Chapter 4

383 35 9
                                    

One day fairytale:

Ilang minuto lang ang naka lipas ang tumigil na kami sa isang malaking bahay na nasa loob ng village.Sabi ni Mang Anton ay yun na ang bahay ng mga Barber.

Tinulungan ko nang mag alalay kay Sir si Mang Anton kasi mukhang hindi nya kakayaning akayin mag isa itong lasing na pasuray-suray .

Habang ang pinsan ko naman ay pinag dala ko nalang ng bag ko.

Nakita kami ng guard gusto nya rin sana kaming tulungan kaso hindi daw sya pwedeng umalis ,so thank you nalang manong guard.

Pumasok kami sa loob ng napaka laking gate at bumungad sa amin ang napaka laking bahay, para na syang mansyon sa laki.

Nag bukas ang pintuan na kulay brown at parang kahoy ang design nito.

Sinalubong kami ng di naman masyadong katandaang babae na naka uniform,kasamabahay ito sa tingin ko. At nasa likod nito ang dalagang mukhang manika ang itsura.

Kung hindi pa nga ito gumalaw ay aakalin kong display ito.

"Enzo?!  Ano na namang naisip mo at nagpaka lasing ka na naman?". Mukhang estrikta sya, at sa pananalita nya parang mas matanda sya kay Sir Enzo.

" Sige na manong iakyat nyo na ho sya sa kwarto nya". 
Naku mataray nga, tumataas pa yung kilay nya.

Ibinigay ko na kay Manong yung isang kamay ni Sir Enzo. Hindi naman kami pwede na pumasok sa loob. Pagkatapos ay nag paalam na kami dun sa medyo mataray na babae tingin ko kapatid nya yun, kasi magka mukha sila eh.

Tsaka nakita ko rin pag bukas ng pinto yung malaking portrait nilang mag pamilya.

Si Mam. Cathy at katabi nya yung asawa nyang mukhang foreigner, tapos naka upo naman sa harapan nila si Sir Enzo at kasama itong kaharap namin ngayon na babae na mukhang manika.

"Ah, excuse me ho mam, aalis na po kami". Kinakalabit ko na si Karen na manghang mangha parin sa laki ng bahay.

" Ah, ok..thank you sa pag hatid sa kanya ah, pwede ko bang malaman ang pangalan nyo? ".

" Ako po si Mayeth Entrata, sya naman si Karen  pinsan ko po".

"I'm Nicka, older sister of Enzo.Any  way Mayeth?  Your name is sounds familiar to me, ".

" Ah,Nag tatrabaho po ako sa flowershop ng mommy nyo".

"Oh ikaw nga, tama na banggit ka sa akin ni mommy, well thank you again to taking care of my brother".

It's sounds like, baby sitter ako.

Aalis na sana kami nang tawagin ni Sir Enzo yung pangalan ko, nasa hagdanan na sila noon ni Mang Anton.

" Mayeth!  Sabi ko wag kang umalis diba?! Come!  Come here! ".

Nag kakatinginan pa kami ni Karen, ako ang nahihiya sa pinag gagagawa ng lalaking ito.

" Enzo! Go to your room fix yourself mang dadamay kapa dyan sa kalasingan mo". Pasigaw na utos ni Mam Nicka.

"No! I want her, hindi ako aakyat hangga't di sya kasama".

Umupo ito sa may hagdanan.

" Ahm, mayeth ok lang ba sayo kung samahan mo muna yung pasaway kong kapatid? ".

Akala ko mataray, mukha lang pala.

Ano pa nga bang magagawa ko.

Pina una ko nalang si Karen sa bahay para may kasama doon si Lola.

Alas unse na kasi ng gabi.

Ito ako ngayon sa napaka laking kwarto.
Kasing laki na ito nang bahay namin ni Lola ah.

" Pasensya kana ah, ganyan talaga yang kapatid ko, medyo may pagka makulit".

Halos mapa iktad naman ako sa kama dahil bigla bigla nalang sumusulpot si mam Nicka.

Nasa pintuan sya ngayon ng kwarto ni Sir Enzo naka sandal at naka cross arms pa hawak ang kanyang cellphone.

"Ahm, mam tulog na naman sya, baka pwede na akong umalis? ".

Pagka sabi ko nun ay bigla nalang may mabigat na bagay yumakap sa leeg ko.
Pag lingon ko si Sir Enzo ipinulupot nya yung braso nya sa leeg ko dahilan para mapa higa ako sa ibabaw nya.

" Dito ka lang".

Mahinang sabi nya. Nakaka kiliti, nasa dapat kasi ng tenga ko.

"Sorry mayeth, pero my brother want you to stay, wag kang mag alala, bukas pag gising nyang sigurado akong hindi magpapakita sayo yan sa sobrang kahihiyan".

" Ah,mam ganito ho ako matutulog? ".

Itinuro ko sa kanya ang posisyon ko na yapos yapos pa ang ulo ko ng kanyang kapatid.

" You know what? Bagay kayo, goodnight ".

Nginitian nya lang ako, sabay sarado ng pinto.

Seryoso ba sya?!  Hahayaan nya akong matulog ng katabi ang kapatid nya. At anong sinabi nya?  Bagay kami?.

O to the M to the G!

" Sir!  nasasakal na ako!". Reklamo ko pa.

Kapag nag tatry akong kumawala lalong humihigpit yung yakap nya. Inalis nga nya sa may bandang ulo inilipat naman sa may bewang ko.

Naku!  Kung hindi kalang lasing, na hampas na kita ng lampshade mo dito eh.

Para tuloy kaming mag asawa kong matulog.

Nooo!  Ano bang iniisip mo Mayeth!  Erase! Erase!  Matulog ka nalang ok.

Wala naman siguro syang gagawin sayong masama.

Subukan nya lang mata nya lang ang walang latay.

"Tsk!  Nababaliw kana, kinakausap mo na sarili mo, kung ano-ano pa ang iniisip mo! Tamana!. Suway ko sa sarili ko habang pigil pigil ko ang paghinga ko sa tuwing gagalaw sya.

Isiniksik nya pa ang ulo nya sa may leeg ko.Dyosko po lord.

Wala na talaga akong magagawa kung hindi hintayin ang umaga.

Tinext ko nalang si Karen na bukas na ako ng umaga makakauwi.

Mayeth: pinsan, bukas nalang ako uuwi sa atin. Hindi ako paalisin ni Harry Potter 😠.

Karen : waaaaaah inggit ako pinsan!  Ang swerte mo,mukhang type ka ni Harry Potter 😊

Mayeth: Nuh kaba, lasing lang to, bukas limot nya na ang pinag gagagawa nya.

Karen : pustahan tayo, bet ka nyan. 😁

Mayeth:Ewan ko sayo, matulog kana 😒

Karen:goodnight Rapunzel. ✌😁

Pasaway talaga tong pinsan ko.

"Bet mo nga ba ako? "

Tanging naibulong ko na lang, bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko.

Hinayaan ko na lang na naka yakap sya sa akin.

Hindi ko maintindihan yung feeling.

Yung feeling na safe at secured ka sa mga yakap nya.

Hayyyysst.One day fairytale.



I like U..You'll know itWhere stories live. Discover now