I like you,You'll know it :01

1.3K 38 3
                                    

"Yes! First day of work. Cathy's Flower shop! see yeah! "

Excited na ako sa unang pasok ko sa trabaho. Dahil mahilig ako sa mga bulaklak naisipan kong mag apply sa sikat na flower shop ni Mam.Cathy Barber.

Oo aaminin ko na werduhan ako sa last name. Kasi Barber Tapos flowers yung Business nila.

Medyo hindi maganda yung first meeting namin pero buti nalang at mabait si Mam Cathy. Mamaya ko na i ke-kwento kung anong nang-yari.

Pag katapos kung mag paikot-ikot sa may salamin ni lola na naka dikit pa sa malaking aparador ay lumabas na ako ng kwarto ko dala-dala ang body bag kong tatlong taon ko ng iniingatan. May sentimental value kasi to. Regalo sakin to ni Mama bago nya lisanin ang earth.

Pag bukas ko palang ng pintuan ng kwarto ko ay na Amoy ko na agad ang paborito kong almusal. Ang Hotsilog ni lola Maria.

Amoy na Amoy ko yung bawang sa sinangag na kanin. "Hmmm, yummy in my tummy". Napalingon si lola ng marinig ang tinig ng kanyang nag iisang magandang apo. Syempre ako yun. Hehehe.
Si lola lang naman kasi palagi nag sasabi na maganda ako.
"Naku, akala ko pa naman ay hindi kana lalabas dyan sa lungga mo Mayeth." Malaking ngiti ang binungad nya sa akin. Gustong gusto ko talaga pag ngumingiti sya, lumalabas kasi yung malalim nyang dimple sa dalawang pisngi nya hehe.
"Lola ganda, hindi po ako pwede mag kulong dun kasi ngayon ang unang araw ko sa flower shop." Sabay halik ko sa noo nya. Kahit medyo amoy lupa na sya minsan pero mahal na mahal ko to. Mag kakamatayan pag may nang-api sa lola ko. So far wala pa nman akong na iin-counter na ganun.
"Ay oo nga pala. O sya sumubo kana, ano bang oras ng pasok mo? "

"Mga 7:30 po lola, ok lang po 6:45 palang naman at staka kasama ko naman si Tsumako sya na bahala sakin." Isang malapad na ngiti para sa lola kong natataranda sa pag bibigay sa kin ng almusal ko.
"Lola ok lang po, wag na po kayo mataranta, hindi ako male-late promise. First day of work eh. "

Natapos ko na rin ang almusal ko in just 5 minutes. O diba hindi naman ako excited masyado.

Paglabas ko ng bahay namin pumunta agad ako sa gilid ng bahay para sunduin si tsumako ang aking bestfriend.

Si tsumako kasama ko na simula ng nag highschool ako until now.

"Ano tsumako, ready kanaba sa ating new journey? "

Paalis na sana kami ng lumabas si Lola.

"Apo, napalitan mo na ba ng gulong yang si tsumako.? Baka mamaya bumigay yan sa daan? "

"La, ok na ok pa po ang gulong ni tsumako.Bye po aalis na kami" At sumakay na nga ako sa bike ko. Unique tong si tsumako kasi, tinadtad ko ng iba't ibang kulay, like a rainbow, tapos ung manibila may mga flowers pa sa palibot. O diba destiny.

I like your eyes
You look away ,when you pretend not to care

I like the dimples on the corner
Of the smile that you wear...🎼🎧

" Humm,hmm, hmm,.hmmm" Niyuyug-yog ko ang ulo ko habang naka pasak ang headset sa magkabilang tenga ko. Ganito pala feeling ng papasok ka ng trabaho sa isang sikat na Flower shop. Nakaka happy. Hindi ko tuloy mapigilan sarili kong sumabay sa beat ng tugtog.

At dahil hindi rin ako pwede maki pag sabayan sa mga naglalakihang sasakyan sa kalsada sa gilid nalang ako dumadaan at may way din naman para sa mga small Bikes na kagaya ko kaya safe kami ni tsumako at wala pang traffic.

I like U..You'll know itWhere stories live. Discover now