Chapter 17

343 25 7
                                    

Gabi na ng maka tanggap ng Messages si Mayeth galing kay Enzo.
Ayos lang naman daw s'ya doon,pero nag tatalo prin daw sila ng kanyang Daddy.

Sinabi n'ya kay Enzo na sabihin na kay Mr. William at sa pamilya nito ang totoo.

Pero ayaw nya,dahil baka isipin daw ng daddy nito na sinabi nya lang yun para hindi na sya ipakasal pa kay Sam.

He still care sa mararamdaman ng side ni Samantha kapag sinabi nya ang totoo. Kahit na naiipit na sya.May pinag samahan pa rin sila kahit papaano nung mga bata pa sila.

Hindi halos maka tulog si Mayeth.Ilang beses syang nag labas pasok sa loob ng kwarto,habang si Karen ay napaka himbing na ng tulog.

Nakita ni Karen na nasa Sofa naka higa si Mayeth .
Doon na sya inabutan ng antok kagabi.

"Hoy pinsan gising!"

"Ehmmm!" Pupungas pungas pa ito habang nag iinat.

"Bakit dito ka natulog?"

"Hasyt,hindi ako makatulog agad kagabi eh,kaya nag tambay muna ako dito sa labas ng kwarto,hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako"

"Hay naku,yung jowa mo siguro iniisip mo"

"Oo sino paba? Iniisip ko kung paano ko sya matutulungan"

"Wag ka ng makialam sa kanila pinsan"

"Pero hindi ako mapakali na walang ginagawa,lalo na ngayon alam kong gulong gulo na ang isip nya"

"May isa-suggest ako sayo,halika" lumapit si Mayeth kay Karen.

Matapos ang ilang minutong pag sa-suggest ni Karen...

"Sigurado kaba dyan? Baka lalong mapahamak si Enzo." Pag aalala ni Mayeth.

"Ano kaba,kailangan gumawa ka ng paraan na hindi malalaman ni Mr.William na ikaw ang nag sabi kay Ma'am Cathy at Nicka,they need to know the truth bago kapa maunahan ng galaw ni Sam."

"Sige,pero back-a-pan mo ako ah."

"Oo naman.."

Nang sumunod na araw ay inumpisahan na nila ang plano.

Sasabihin nila ang tungkol kay Sam. Sa una ay nag aalinlangan pa si Mayeth kasi nga naman baka isipin ng mga Ito na sinisiraan nya si Sam sa kanila.

Mag mumukha lang syang masama sa mga mata ng mga ito.

Pumasok si Mayeth sa shop ng parang normal lang,kalahating araw syang nag hintay sa pag dating ni Ma'am Cathy pero wala parin.

Tinanong na nya si Miss Jenny.

"Ahm,si Ma'am Cathy po ba dadating?"

Mukhang naabala pa nya ata ito sa pag me-makeup, Napatigil kasi ito sa paglalagay mg lipstick.

"Ahm,tumawag sya kanina,ang sabi nya hindi daw sya makaka rating dahil masama ang pakiramdam nya."

Tumango nalamang sya,mukhang mahihirapan syang kausapin ang Mommy ni Enzo.

Kaya umuwi sya sa bahay nila ng araw na yon na hindi nagawa ang mission nya.

"Pinsan anong balita?"

"Wala si Ma'am Cathy,masama daw ang pakiramdam."

"Hayst paano na yan?"

"Hindi ko na alam Karen,mukhang wala na akong magagawa para tulungan si Enzo."

Sa mga sumunod na araw na lumipas,dumalang ang pagkikita nila Enzo at Mayeth,maging ang pag tawag at pag text ng nobyo ay dumadalang narin.

Labis ang pag tataka ni Mayeth sa inaastang yun ni Enzo.Hindi nya tuloy maiwasan hindi mag isip ng kung ano.



"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na napatayo si Enzo sa kanyang kama nang biglang pumasok si Samantha sa kwarto nya.

"Did I bother you?" Mahinang tanong ni Sam.

