Situation #28:
Sumakay ako ng jeep pauwi. Galing kasi ako ng MOA at nanood ako ng Bench's The Naked Truth. Sumakay ako at medyo siksikan pa. Pang lima ako sa pasahero mula sa driver kaya naman nung nagbayad ako, may umabot na poging lalaki at siya ang nag-abot sa driver. Tsk, si Kuya oh, breezy pa. Mamaya hinihiling na niyan na balang araw maka sakay ako sa jeep na kasama siya tapos pag nagbayad siya sasabihin niya, "Bayad oh, dalawang senior."
{y.a}
BINABASA MO ANG
Wag Kang Assuming Teh
Teen FictionTara na't buksan ang librong siguradong makaka-relate ka! Lalo na't ikaw ay isang assumera!