V

559 19 0
                                    

Nagyuko si Simon ng ulo, nahihiya na agad siya sa kanyang ina gayung walang pa man din itong sinasabi, nakatingin lamang ito sa kanya nang diretso na para bang siya ang inaantay nitong unang magkumpisal. Napalunok siya. He never felt so intimidated by his mother.

Ipinatawag siya ng kanyang ina sa opisina nito nang umagang iyon upang makausap at base narin sa pagkakatingin nitong iyon sa kanya, mukhang nalaman na nito ang kanyang sitwasyon. Hindi siya sigurado ngunit hinala siya ay napaamin nito ang kanyang Kuya Carson sa naging usapan nila noong nagdaang gabi.

Ang kanyang ina lamang ang kayang gumawa noon sa kanyang kapatid. After all, she was the queen. Talaga namang lahat ay mapapaamin nito lalo na't salita pa lamang nito ay nakakatakot na. He knew no one would dare to lie on Her Majesty's face.

"How did you know, Mama?" Lakas loob niyang tanong dito kahit ang totoo ay para na siyang maiihi sa takot. His mother never given him the look that she was giving him right now. It was frightening for him.

Kung  noon ay palagi itong nakangiti sa kanya at malambot ang ekspresyon, ngayon ay nakakakaba ito kung tumingin. Ni hindi niya mabasa rito kung anong tumatakbo sa isipan nito ngayon. Muli siyang napalunok.

Sandaling tumalikod ang kanyang ina at kinuha ang maliit na brown envelope mula sa lamesa nito at hindi nagtagal ay bumalik ito sa kanyang harapan. Inilabas nito ang laman ng envelope, ilang litrato iyon at inilagay nito sa lamesa sa tapat niya.

Ganoon na lang ang paglaki ng kanyang mga mata ng makita kung sino ang nasa litrato. It was Shelley, carrying him, entering the dorm hall. Naalala niya ang kuhang iyon ay mula sa gabing tinulungan siya ni Shelley dahil sa kanyang labis na kalasingan. Malinaw na malinaw ang pagkakakuha sa litrato para makitang siya ang naroroon kahit pa umuulan nang gabing iyon.

Ang pangalawang litrato ang siya lamang ngunit kita roon kung saan na namn siya tutungo; sa dorm room na naman ni Shelley. At ang huling larawan ay magkasama silang dalawa ng dalaga, palabas naman mula sa gusali.

Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya alam na may kumukuha sa kanya ng litrato. Tiningnan niya ang kanyang ina, ngayon lang niya ito nakitang ganoon kaseryoso ang istura.

"Ma, I—I can explain."

"Oh can you, really son? You are in the news right now, did you know that? Everyone is talking about you and your little affair with that student! Is your explanation going to be enough to be sure that the monarchy's reputation will not be jeopardized? " She said with a hurting expression. Hindi niya alam kung saan galing ang litratong iyon ngunit nang dahil doon ay nasasaktang nang ganoon ang kanyang ina ngayon.

"I'm sorry." Tanging nasabi niya rito at muling nagyuko ang ulo. Hiyang-hiya na talaga siya sa kanyang ina.

"Apparently, your sorry is not going enough son. Bring the girl to me. I want to talk her tonight." Lumapit ang kanyang ina sa kanya ay hinaplos siya sa kanyang pisngi.

"Siguro nga napabayaan kita para magkaganya ka." Naging mahina ang tinig ng kanyang ina at doon tumulo ang luha nito. His heart was breaking as well, seeing his mother like that. He knew he disappointed his mother that much.

SAMPAL ang bumungad kay Simon nang masalubong niya si Ava sa loov ng unibersidad. Natuklasan niya sa hindi malamang dahilan ay kumalat na nga sa mga balita at pahayagan ang nangyari sa kanila ni Shelley. Ngayon, iba na ang tingin sa kanyan ng bawat taong masalubong niya roon.

Batid niyang maaaring ngayon ay nahihirapan narin si Shelley dahil sa atensyong nakukuha nito mula sa iba dahil sa iskandalong hatid ng naging affair nila.

Kahit na nais niya itong puntahan agad upang makasigurado ng ayos lang ito ay hindi niya agad magawa pagkat hindi niya alam kung nasaan ito naroroon ngayon. Hindi niya inaasahang ang galit ng kapatid nito ang siyang masasalubong niya.

Flademian Monarchy 6: Prince Simon The PassionateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon