Chapter Four: Ako Ulit

1.3K 70 45
                                    

Author's notes: Dedicated to SheIsSushiGirl bilang excited ka sa updates.. hahaha. sana magustuhan mo :)

Tori in loose clothes... nasa kanan po :)

--------------------------------------------------------------------------------------------

Nagring yung landline namin sa bahay at dahil may ginagawa ako, si Ate Fae este 'Kuya Raf' ko ang sumagot. Kadarating lang nya galing Baguio kung saan sya nag-aaral ng MedTech. Nakabasyon lang sya saglit.

“Hoy, Tori daw,” bulyaw nya. “Tori-Tori.. Lyn-Lyn ka kaya dito.”

Inirapan ko lang sya. “Sino daw?”

“Ay, di ko natanong. Sorry, hahaha,” sabay abot ng phone sakin bago pumasok sa kwarto namin.

Kunot-noo kong nilapat ang tenga ko sa phone. “Hello?”

“Si Tori ba toh?” Lalaki yung nasa kabilang linya at hindi ko sya kilala.

“Ahh, sino toh?”

“Si Chu, yung drummer sa banda nila Yuan at Alfred, remember?”

Naaalala ko yung pangalan pero hindi yung mukha.  Di ko sya napagtuunan nang pansin noon eh. “Ahhh, oo yata. Bakit po?”

“Nakita ko kayong magkasama kahapon ni Trina sa mall. Close ba kayo?”

Napataas ang kilay ko. Bakit kelangan nyang malaman yun? “Ahh, hindi masyado eh.”

“Ganun? Tatanong ko sana kung alam mo yung mga gusto nya, haha,” nahihiya pang sabi nya.

Ah okay, so admirer pala ito. Eh bakit hindi si Trina ang tawagan nya? “Naku, hindi ko alam eh. Sya nalang tanungin mo para sure ka.”

“Naku, hindi pwede. Surprise kasi sana. Eh since nakita kong magkasama kayo kahapon, gusto ko lang malaman kung meron ba syang gustong bilhin?”

Naalala ko yung nagustuhan nyang damit. “Ah, oo. Meron. Yung orange a baby tee sa Girl Shoppe. Di ko lang alam kung nabili na nya.”

Si Chu, huminga ng malalim na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. “Yun! Sige sige, puntahan ko ngayon. Uy, salamat ha.”

“Sure. Teka, sino pala nagbigay ng number ko?”

“Si Yuan. Hello daw sabi nya, kasama ko sya ngayon.” Parang nanunukso pa ang boses nya in a sing-song manner.

“Pakisabi hello din,” tugon ko naman, at ginaya ko na rin ang intonation nya. Nakarinig ako ng ingay sa kabilang linya.

“Tori, kamusta?” Si Yuan na ang kausap ko.

“Gumagawa ako ng project eh kaya—“

“Punta ka sa Saturday sa school. Foundation Day namin. Tutugtog kami nila Alfred,” proud na proud na wika nya.

Ahh oo, nasabihan na kami nila Ron. Pero hindi ko alam na tutugtog sila. “Ah, talaga? Sige, pupunta naman talaga kami eh.”

“Yey,” narinig kong sabi and I know he's grinning. I can hear it in his voice. “O sige, busy ka yata. See you sa Sat ha. Hihintayin kita.”

Saturday. Tanghali na ako nakarating.

Ang daming tao. As in ANG DAMING tao… lalo na ang girls na mukhang nagpaparlor pa yata bago dumiretso sa all-boy school na toh. At marami rin sa kanila, mga schoolmates ko. Hindi na ako nagtaka. Dahil may event dito, meron silang valid excuse na magpa-cute sa mga boys.

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon