” dagdag ko.
…is awarded to Ms. Victoria Lyn Maaya…”
“Ay, hindi ko din alam eh. Binigay lang kasi sa akin toh,” aniya at nag-smile ng kaunti.
Tumango nalang ako. “Ayos ang mga manliligaw mo ah. Galante lahat, hahaha.” Nagtawanan kaming dalawa. Dapat pala hindi na ako nagtanong. Lately kasi, lagi syang napapatawag sa reception area para kumuha ng ‘package’. Malamang lang, isa na nga ito sa mga yun. Isama mo pa yung kay Chu dati.
Nagpalakpakan ulit yung mga tao. Pati ako nakipalakpak naman. Hanggang sa sinapak ako ni Ivette na nasa likod ko. “Aray ko naman! Ano bang problema mo?” galit akong lumingon sa kanya.
“Tinawag kaya pangalan mo, umakyat ka na lang nga! Daldal kasi ng daldal,” tumatawang sambit ni Ivette. Tawa rin nang tawa yung mga classmates namin.
“Ha? Bakit ako tinawag?” nalilitong tanong ko.
"…Victoria Lyn Maaya, are you around? Please come up here to get your award…” announce ng Level Coordinator namin na nasa stage at napatayo nalang ako at nagmadaling umakyat.
“Ikaw ha, nakikipagdaldalan ka kasi,” bulong ng Principal naming si Sister Pauline, habang inabutan ako ng papel na naglalaman ng naturang award at kinamayan nya ako. “Next year ulit. Dapat hanggang Nationals ulit ha,” dagdag pa nya bago ako bumaba.
Akalain mo nga naman o. Di nga ako nakasama sa Top Ten, pero may award pa rin. Hahaha, ang saya-saya ko.
Nakadukmo akong dumaan sa gilid ng gym at binasa nalang ang nilalaman ng hawak kong onion paper. Ang epal ko naman kung sa harap pa ako maglalakad para makabalik sa upuan ko diba? Yun nga lang, may tumawag sa akin. Pagtingin ko, ayun, nasa side pala ako ng mga Freshies, at si Kaitlyn ang tumawag.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}
Teen FictionNahulog na ba ang loob mo sa kabarkada mong may mahal nang iba? Ano ang pipiliin mo? Friendship o Love? Ano ang payo ko? Magdasal. SERYOSO. Divine Intervention plays a vital role in our lives--pati sa love life. Tulad ng nangyari kay Tori Maaya.