Naging mabilis at madali ang seremonyas ng kasal nila Shelley at Simon. Nang dahil sa takot na tototohanin ng reyna ang pagkuha nito sa anak nila ay wala na silang nagawang dalawa ni Simon kung ituloy na ang kasal nila nang gabing iyon.
Totoo nga ang sinabi ng reyna na darating ng gabing iyon ang ilan sa mga pininsan ni Simon maging ang mga kapatid nito para maging witness.
Mukhang mababait naman ang karamihan sa mga ito, may ilan lang na medyo hindi niya gusto ang ugali. Si Carson na kuya ni Simon at si Dominique, isa sa mga pinsan nitong babae. May pagkamaldita ang babae at ang lalaki naman ay may pagka-antipatiko, isang mahadero.
Ramdam kasi niyang hindi gusto ng mga itong ikasal sa kanya si Simon. Kagaya ng reyna, ipinararamdam ng mga ito sa kanyang tila ba siya ang may kasalanan kung bakit maagang natali si Simon. Sayang, crush pa man din niya noon ang kuya ni Simon dahil akala niya ay mabait ito sa mga tao, iba palang klaseng tao pala ito sa personal.
Pansamantala ay sa palasyo muna sila manunuluyang 'mag-asawa' gawa nga ng nais nilang ipahayag sa lahat na ang relasyon nilang dalawa ni Simon ay nabuo nang dahil sa pagmamahalan, hindi sa kalokohang sinimulan niya.
Doon sila tumululoy sa dati nitong silid doon at gaya ng nangyari sa bahay nito ng nakalipas na araw ay hindi sila nagtabi bagkos ay naglatag lang ang kanyang asawa sa sahig at doon ito natulog.
Hindi malinaw kay Shelley kung dahil ba sa hormones dala ng kanyang pagbubuntis kaya siya nagkakaganoon ngunit tila nais sana niya itong makatabi at yakapin sa magdamag. Lamang ay nakahiyaan lang niyang sabihin rito. Kung tutuusin, isa parin itong istranghero para sa kanya.
The first thing that Simon did in the next morning was call the press and announced that the two of them were now married. It still felt so surreal to her.
Kung hindi pa sa ibang taong tumatawag sa kanyang 'prinsesa' ngayon ay hindi niya mararamdaman na pinakasalan nga niya ang isa sa mga prinsipe. Nakaka-overwhelm parin iyon para sa kanya.
Well technically speaking, she was not a real princess. She was just styled as 'Her Royal Highness, the Princess Simon Transvech-Horecois' for she was married him.
Hindi niya akalaing sa ikli ng panahon ay ganoon nalang magiging kaingay ang kanyang pangalan. Sa isang iglap, talagang nagbago ang kanyang buhay. In instant she became a celebrity and now, a public figure.
The press conference started and she felt uncomfortable, still. Naroroon lamang siya sa kanilang silid habang pinapanood niya ang kanyang asawa mula sa telebisyon na siyang nasa ibaba lang ng palasyo at doon nagpapa-interview.
Kahit pa batid na naman niya ang sasabihin ni Simon sa madla pagkat napagusaan na nila iyon ay iba parin ang dating niyon sa kanya. Para kasing dahil sa announcement nitong iyon, talaga inihahayag na nito sa lahat na talagang kasala na nga talaga silang dalawa.
He announced that he was planning to resign to the university because he was choosing to take care of the issue, to clear her name ang. that she was not at fault. That he was just in love with her and now, she was his wife. Kahit scripted ang lahat, may kakaibang init na hatid iyon sa kanyang puso.
Tila nagkagulo ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Simon ngunit tinapos na nito ang interview doon. Magalang na itong tumalikod at umalis at hindi muling nagpaunlak pa sa iba pang tanong ng mga reporter. Pinatay niya ang telebisyon at nahigang muli sa kama. Para siyang napagod kahit sa totoo lang ay wala naman siyang ginawa, pinanood lang ang interview ni Simon.
Mayamaya ay naramdaman niyang naroroon narin si Simon sa kanyang tabi, inakap siya nito mula sa likod at dinampian ng halik ang kanyang ulo, kagaya ng palagi nitong ginagawa.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 6: Prince Simon The Passionate
RomantikAn introverted Prince who'd rather lock himself up in his room all day inventing things and just avoid society almost all of his life. He was comfortable that way. Until he met someone, who will forcefully drag him away from his comfort zone. of cou...