"Please Sam.kung nandito ka para pilitin ako sa bagay na gusto mo,umalis ka nalang." Pag titimpi nya dito.

"I know galit ka dahil sa mga nang yayari,pero gusto kong sabihin sayo na.Tanggap ko na ang lahat,hindi na kita guguluhin pa."

"For real?!"

"Yes Enzo,babalik na kami ni Daddy sa States,dun ko nalang ipag papatuloy ang negosyo ko,pero can you do me a favour?"

"What is it?"

"Don't tell anyone,mangako ka"

"I am.."

"I am Sick,I have a tumour and I feel,bukas makalawa mawawala na ako sa mundo."

Napahulod si Samantha,habang umiiyak.Tinakpan nya ng mga palad nya ang kanyang mukha para itago kay Enzo how she's frustrating right now.

"I'm sorry Enzo,Hindi mo dapat ako makita na ganito."

"No Sam it's ok"

"Enzo,please maramdaman ko man lang na may nag mamahal sa akin.Please kahit isang buwan lang samahan mo ako sa states."

Patuloy parin ito sa pag iyak. Inalalayan sya ni Enzo para tumayo sa pagkaka luhod nito. Naka ramdam sya nang matinding awa sa kaibigan.

Kaya niyakap nya ito at pinakakalma sa pag saplos sa likuran nito.

"Alam ba ng daddy mo?"

"Hindi,Hindi ko sinasabi sa kanya,alam kong mag aalala sya nang sobra eh"

"Ok stop crying,I'm going with you."

"Thank you Enzo,sana maintindihan ni Mayeth ito ."

"She will.."

Pagkatapos nilang mag usap ay umalis na si Samantha.

Nagtaka naman si Cathy ng makita nyang lumabas ng kwarto ni Enzo si Sam.

Kaya agad nyang tinanong ang anak tungkol sa nakita nya.

Sinabi naman ni Enzo na sasama sya kay Sam papunta sa states,pero Hindi nya sinabi sa ina kung bakit biglaan ang pagbabago ng kanyang isip.

Hinayaan nalang ni Cathy ang anak.Clueless man sya pero wala syang magagawa kundi suportahan ang desisyon ni Enzo.

Laking tuwa ni Mr.William ng malaman nya ang balita. Noong araw naring yun,habang kumakain sila ng hapunan ay,sinabi ni Enzo na sasama sya kay Sam palabas ng bansa. At kagaya ng sinabi nya sa mommy nya,walang kahit anong rason.

Natahimik ang lahat,pero bakas sa mukha ni Mr.William ang kasiyahan. Hindi man ito nag salita pero sa loob loob nito ay halos mag diwang sya sa narinig mula sa anak.

"Enzo? Paano si Mayeth?" Tanong ni Nicka kay Enzo.Nasa balkonahe sila ngayon.

"Maiintindihan nya ito soon,pagbalik ko aayusin ko ang lahat sa amin.Masyado ko ng nagugulo ang tahimik nyang buhay."

"But what if,she didn't understand this? Mag usap muna kayo bago ka umalis" Nicka said.

"Mas mahihirapan akong umalis,kung mag papaalam ako sa kanya,ikaw na ang bahala sa kanya Nicka."

"May magagawa pa ba ako,yan ang desisyon mo so.. goodluck,make sure na babalik ka after 1 Month."

"Babalik ako."

Tinapik ni Nicka sa balikat ang kapatid bago nya ito tuluyang iwanan sa may balkonahe.

Mag isa nalamang si Enzo sa mga sumunod na minuto at oras. Gusto nyang tawagan at kausapin si Mayeth,dahil narin sa sobra na nya itong na mimiss.

Pero sa tuwing iisipin nyang iiwan nya ito,ay mas pinipili na lamang nyang Wag itong kausapin.

Kailangan nyang sanayin na wala ito sa tabi nya. Dahil kung ano man ang mang yari sa susunod pang mga araw ay ayaw na nya itong madamay pa.

I like U..You'll know itWhere stories live. Discover now