Chapter Ten: Ako pa rin

1.1K 51 19
                                    

A/N: Nagmamadali lang.. pasensya na sa updates.. hahaha :) kelangan lang tapusin agad :D

Dedicated to chebibi aka Sakura-chan na kasama ko sa kalokohan kahapon.. hahaha. Kahit walang kinalaman ang story na ito sa pinaggagawa natin. lols. :) love you.. hahaha

Si Fafa Alfred ulit ang nasa kanan... ganyan lang sya kaloko.. hahahah.

----------------------------------------------------------------------------------------

Oo na. Sige na. Aaminin ko na.

Mahal ko na nga si Alfred. Hindi pa ung totally ‘in love’ pero more than crush ko na sya.

Di ko alam kung kelan, saan at paano nagsimula. Ganun lang yata talaga. Hindi mo namamalayang nahulog na pala ang loob mo sa kanya. Kahit hindi naman sinasadya. Bigla mo nalang mapapansin na sya nalang lagi ang laman ng isip mo.

Pero ako lang ang nakakaalam. Well, siguro pati si Ivette dahil may hinala nga sya. Pero I never confirmed it. Mas magandang itago ko muna ang aking lihim na pagtingin nang walang panunuksong maganap. The last thing I needed was for him to be awkward around me. Okay na ako sa ganito at sa kung anong meron kami. Masaya naman kami pareho eh.

Besides, hindi pa naman malala ang feelings ko. Kaya pang maremedyuhan. Pero Papa God, sana ipadala nyo na sa akin si Mr. Right para masikil pa itong aking tumitibok na puso sa lalong madaling panahon. For now, I’ll make sure that nothing changes between us.

Pero habang nasa McDo kami, ako yata ang nagbago. For some reasons, nakatikom lang ang bibig ko almost the whole time. At nagnanakaw nang sulyap dito kay crush.

Ano nga bang nagustuhan ko sa kanya? Ayokong sabihing it started with a ‘physical attraction’ dahil hindi naman. Tsaka biased na ako ngayon. Gwapo sya sa paningin ko at pakialam ko ba sa opinion ng iba. I must say I was drawn by his personality. Very positive ang outlook nya sa buhay na parang wala syang problemang iniisip, lagi lang masaya. At sobrang makulit. Hindi yung makulit na nakakainis. Makulit na masyadong maraming pakulo. Gusto ko rin yung fact na magaling syang kumanta at sumayaw. Tsaka mahilig kami pareho sa anything Japanese. At kapag nagme-make faces sya, mukha syang anime, hahaha. Gusto ko rin yung…

“Psst, Teh… Okay ka lang?” kumaway-kaway pa sya talaga sa harap ko.

I blinked a lot of times, taking in his form, memorizing his face. Nang narealize kong nags-space out pala ako... “H-ha? Okay lang ako.” Umiwas ako ng tingin.

Walang paalam nyang hinawakan ang noo ko. Sa sobrang gulat, napaatras ako sa upuan ko at tinitigan lang nya ako. “May sakit ka? Parang ampula mo kasi.”

Napatingin din si Ivette sa akin dahil narinig ang sinabi ni Alfred. Ayan tuloy, nakangiting aso na naman. “Trust me, nii-chan, wala syang sakit.” At bumalik na sa kwentuhan nila nina Cris.

“Yep, wala akong sakit. May iniisip lang,” dagdag ko pa at tumango lang sya pero alam kong curious sya. Calm down my heart.

Isa pa toh sa nagustuhan ko sa kanya. Kapag alam nyang ayaw kong magsalita, hindi sya mang-uusisa. Hihintayin lang nya pag ready na akong magkwento. As if namang sasabihin ko sa kanyang sya ang iniisip ko diba? Mangisay syang kakahintay.

Biglang may kumatok sa glass window. Natigil ang usap-usapan at tumingin kaming lahat. Kumaway-kaway si Trina bago pumasok at tumabi sa amin. Pero di rin sya nagtagal, napadaan lang talaga.

Yep, apparently, extension na sya ng barkada. Nung one week na hindi ako nagpakita, dun sya nagsimulang makitambay with us. And we whole-heartedly welcomed her to the family tree.

“Cute pala talaga si Trina noh?” mahinang sambit ni Alfred.

Aray naman. “Oo naman. Sikat kaya sya sa inyo,” naka-smile akong nagsalita.

“Ah, oo. Marami talagang may crush dyan kay Trina,” sabat naman ni Ivette na nakikinig pala. “Don’t tell me, crush mo rin sya, Nii-chan?”

“Ha? Hindi, sinasabi ko lang ang totoo," tugon nya. Pero parang kinurot ang puso ko. Bakit ganito?

From under the table, hinawakan ni Ivette ang kamay ko. “Kuya, seryoso toh ha. Kung magiging crush mo lang si Trina, okay lang sa akin. Pero promise mo sa amin ni Ate, wag kang ma-i-in-love sa kanya ha?”

Tumaas ang kilay ni Alfred. “Bakit naman?”

“Kasi ayokong masaktan ka. Heart-breaker kaya yun. Di mo ba alam na andaming ka-batch nyo ang nanliligaw sa kanya? Laging may nagpapadala ng gift sa kanya sa school pero wala pa syang sinasagot kahit isa,” mahinang binulong ni Ivette. “Di ko sya sinisiraan ha. Okay sya as a friend. But I know her when it comes to boys. Kung mai-in love ka rin lang, kay Ate Tori ka na lang,” dagdag pa nya at nahampas ko tuloy ang balikat nya.

“Anong pinagsasabi mo dyan?” Humarap ako kay Alfred. “Charming kasi talaga si Trina, kita mo naman yung itsura nya. Kaya maraming nahuhumaling dun. Di na ako magtataka kung pati ikaw magkakagusto rin sa kanya.” Nanikip lang naman ang dibdib ko nung sinabi ko yun.

Halatang naguluhan sa amin itong si crush. “Ahhh… owkey. Sige, promise.”

Uulitin ko lang. Tori, wala kang karapatang masaktan. Unang-una: hindi kayo. Pangalawa: pinili mong itago ang feelings mo kasi ayaw mong masira ang friendship nyo. In short: Umayos ka!

Pero napaisip ako. Kung mag-ayos kaya ako ng sarili ko, magiging cute din kaya ako sa paningin nya?

Sobrang tagal kong hindi nakasama sa kitaan ng barkada sa sobrang toxic sa school at sa extra-curricular activities. Kailangan ko kasing bawiin ang grades ko sa Math, so kailangang pagtuunan ng oras at pansin. Ang hirap din pag bibbo kid ka, ikaw talaga ang ivo-volunteer ng mga tao sa kung anu-anong project at event. Hindi naman ako makatanggi dahil gusto ko rin, hahaha. Ang labo lang.

Pero nakaka-miss lang talaga ang barkada. Fine. Nakaka-miss si Alfred. Nasabihan ko na kasi silang lahat na marami akong ginagawa kaya hindi masyadong nagte-text. Puro quotes quotes lang. Hindi rin sya nagre-request na tumawag ako. Which was good kasi plakda ako lagi pagdating sabay—un tipong masayad lang ang likod, tulog na. Napaka-considerate nya talaga. Something to add to the long list kung bakit love ko na sya. Haay.

Ngayong gabi, bagsak na naman ang katawan ko. Ang daming homework at tinapos ko na lahat. kahit sobrang antok na antok na ako, yun tipong nakakaduling na. Masara lang saglit ang mata, mananaginip na. 

Mag-a-ala una na yun ng umaga nang mag-vibrate ang phone ko.

1 of 2 Messages received

From: FamilyTree.Alfred

Hello. This took me some time to realize what I really feel. And I’m sorry if I have to disturb you from your busy day. Hope you understand. I just have to tell you this. I tried to suppress my feelings. I really did. But I failed. I’m really sorry about this. I just want to let you know that I have finally fallen in love with (part 1 of 2)

Hindi ako nakatulog kakahintay sa susunod na parte ng nosebleed na text message nya.

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon