How can I move on? When I'm still inlove with you?
And If someday you wake up and find that you're missing me.
And your heart starts to wonder where in this place I could be?
Nakakairita yung tunog sa iPhone ko. On the way ako ngayon sa St. Lukes. Liam Dame is his name. Ate and "Kuya's" newborn. Oh diba? Ang bilis ng panahon. And I know you'll ask me the same question and I'm still giving you the same answer. Yes. I'm not finally moved on. Yet, medyo nakakausad kumpara nung dati. Imagine naman kasi, kasama mo sa bahay palagi? Paano ko makaka-get over sa kaniya kung palagi kong tinatanong sa sarili ko kung paano kaya kung ako yung minahal niya?
"Pabili po. RC ngang maliit." Sabay taktak ko ng sampung pisong buo sa may plywood ng sari-sari store. Sa wakas lumabas na si Ateng nagbebenta dala-dala yung RC kong mahal.
Sisipsipin ko na sana yung straw, takam na takam na ako sa droplets ng tubig sa plastik ng RC ko na nagsasabing sibrang lamig non ng biglang...
"Kuya hello?! Natapon mo kaya yung RC ko!" Singhal ko kay Kuyang naka-bonnet na may isang piercing sa kanan niyang tainga.
"Miss hello din?! Ikaw kaya yung nakaharang jan." Sabi niya. Aba't! Hindi pa marunong magpa-sorry! Hinding-hindi niya ako madadaan sa mukha niya no! No way!
"Excuse me-" Ready na sana akong sigawan siya ng may bagong kabastusan moves nanaman siyang ginawa. Kinakausap ko siya pero binalikan niya yung kausap niya sa telepono.
"Hello? Yeah aryt. I'm on my way, Kuya. May babae kase ditong gusto atang magpa-picture sakin." Sabi niya sabay ngisi sakin. Ang yabang niya! Grabe talaga!
"Hell no!" Sabi ko at nilayasan na din siya. Wala na din namang magagawa kung mag sorry siya if ever! Pero sa ugali niyang yon, mukhang kahit makapatay yun hinding-hindi yun magso-sorry.
***
"Ang cute cute mo. Kamukha ng Daddy!" Sabay pisil ko sa pisngi ng Dame. Bata pa lang, alam mo ng magpapahabol at magpapaiyak ng mga babae. Pero di dahil gwapo, may karapatan na silang mambastos ng mga babae. Gaya nalang ng antipatikong slash mokong na lalaki na naka-encounter ko kanina. By the way, ang lakas ng loob ko sabihin na kamukha si Dame ng Daddy niya dahil wala si Nathan, nag-CR saglit at si Ate naman, bumili lang ng merienda sa baba.
Lumabas na si Nathan at gamit ang pagod na mata, nginitian niya parin ako. Punyeta lang, paano ako makaka-move on nito? Paano?! Titig na titig pa ako sa kaniya at nagdi-daydream na ako ang asawa niya kung wala si Ate habang hawak hawak ni Nathan si Dame ng may bastos na "taong" nagbukas ng pintuan na di man lang nag-abalang kumatok.
"Where's my nephew?"
Nanlaki yung mata ko. Tignan mo nga naman! Kaunti nalang iisipin ko nasa libro nako sa nangyayari sakin! Small world?! Bastos talaga! Pero alam na alam ko na 'tong gantong plot eh, magkaaway kami, magbabangayan kami palagi hanggang sa di namin namalayang na-fall na kami sa isa't-isa tapos ayun, happy ending-
Naputol lang ang pag-iisip ko ng ipakilala niya na sakin yung lalaking yun. "Ah, Faye. Meet my brother Natahniel." Nakangiting lahad sakin ni mala-anghel na Nathan ang demonyo este mala-demonyo niyang kapatid.
"Woah, what a small world." Sabi niya sabay halakhak ng onti. "Tama nga ako, you had a crush on me earlier, tignan mo ngayon, titig na titig ka parin." He chuckled.
OH MY GOD! SUMASAKIT ANG BATOK KO! TUMATAAS ATA ANG ALTAPRESYON KO SA BWISIT NA TO!
BINABASA MO ANG
Wag Kang Assuming Teh
Teen FictionTara na't buksan ang librong siguradong makaka-relate ka! Lalo na't ikaw ay isang assumera!