II

596 18 0
                                    

Agad na tumayo si Simon nang dumating ang kanyang Mama kasama ang secretary nito at ilang mga taga-House of Commons. Mukhang tapos nang mag-usap ang ito at hindi nagtagal ay silang dalawa na lamang ang natira roon.

Nasa Prime Palace siya ngayon. Batid niya kasing ngayon ang balik sa bansa ng kanyang ina kaya't nais niya itong bisitahin doon.

Agad niyang inakap ang kanyang Mama. Miss na niya ito. Ilang buwan narin nang huli niya itong makita mula sa mga naging country visits nito.

"You must've missed me that much my son." His Mama said.

"I sure did, Ma." Kumawala siya dito at naupo sila roon sa hardin.

"You might wanna come inside. I'm still not comfortable staying in the garden." Suhestiyon ng kanyang ina. Naiintidihan niya ito. Agad siyang tumalima at pumasok na nga sila sa loob.

Marahil ay hindi parin ito kumportable sa lugar na iyon. He knew the story behind that.. Everyone did. Isang trahediya ang naganap sa lugar na iyon mahigit tatlupu't dalawang taon na ang nakakaraan.

Her mother lost her family in that garden. The royal family was ambushed before there, and the people who were protecting their family died too. Nasaksihan ng kanyang ina ang lahat ng nga pangyayaring iyon kaya't magpahanggang ngayon alam niyang may trauma parin ito sa lugar na iyon.

Batid niyang kung ang ina lang niya ang masusunod, hindi na nito pag-aabalahan pa ang pagpapa-renovate ng palasyo nang masunog ito noon. Ngunit ng dahil narin sa suhestiyon ng kuya niyang si Hendrick, ang crown prince, para narin sa monarkiya at sa imahe nito ay doon silang magkakapatid titira. Para narin ipakita sa lahat na matatag ang kanilang pamilya at hindi na sila apektado sa nangyari noon.

Ang ina naman nila ay nakatira sa Transvech Palace kasama ang kanyang Papa pagkat hindi talaga nito matagalan sa Prime Palace. Kung hindi lamang doon ang mismong tanggapan ng reyna, maging ang pinaka-opisina nito ay marahil hindi na ito muling pupunta roon.

"How are you, Ma? Kasama niyo ba si Papa?" Pangangamusta niya sa ina.

"Sa Croatia, oo. But he had to go to Taiwan afterwards." Tinabihan niya ang ina sa sofa at pagkatapos ay humilig ito sa kanya.

"How are you, anak? Kamusta ka at ang mga kapatid mo?" Tanong nito maya-maya. Batid niyang nais nitong humingi ng tawad sa kanya pagkat hindi sila nagkakasama na dalawa ngunit nais rin niyang ipabatid dito na naiintidihan niya iyon.

Abala siya sa pagiging propesor sa unibersidad at ang mga kapatid rin niya ay may kanya-kanya ring mga buhay at madalang niyang makita ang mga ito.

"Seems like you're having problem answering that, son. Is something bothering you?" Tanong nito. Napatingin siya sa kanyang ina.

Kahit na bihira lang na magkasama silang dalawa ay alam na alam talaga nito kung may kung may gumugulo sa kanyang isipan. Ang totoo ay may ibang laman ang kanyang isip kanina pa.

"Actually, there's this girl. Before, she used to be different person and now all of a sudden, she changed! Just like that. I don't know what should I do with her anymore, Ma." Hindi na niya napigilan pang sabihin sa ina.

Buong linggo niyang pinoproblema bakit nagkakaganoon si Shelley. At sa bawat araw na dumaan, tila lalo siya nitong sinasadya sa mga ikinikilos niyo.

Ang akala niya ay lilipas rin kung ano mang nakakapagpa-attract sa kanya sa babaeng iyon ngunit tila mas lalo pang tumitindi ang pakiramdam na iyon. It was killing him. Hindi na niya malaman ang gagawin.

Mukhang napukaw naman noon ang interes nang reyna at mukhang naging interesado ito sa mga sinasabi niya.

"Wait, is this a girlfriend problem? Anak, may girlfriend ka na ba at hindi mo lang sinasabi sa Mama mo?" Tanong nito, tila may kung anong ideyang naglalaro sa isip nito sa ngiti nitong iyon sa kanya.

Flademian Monarchy 6: Prince Simon The PassionateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon