Chapter Six: Siya naman

1.2K 57 26
                                    

A/N: Dedicated to RinReenReyn... dahil ka-chat ko sya habang sinusulat ko toh :) hehehe

Si Ivette naman ang featured sa Multimedia section ---->

---------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos din ang bakasyon. Hindi ko alam kung bakit excited akong pumasok. Siguro dahil Senior na ako?

Six thirty pa lang ng umaga, nasa school na ako. Bilang Student Council Secretary kasi, bukod sa hindi dapat ako late, kailangan kong magbantay sa rainway malapit sa school gate para maharang at mailista ang mga pangalan ng mga estudyanteng hindi aabot sa flag ceremony by seven.

Masaya ako kasi magkakaklase kaming magkakabarkada. Actually, inasahan ko na yun, consistent Top Twenty placers din kasi sila Kya, Cat at Riz. So it follows lang na nasa Cream Section din sila. Andun din si Trina, yung SC President tsaka yung batch Governor namin. Naku, matinding labanan ito para maka-secure ng place for honor students pagdating ng final grading.

Pero hindi ko masyadong inisip yun. Masaya ako ngayon. As in. Di ko ma-explain.

“Uy, sama ka sa McDo mamaya?” anyaya ni Ivette.

I gave her a wide grin. “Syempre. Tagal kaya nating di nagkita-kita.”

Kumunot ang noo nya. No doubt, nagtataka rin bakit nakangisi ako. Nilapitan kami ni Kya.

“Eto pala yung mga pictures nung Foundation day, tsaka nung last time sa McDo.” Inabot nya sa amin ang isang album at sabay naming tinignan ang mga pictures. Comment dito, comment doon. Hanggang sa nakita ko yung picture ni Alfred habang sumasayaw.

“Bahaha, naaalala ko toh. Ampayat nya noh?” nasambit ko pero di ko narinig kung sumagot si Ivette. Nagpatuloy lang kami sa pagtingin ng mga pictures. Hanggang sa nakita ko yung stolen shot namin ni Alfred na nagtatawanan. “Sinong kumuha neto?”

“Si Cat yata eh. Pano may sarili kayong mundo,” syang tugon naman ni Kya.

Kinuha ko mula sa album yung picture at mas lalong lumaki ang ngiti ko. “Akin nalang toh, Kya.” Tumaas ang kilay nya, pero pumayag din. Tapos may naalala ako. “Ivette! Eto pala yung copy nung picture natin nila Alfred sa may food booth.” Dinukot ko mula sa bulsa ng uniform ko ang naturang litrato.

“Tangna naman eh!” malutong na pagmumura nya. “Anong klaseng mukha yan? Tae!” Bigla syang tumayo at naglakad, dala ang picture. Maya-maya pa ay may hawak na itong gunting at tuluyang ginupit ang sarili sa litrato.

“Anong ginagawa mo?!” sigaw ko pero nung binigay nya sa akin yun at nakita kong kami nalang ni Alfred ang nasa picture. Napahinto ako. Napangiti.

“Tignan mo toh. Alam mo, malakas ang kutob kong crush neto si Alfred eh, noh?” bulong ni Ivette kay Kya.

Tumango–tango naman yung isa. “Alam mo, yan din ang feeling ko eh. Kung makatitig sa picture, halos mapunit ang pisngi kaka-smile.”

Nang matauhan ako, daglian kong bilalik sa bulsa ng uniform ko yung litrato and I tried to compose myself. Nang napansin kong pinagmamasdan ako nung dalawa, tumaas ang kilay ko, kunwari wala lang. “Bakit? Anong problema?”

“Kunwari ka pa, eh crush mo si Alfred! Umamin ka kundi sasakalin kita!” banta ni bestfriend Ivette.

“Hindi noh. Ate kaya ako ng barkada, hindi pwede yun. Tsaka, natutuwa kasi ako sa kanya, hahaha,” tugon ko naman.

Gumulong lang ang mga mata nilang pareho at hindi na nakasabat dahil nagring na ang bell. Umpisa na ng klase.

