Situation #20:
Naalala ko nung chinat niya ako. Ang saya ko pa kasi sabi niya magkikita kami. Maaga akong dumating sa school. Balak ko pa nga magpa-tahi ng gown at kumuha ng make up artist para sakin para pag nakita nya ako mamaya eh maganda ako. Kaso..."Faye!" Tawag niya sakin. Ang fresh fresh ng itsura niya. Mukhang baby na bagong ligo. But wait, baby naman talaga siya diba? Baby ko? Hihi.
"Uy, Nathan! B-bakit?" Stutter pa ang peg ko! Hahaha bakit babe? Alam ko namang magpo-propose ka na sakin eh.
Nginitian niya ako at kumamot sa batok niya. Punyeta, nasaan ang obrayo ko?! Nawawala na! Ang pogi niya waaah! "Nakakahiya to pero kasi eh, kailangan talaga. Dare kasi to. Ano kasi, crush mo daw ako." Awkward siyang ngumiti.
Gulat na gulat ako. Pero oh well, wala naman akong balak itago to noh! Halos lahat alam na. "Sinong nagasabi babe- este Nathan?! Pero sige, aaminin ko, oo, crush rin kita."
Confident pa ako that time. Punyeta naman, sino ba namang hindi magkaka-false hope nung sinabi kong oo ngumiti siya ng malaki!
Hindi na niya napigilan at tumawa siya ng malakas. "Ha?! Hahahahahha! Seryoso ka ba don?! Buti di kayo nagaaway ng kapatid mo noh, crush mo yung boyfriend niya. But uy, don't be offended. Wala akong intensyong mag-feeling pogi." Ngiti niya.
Kulang ang salitang gulat para i-describe yung nararamdaman ko. Ano tong ka-shitan na to?! Joke lang to diba?! Diba?! "What-who?! Elyssa?!"
Dahan-dahan siyang tumango at yumuko. "Sorry Faye, just to clear things out, siya talaga yung mahal ko eh." Sabi niya at iniwan akong parang gago.Ang hirap talaga pag over-qualified na yung kagandahan mo para sa kaniya noh? Hays.
{y.a}
BINABASA MO ANG
Wag Kang Assuming Teh
Teen FictionTara na't buksan ang librong siguradong makaka-relate ka! Lalo na't ikaw ay isang assumera!