Situation #28:
Kanina habang kumakain ako may poging lalaki na nagtanong sakin ng oras. Sabi niya, ''Miss, may itatanong lang sana ako, anong oras na?" Ang pogi! Harajusko! Pero, no, hindi, basang-basa ko na kayong mga lalaki, style niyo bulok!
"Oras?! Oras?!" Nag freak out ako. I know his type. "Alam ko yang mga style ninyo! Magtatanong kayo ng oras tas makikipag-close kayo samin. Kukunin niyo number namin tas uutuin niyo yung puso namin, kami namang mga tanga, nagpapauto kaya ayun! May mangyayari satin, at hindi niyo pananagutan ang bata so hindi! Hindi ko sasabihin ang oras. N E V E R !" Sabi ko. Ini-spell out ko pa yung never para ma-gets niya.
"A-ah. O sige, Miss. Salamat nalang." Sabi niya sabay alis. "Tsk. Malas oh, magtatanong na lang ako ng oras dun pa sa may sayad." Bulong niyang di ko narinig. Hay boys.{y.a}
BINABASA MO ANG
Wag Kang Assuming Teh
Teen FictionTara na't buksan ang librong siguradong makaka-relate ka! Lalo na't ikaw ay isang assumera!