Totoo naman eh, natutuwa lang talaga ako kay Alfred.

Sa McDo, hindi magkamayaw sa pasimpleng panunukso sina Kya at Ivette. At dahil obvious ang ginagawa nila, kumalat tuloy sa barkada. Shet lang. Buti wala pa nun si Alfred. At sana di muna sya dumating ngayon.

Kaso hindi eh. Amf.

Tumahimik ang lahat at puro sila nakangisi nung parating na siya. Tengeneng yan. Laglagan?

Kumunot ang noo nitong si Alfred na walang choice kundi umupo sa harap ko. Oo, sinadya ng barkada yun. Di ko nga sya crush, anubeh?

“Anong meron? Bat ang tahimik?” tanong nya nang makaupo.

“Wala naman.”

“Wala lang, may dumaan lang na anghel.”

“Masama bang tumahimik?”

“Dumaan kasi yung crush ni Tori, hahahaha.”

Sabay sabay silang nagsisalita. Ako naman, pinandilatan lang silang lahat. Kung pwedeng makapatay ang tingin baka na-massacre ko na sila.

As usual, nag-ambag-ambag kaming lahat para makabili ng paborito naming fries ng McDo. Sa kasamaang-palad, dahil ako ang pinagti-tripan ng barkada, kami ni Alfred ang naatasang bumili.

“Ate, kamusta na kayo ni Yuan?” tanong nya habang nasa cashier kami at hinihintay yung order namin.

Nabigla ako sa tanong nya kaya napatingin ako sa kanya. Paano ko kaya sasagutin yun? Naalala ko kasi yung sinabi ni Yuan nung last time nyang tumawag sa bahay kung kalian ako nag-offer ng friendship. Naasar ako sa sinagot nya. Kung wala daw syang pag-asa, bakit pa raw nya gugustuhing maging friends kami. Ampotah lang. Sya pa talaga ang choosy.

“Ahhh. Honestly, I think mas okay kami sa kinalalagyan naming dalawa ngayon. Haha. Ang labo noh? Basta yun,” naiilang kong sinabi. Sana bilisan ni Ate crew ang paggalaw. Ayoko ng ganitong usapan.

Tumango lang ng kaunti si Alfred. “Sabi kasi nya binasted mo raw sya?”

Tumaas ang mga kilay ko, feeling ko nasa outerspace na. Binasted ko raw sya? Nagtanong pa lang naman sya kung pwedeng manligaw tapos sinabi ko hindi. Parehas ba yun?

“Okay lang Teh. Don’t push yourself kung ayaw mong sagutin, hehe. Sorry for prying,” paumanhin nya. At sa wakas, ready na ang order namin. Binuhat na nya yun at naglakad pabalik sa table habang nakabuntot lang ako, malalim pa rin ang iniisip.

Inilapag nya sa mesa yung tray at naupo na kami. Sinimulan na rin naming pagpiyestahan ang nakamamatay ngunit nakaka-adik na fries ng McDo na binudburan ng ketchup.

“Alfred, sinong crush mo?” diretso ni Ivette at nanlaki lang ang mga mata ko ng bongga, halos lumuwa.

Tumingin sa taas si Alfred na parang may iniisip tapos nagkibit-balikat lang.

“Yown! May chance pala oh!” parinig ni Peej at tinignan ko lang sya ng masama.

“Nga pala,” tinignan ako ni Alfred. “Ate Tori, may kilala kang Peachy Pascual?”

“Awwwwww…okay lang yan. Wag kang susuko,” Sabay-sabay na reaksyon ng iba. At hindi ko nalang sila pinansin. Sana di rin magets netong si Alfred ang mga parinig nila.

“Ahh, oo. Salutatorian namin yun dati nung Elementary. Kaso nagtransfer sya nung high school eh. Kilala mo?” usisa ko naman.

“Ahh oo, nakilala lang namin nung friend ko. Hello pala sabi nya.”

“Pakisabi hello din,” nakangiting sabi ko.

“Ate, ano pala number nyo sa bahay? Tawagan kita mamaya.”

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon