Chapter19

512 34 16
                                    

*I like your eyes you look away
When you pretend not to care...*(ringtone)

"Pssst! Mayeth phone mo ata yun." Sigaw ng kasamahan nya sa trabaho ng mag ring ang cellphone nya,naka full kasi ang volume nito,maging ang costumer kasi nila ay napa lingon sa kanya.

Nasa salon na sya noon nag tatrabaho at mahigit isang buwan narin ang naka lilipas.

Agad nyang kinuha ang cellphone nya na nasa loob ng bulsa ng apron nya sa harapan .

"Sa akin nga..." napa ngiwi pa sya nang mapag tantong lumilipad na naman ang isip nya kaya di nya naririnig ang pag ring ng phone.

"Hayst tulala ka na naman kasi..ano bang iniisip mo."

Hindi na nya sinagot yung baklang kasama nya.

Tiningnan nya ang screen ng cellphone nya at nakita nya na unknown number ang naka lagay.

Kaya kahit nagtataka sya ang sinagot nya na lang ito.

"He-hello? Sino to?"

*Hay sa wakas! sinagot mo rin ang tawag ko.*

"Enzo?!"

*yes ako nga baby...*

"Ah Pasensya kana,busy pa kasi ako..mamaya ka nalang tumawag ulit ok."

*pero...--*

"Toooot!"

Sabay pindot nya ng end call.

"Ay ayos ah...voice operator lang ang dating? Sino ba yang iniiwasan mo?"

"Wa-wala Say." Agad nyang binalik ang cellphone nya sa bulsa ng apron nya at nag patuloy na sa pag lilinis ng glassdoor ng salon.

Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan,hindi kasi agad napansin ni Mayeth na may papasok pala.

Kaya naman tumama ang noo nya sa may glassdoor pagka bukas nito.

"Aray!"

"Sorry Miss hindi ko alam may tao pala sa may pinto."

"Ok lang po.."

"Ay pogi! Mag papagupit ka ba?"

"Hindi may sinusundo lang."

"Ha?"

Abala si Mayeth sa pag haplos sa kanyang noo kaya hindi nya agad na kita ang itsura ng lalaking pumasok.

Pero ng mag salita ito ay automatic na nag pawis ang kanyang ilong dahil sa kaba.

Hindi sya pwedeng magkamali dahil kilalang kilala nya ang boses na yun.

Nag mamadaling lumabas si Mayeth,kahit tinatawag sya ng kasama nya na pinag iwanan nya ng apron ay hindi nya ito pinansin.

Agad namang sumunod si Enzo sa kanya.

(Beep-Beep/broom)tunog ng mga sasakyan sa labas ng salon.

"Mayeth! Iniiwasan mo ba ako?"

"Hindi ka dapat pumunta pa dito."

"Bakit naman?masama bang bisitahin ko ang girlfriend ko." Matamis na ngiti ang sinalubong nya sa mga tingin ni Mayeth sa kanya.

"Hindi mo na ako girlfriend,wala ng tayo Enzo."

Hindi agad naka pag salita si Enzo.Ilang segundo din syang na tahimik at ang kaninang matamis na ngiti ay agad na napawi.

"Pero bakit?"

"Masyado ko ng nagugulo ang isipan mo,gusto ko mag focus ka muna sa priority mo."

"Pero ikaw ang priority ko."

"Hindi ako,sinasabi mo lang yan,pamilya mo ang priority mo,at ok lang sa akin yun,dahil kahit ako si Lola din ang priority ko ngayon."

"Pero-"

"Sinabi ko din sa Daddy mo na hindi na ako magpapakita pa sa kanya,Enzo kapag kinalaban mo ang Daddy mo,hindi magiging kampante ang puso at isip mo kahit magkasama pa tayo."

"Pero mahal kit-"

"Gusto mo Lang ako."

"MAHAL KITA!"

"Hindi mo ako mahal..kailangan mo lang ng kaibigan na makikinig sayo at uunawa sa lahat ng problema mo at nag kataon lang na nandun ako,kaya naging tayo...but we can be friends."

"If-If that's what you want."

"Sige na,umuwi kana...mag tatrabaho pa ako."

Bumalik na sa loob si Mayeth habang naiwan si Enzo sa labas.Napapailing na lang sya dahil hindi nya lubos maisip na ganito ang mangyayari sa pag babalik nya.

Sa bahay ng mga Barber..

"O anak,kamusta?" Bungad ng kanyang Mommy ng pumasok sya sa pintuan ng bahay nila.

Bagsak na umupo si Enzo sa kanilang sofa.

"Naki pag break na sa akin si Mayeth,kaya pala hindi na nya halos masagot ang mga messages are calls ko sa kanya."

"Bakit daw ?"

"Sabi nya,unahin ko muna daw ang pamilya ko,ang priority ko."

"Did you tell her that we want to see her again?" Si Cathy.

"Hindi na ma,para saan pa... Hindi naman nya ako pinakikinggan,akala nya hindi ko sya totoong mahal."

"Give her a time to think Enzo" Si Nicka na naka upo sa may rest arm ng sofa.

"Mag papahinga na muna ako Ma,Nicka."

"Ok anak.."

Naka tayo Lang sa isang sulok ang daddy ni Enzo at nakikinig sa usapan ng kanyang mag-iina.

"Apo? Anong problema,bakit kanina kapa yata tahimik tsaka di mo manlang ginagalaw ang pagkain mo?"

"Si Enzo po kasi,bumalik na sya."

"Bakit? saan ba sya nang galing?"

"Sa ibang bansa po."

"Bakit parang hindi ka masaya sa pag babalik nya?"

"Naki pag break po kasi ako sa kanya."

"Bakit ka naki pag brek?"

"Kasi la,ayaw sa akin ng Daddy nya,palagi silang nag aaway ng dahil sa akin,masama yun diba la?"

"Apo,hindi naman ang Ama ni Enzo ang pakakasalan mo diba?"

"La naman,kasal agad?!"

"Bakit saan pa ba pupunta yung pagiging mag nobya at nobyo? Noong araw nga ,pag sinabing mahal ka awtomatiko yun,kasal ang kasunod."

"Dipende po siguro kung gusto ng pamilya ang makaka isang dibdib ng anak nila diba?"

"Hindi rin apo,kasi pag tunay na nag mamahalan ang dalawang tao,ipag lalaban nila yun,kahit marami pa ang tututol."

"Mali po ba ang ginawa ko?"

"Nag padalos-dalos ka lang ng desisyon apo,pero pwede mo pa naman pag isipan,kung yan ang gusto mo at bukal sa loob mo ang pakikipag hiwalay mo sa kanya,wala akong karapatang sabihin na mali ang disesyon mo...sige na kumain kana apo."

"Salamat po lola."

Matapos ang hapunan ay hinugasan na nya ang mga pinggan na kanilang pinagkainan at agad na syang nag tungo sa kanyang kwarto.

Nag iisip at nag mumuni-muni.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I like U..You'll know itWhere stories live. Discover now