Chapter 12

309 16 0
                                    

Habang nag lalakad si Mayeth papasok sa kanyang trabaho ay naka salubong nya si Samantha, katulad parin nang dati ay nang liliit sya sa sarili nya pag nakikita nya ito. Mamahalin kasi itong tingnan, lalo na sa suot nito na kumikinang-kinang pa.

"Hi, Mayeth" Agad nitong bati sa kanya. At bumeso pa ito.

"Hello,ano palang ginagawa mo dito?"

"Nag Punta ako dito, para sayo, I want you to come to my party this coming weekend."

"Ha? a, e nakakahiya naman, wag na lang"

"Ayaw ko kasi sa lahat yung tinatanggihan ako Mayeth, kahit itanong mo pa kay Enzo yan."

"Si-sige, sabi mo eh,pupunta ako. "

"Good, see you there, I will let Enzo to tell you the details. "

"Ok."

"And by the way, I love your necklace."

Napahawak naman sya sa suot suot nyang kwentas.

"Gift ni Enzo sa akin, monthsary kasi namin nung isang araw. "

"Oh, belated happy monthsary sa inyo, you know what it's kinda familiar to me, someone's gave me din kasi that kind of necklace way back then. "

"Ah, ok. " Ilang na tugon ni Mayeth.

"Bye, I have to go."

At nag diretso na  itong umalis at lumabas nang mall.

Habang padabog naman syang pumunta sa shop.

"It's kinda familiar kasi,nye,nye,nye.kainis arte. "

"Huy, anong minamaktol mo dyan?"

"E kasi Miss Jenny, naka salubong ko si Miss Sam."

"Naka salubong mo lang, nag mamaktol kana dyan?"

"Iba na kasi sya, Hindi naman ganun yung Samantha na naka usap ko a month ago, para syang sinaniban nang maarteng pagkatao."

"Hmmm, selos lang yan, wag ka nang sumimangot, baka malasin ang araw mo, ang aga-aga pa naman. "

"Sorry Miss Jenny. "

Nag patuloy na sya sa pagtatrabaho.

Sa opisina ni Mr. William nanduon si Enzo,kinakausap nya ito tungkol sa pag alis nito basta basta sa opening nang boutique.

"Hindi ko gusto ang inasta mo, sa totoo lang I'm so disappointed!"

"Sorry dad, "

"Akala ko, you are a matured and professional already, but sa nakikita ko because of that girl, sinusuway mo na ako Enzo! "

"Hindi ko lang kasi talaga maisip na magagawa nyong mag gawa nang kwento about sa arrange marriage na yun."

"This time hindi na ako mag gagawa nang kwento, I want you do marry Samantha."

"What?!  Dad no! "

Lumapit si Mr. William sa kinauupuan ni Enzo.

"You cannot say no to me! Alam mo yan. This is for your good. Nag iisa kitang anak na lalaki at pinag kakatiwalaan, wag mong hintaying masira yun. "

Iniwanan syang nang lulumo ng kanyang ama sa loob ng opisina.

"Baby? Ok ka lang? " Nasa sasakyan ni Enzo si Mayeth ng mga oras na yun, sinundo nya ito galing sa mall.

Pero napansin kasi ng nobya nya na wala syang imik.

"Ok lang ako baby."

"Lagi ka namang ok, kahit halatang may problema ka. Hindi ko alam kong paano kita tutulungan eh."

"May iniisip lang ako, pero ok ako promise, ikaw ka musta ang mag hapon mo? "

"Ayun,nagkita kami ni Miss Sam. Kanina, iniimbitahan nya ako sa birthday party nya sa weekend. "

"Pupunta kaba?"

"Napa oo na kasi ako eh,pero ang totoo parang ayaw kung pumunta,sigurado ako mga sosyal ang bisita  nun"

"Pumunta ka,don't worry nandun ako,di kita pababayaan."

"Ok sige,pupunta ako."

Matapos ng kanilang pag uusap ay bumaba na si Mayeth sa sasakyan at pumasok  na sa loob ng bahay nila.

Kahit walang sabihin si Enzo sa  kanya ay ramdam nya na may mabigat itong dinaramdam.

I like U..You'll know itWhere stories live. Discover now