Ayaw ni Shelley ang pagkakatingin ng batang propesor na iyon sa kanyang ate. She dated a lot of guys before. Hindi niya hahayaang makalapit ang mga tulad nito sa ate niya.
Hindi man niya ito kilala ng personal ay alam niya kung sino ito. Isa itong prinsipe ngunit isa rin itong propesor sa unibersidad na kanyang pinapasukan at ngayon ay kanya nang math lecturer.
Kahit na hindi kita sa itsura ng lalaki na may kalokohan itong balak sa ate niya, alam niya ang mga karakas ng mga ganitong tao. Pasaway man siyang madalas sa ate niya ay hindi niya hahayaang malapitan ito ng mga lalaking 'may balak'.
Mahal na mahal niya ang ate niya para paligirian lang ng kung sinong lalaki. Wala siyang pakialam kung prinsipe man o kung sino ito na nanggaling sa mataas na pamilya. Poprotekhan niya ang ate niya sa abot ng kanyang makakaya.
Ikatlong linggo na nang magsimula siyang pumasok sa klase ni Sir Simin. Isa na siyang graduating student ngunit nang dahil sa kanyang mga kalokohan ay may mga ilang subjects parin siyang undertaken, isa na roon ang subject na tinuturo nito.
Kung tutuusin ay may utsura naman ang kanyang propesor at talagang magaan ito sa kanyang paningin. May pagka-misteryoso at madalas tahimik lalo na't kapag hindi ito nagle-lecture. Katunayan, bihira itong magsalita sa klase kapag walang kinalaman sa subject nila.
Nais niyang ismiran ito. Alam niyang kung ano man ginagawa ng lalaking ito ay paraan lamang nito iyon para maging interesado rito ang ate nito. Lalo siyang nangigigil dito mula sa kanyang kinauupuan.
Naisip niyang may gawin upang kahit papaano ay lumabas ang tunay na ugali nito. Batid naman ng lahta na isa siyang pasaway na istudyante ngunit nang dahil nga sa bilin ng ate niya sa kanyang propesor, umaarte itong mabait sa kanya. Katunayan, minsan na siyang inalok nitong tu-tutor-an siya upang umigi ang kanyang grado sa subject na iyon.
Ganoon na lang kanyang ginawang pagtanggi dito. Mistulang naging dismayado naman ang kanyang propesor ngunit ganoon pa man, hindi na nito iginiit pa iyon. Ayaw niyang magustuhan ito ng ate niya.
Pauwi na siya at dinaanan niya ang ate niya sa faculty room. Nakita niyang naroroon rin ang kanyang math professor, mistulang hibang nakatingin sa ate niya. Ni hindi napansin nitong palapit na siya roon.
Nang dahil nais niyang sadyanin si Sir Simon, inaya niya ang ate niya na mag-miryenda na kasama siya. Ganoon nalang naglaho ang mga ngiti ng kanyang math professor. Inismiran niya ito at inaya na ang ate niyang umalis roon.
Doon niya naisip na sasadyain niya ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong mainis sa kanya. Batid niyang doon lang tuluyang lalabas ang tunay na kulay nito. Wala siyang pakialam kung ibaksak man siya nito sa kanyang subject. Kung hindi lang din dahil sa ate niya ay baka matagal na talaga siyang nag-drop out.
Hindi para sa kanyang ang pagaaral. Iyon ang opinyon niya. Ang gusto niya ay maging artista ngunit sa ngayon, kailangan muna niyang makatapos ng kanyang pag-aaral. Para narin sa kasunduan nila ng ate niya.
"Hindi ka ba naiirita do'n kay Sir Simon? Kung makatitig sayo, parang nahihibang." Hindi na niya napigilang reklamo sa ate niya nang makarating sila sa cafe sa loob ng campus. Sukat tinawanan naman siya nito, parang may nakakaloko siyang sinabi.
"Seryoso ako ate. May gusto sayo 'yun." Sabi pa niya.
"Ano ka ba, parang younger brother ko na 'yon." Umiling pa ito, natatawa parin sa mga sinasabi niya.
"Exactly! I know the likes of him. Iyong mga gano'n, nasa loob ang kulo no'on!"
"Enough, Shels. Simon is a good guy. At isa pa, alam naman nating pareho kung sino ang gusto ko." Napangiti siya sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 6: Prince Simon The Passionate
RomanceAn introverted Prince who'd rather lock himself up in his room all day inventing things and just avoid society almost all of his life. He was comfortable that way. Until he met someone, who will forcefully drag him away from his comfort zone. of cou...