I like you,You'll know it:02

470 27 0
                                    

Ayan na sinasabi ko, traffic pa.
Sakay ako ngayon sa Jeep na papunta sa mall.

"Kuya, anong nang yayari? Bakit parang kanina pa tayo  dito,hindi tayo umuusad.? "  Yung ibang pasahero nag babaan na.

"Naku, may banggaan ata sa unahan eh, may mga Pulis kasi. "  Sabi ni manong driver na napapakamot nalang sa ulo nito.

"Sige ho, bababa nalang ako dito ma le-late na ho kasi ako. "  Pag tingin ko sa wristwatch ko 7:20 na e malayo pa kami sa katotohanan. Kaya bumaba na ako at tinakbo ko nalang, kahit ma late ako nang 5 minutes ok lang siguro.

Matapos ang ilang minutong pag takbo at pagkembot sa daan ay sa wakas narating ko na rin ang mall. Amoy usok na nga lang ako ng tambutso.

Papasok  na Sana ako sa loob nang may nakita akong pamilyar na mukha.

Nag aabang sya sa labas ng mall.
Nilapitan ko sya.

"Manong? Ikaw po yung driver nung nabangga ko yung kotse?"  Tanong ko sa kanya.

" Ah, oo ako nga., bakit nandito ka?" Hindi sya makatingin sa akin ng diretso, bakit kaya?
"Ahm, dito po ako nag tatrabaho sa loob, sa Cathy's flower shop. "
Halata na nagulat sya sa sinabi ko.Agad syang tumingin sa akin.
"Talaga?  E yun yung mommy nang boss ko, nasa loob nga sya ngayon eh" 
Naku lagot na.
Pero napabalikwas ako nang maalala ko na may trabaho nga pala ako.
" naku po!  Late na pala ako, sige po mang ano. papasok na ako ha. "
Kumaripas ako nang takbo. Narinig ko pang sumigaw si manong.

"Mang Anton! " 
"Ah sige po Mang Anton! "  Sagot ko sa isinigaw nya na pangalan nya.
Sino ba naman nga kasi si Mang ano e wala naman pangalan na ganun.

Panay ang tingin ko sa relo ko, late na ako ng 10 minutes. Lagot na.

Pag pasok ko sa flower shop.

"Go-good morning po" Nauutal at parang ayaw lumabas ng salita sa Bibig ko.

"Hi hija, akala ko di ka rin papasok eh, "  Si Mam. Cathy na all out parin ang ngiti kahit na late ako.
"Sorry po, traffic kasi. Mam. "

"Oo nga eh, traffic nga ngayon, "

Bakit parang hindi marunong magalit itong si Mam. Chill parin. Kung sa iba ito nabulyawan na ako.

"Ay nasaan po si Miss. Jenny? "  Napansin ko kasi na wala sa table nya si Miss Jenny.

"Ay, wala sya ngayon mag le-leave sya nang dalawang linggo dahil kailangan nyang puntahan ang nanay nya sa province nila, nag kasakit kasi daw" Paliwanag ni Mam Cathy.

"Ah ok po, "  Sagot ko naman. Ngayon ay wala na akong kabang nararamdaman dahil Alam kong di ako badshot sa kanya.

"Osige na aalis na ako, nandito kana eh, "

Napatigil ako sandali.

"Ay, wait lang po?!  Maiiwan ako mag isa dito mam? E wala po akong Alam sa ginagawa ni miss.jenny."  Nangarag na naman ako. Mabilis talaga ako mag panic eh.

"Oh sorry I almost forgot, ang anak kong si Enzo muna ang makakasama mo habang nasa business trip ako at naka leave si jenny ok"

Maya Maya pa ay lumabas ang lalaking sinasabing anak nya sa loob ng opisina nya.

I like U..You'll know itWhere stories live. Discover now