IX (Final Chapter)

1K 31 4
                                    

Naging malinaw para kay Simon na hindi na hihigit pa sa isang kasunduan para kay Shelley ang kanilang pagsasamang dalawa.

Sa harap ng marami ay umaakto silang tila walang problema ngunit kapag silang dalawa nalang, halos ni wala ni isang kibuan ang namamagitan sa kanila. Dalawang linggo na silang ganoon.

Sa loob ng wing kung saan sila nanunuluyan ay may ibang kwarto pa bukod sa kwarto nilang mag-asawa, doon siya ngayon tumutuloy pagkat ayaw niyang salubungin ang galit ni Shelley.

Inaamin niyang napasama niya ang loob ni Shelley dahil sa pagtrato niya rito ng malamig. Ngunit kung may higit na masama ang loob sa kanilang dalawa ay siya iyon pagkat talagang sinaktan siya nito, lamang ay ayaw niyang ipaliwanag pa rito kung bakit siya nagkakaganoon ngayon.

Dalawang linggo na ang nakakaraan, masaya na sana siyang babalik ng opisina noon nang masalubong niya ang kanyang hipag na siya palang papuntahan noon sa kanyang asawa. Natural lamang na estimahin niya ito at kahit papaano ay kamustahin narin.

Nang dahil nga sa kanilang paguusap ay mas nalinawan siya sa kanyang nadarama para kay Ava noon ay hindi na hihigit pa sa isang paghanga para sa isang kaibigan. Pagkat ang puso niya ay totoong tumibok lamang nang simula niyang mahalin ang kanyang asawa.

Dahil sa riyalisasyong iyon ay hindi na siya napakali. Ni hindi na niya nagawa pang bumalik ng opisina bagkos ay nais umuwi sa kanyang asawa sabihin ritong mahal niya ito. But he guessed, he made the wrong move.

Lahat ng saya at sabik na kanyang nadarama ay tila ba para lang sa wala. Hindi iyon importante pagkat kahit kailan naman, sa palagay niya hindi naman iyon magma-matter para sa kanyang asawa.

Narinig niya ang kanyang asawa at ang kanyang hipag na naguusap. Sa kung anong dahilan ay tila biglang galit ang tono ni Shelley na kinakausap nito ang kapatid nito na layuan siya nito.

Doon ikinumpisal ni Shelley na ginawa na nito ang lahat upang mapalayo ang Ate nito sa kanya noon. Rinig na riniga niya sa mismong bibig nito na s-in-educe siya nito para lang kung may plano man siyang ligawan si Ava noon ay hindi iyon matuloy.

Parang nanlaki ang kanyang ulo sa mga narinig na iyon, hindi na niya kaya pang pakinggan ang iba pang sasabihin ng kanyang asawa ay mabilis siyang lumisan sa silid na iyon.

Hindi siya makapaniwalang may ganoon palang naganap. He was even in denial for a second. Talagang ayaw niyang tanggapin nalang ang mga narinig. Hanggang sa maalala niya ang sinabi sa kanya ni Kuya Carson, na isang mapagkunwari ang kanyang asawa. Isa lamang itong oportunistang gagamitin siya para sa sarili nitong interes.

Kahit walang indikasyong na alin man sa mga nabanggit ang nais mula sa kanya ni Shelley ay nasasaktan parin siya. Naging mapagkunwari at pinaniwala parin siya nito.

Anu't-ano man ang dahilan nito ay nagsinungaling parin ito sa kanya. Ang pinakamasakit sa lahat, ang akala niyang pagmamahal na ipinapakita nito ay pagkukunwari lang din. Para saan? Para makasigurado ang kanyang asawa na malalayuan na nga niya ang kapatid nito nang tuluyan?

Labis man siyang nasasaktan ay wala siya ni isang sinabi kay Shelley kung hindi ang itutuloy nila ang annulment nila matapos maisilang nito ang kanilang anak.

Simula noon, ramdam niyang nais na nitong lumisan sa poder niya ngunit pinigilan niya ito at nagdahilan siyang hindi papayag ang kanyang ina.

He knew that it was a pathetic move. Masama man ang loob niya sa nagawa nito ay hindi niya alam kung makakaya niya kapag dumating na ang oras na talagang aalis na nga ito at iwan siya.

Natatangahan siya sa kanyang sarili. Sinasaktan na nga siya nitong harap-harapan ngunit tila ba hindi niya ito kayang pakawalan kailanman. Maybe, he just needed a time to be ready.

Flademian Monarchy 6: Prince Simon The PassionateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon