I like you,You'll know it:03

451 32 2
                                    

ENZO'S POV.

"Uhum, uhum! "
"O bro ok ka lang?  Wag mo kasing tunggain".

Tapik tapik ni Marky  ang likod ko. Nasamid kasi ako pag inom ko ng alak.
Nasa bar kami ngayon at nag ce-celebrate ng birthday nya kasama ang iba pa nyang kaibigan.

" Sorry, bro bigla nalang akong  nasamid."

"Naku may nag iisip  sayo, uyy"

"Sino naman  yun? Si daddy? Imposible busy yun, si mommy?  Busy din yun, Si Nicka? Nasa bahay lang yun bakit naman nya ako iisipin."

Inisa-isa ko na sa kanya ang member ng family ko.

"Eh girlfriend mo? "

"Girlfriend?!  Satingin mo, Hindi mo malalaman if ever magka girlfriend ako? "

"Malay mo naman, ilang taon kana bang walang girlfriend, hehe"

"Ewan ko sayo. Ayaw ko pag usapan yan, sakit sa ulo".

" Ang sabihin  mo, hinahanap mo parin yung babaeng binigyan mo ng favorite book mo noong highschool. "

"Actually, nakita ko na sya, "

"What?! So ano na?  Niligawan mo na?! "

"Hindi pa, kinikilala ko pa, baka kasi nagandahan lang ako sa kanya noon. Gusto kong kilalanin ang ugali nya".

" Wow ha, gusto ko syang makita bro. "
"Sige pero promise me na wala kang gagawin na kahit na ano".

" Yes boss wala po, behave ako. Ayyiee exciting ".

Kinabukasan maagang  nang bulabog si Marky sa bahay habang ako naman ay may hangover pa. Napadami ata ang inom ko kagabi  almost twelve (12am)  narin  kasi ako naka uwi.

" Bro!  Wake up!  Tara sa shop gusto ko ng makita ang girl of your dreams."
Habang pinipilit nya akong  bumangon sa kama. Ang bigat pa talaga ng pakiramdam ko ayaw ko pang tumayo.

"Ayaw mo?  Sige ako nalang pupunta doon mag isa " He smirked.

Napabalikwas ako sa sinabi nya. Hindi ko gusto ang tono nya. Parang may binabalak syang hindi ko magugustuhan. Kilalang chickboy si Marky kaya wala akong tiwala sa kanya.

"Ayun naman pala, gusto pang takutin."

"Mag sha-shower lang ako. Wait me" At nag diretso na ako sa bathroom.

Malapit na kami sa shop ng makita kong bukas na ito at nag aayos na sya sa loob.
Mauuna sanang pumasok si Marky pero hinarang ko ang braso ko.

"Grabe naman, di ko naman sya kakagatin" Si Marky.
Sa tingin ko palang kasi sa kanya alam nya na ang ibig kong sabihin.
Kaya hinayaan nya na ako ang maunang pumasok.

"Ehem!"

"Ay! Good morning sir, sorry di ko po kayo na pansin agad. "

" Paano kung may pumasok na costumers, Hindi mo mapapansin? "
Sarkasteko ang pag kakasabi ko sa kanya nun.
Nakita ko sa mukha ni Marky ang pagka gulat.

Lumapit sakin si Marky at bumulong.

"Bakit mo sinusungitan? "

"Ahm sir, mamaya pa pong 8 ang bukas ng mall  7:30 palang po. "

I like U..You'll know itWhere stories live. Discover now