Chapter 4 - the Punishment

788 37 16
                                    

"The WORST-TEMPERED people I've ever meet were people who knew they were WRONG."
-Wilson Mizner

.

Ruzzel POV

"Malaking tulong ang maibibigay sa'yo ng CEO." pangungumbinsi pa sa akin ni Mandy, ang manager ko at senigundahan naman ni Sir Gregor,  ang may-ari ng Club Uno.

Napahawak na ako sa aking sintido. Hindi maatim ng budhi ko na ibinta ang aking katawan at maging ang kaluluwa.

Wala sa kontrata ko na makipaglakaran ako ng laman.

"Makinig ka Star.  Hindi mo na kailangang magbanat ng buto sa iniaalok niya." sambit pa ni Sir Gregor.

"Maging ang pagkakautang mo dito sa club ay mababayaran pa niya." patuloy pa nito.

Ilang bugtung-hininga pa ang pinakawalan ko.

"Pagsasayaw lang ho ang kaya kong gawin." nauutal na sambit ko.

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko Star?" hindi parin tumitigil na tanong ni Sir Gregor.

Napalingi na ako. "Magkano ho ba ang inaalok niya?" blangkong tanong ko imbes na sagutin siya.

"Tatlong milyon!" ang tumataginting na ngisi pa ni Sir Gregor.

Tatlong milyon!? Napalunok pa ako.

"Mag-isip-isip ka Star." ang patuloy pa niya. "Pareho tayong makikinabang."

.

.

.

Russel POV

"Sino ka?" nagpipigil na tanong ko kasabay kuha ng maskara ng babae.

"Ako ho si Star. Ako ang hinahanap ninyo." puno ng takot at nauutal na sagot pa ng babae.

Napalingi na ako.

Nag-iinit ang batok ko at gusto kong sakalin ang leeg ng babae.

"Impostor ka!" puno ng galit na sambit ko saka inilabas ko ang baril sa dashboard at hinampas iyon sa mukha ng babae.

Nakita kong pumutok ang labi niyon.

Ngunit walang sinuman ang may karapatang lokohin ako at paglaruan.

Malakas ang kutob ko. Hindi ang babaeng kaharap ko si Star.

Hindi ko mapapalampas ang ginawang ito ng Club Uno. Nakakainsulto!

Inilabas ko na ang phone ko at tinawagan si Vince. "Ibang babae ang ipinadala nila. Alam mo na ang gagawin." nagpipigil ngunit makapangyarihan pang utos ko.

.

.

.

Ruzzel POV

Papauwi na sana ako ng hindi ko na mapigil-pigil ang pangingihi kaya mabilis na akong pumasok sa pinakamalapit na restroom.

Napapikit pa ako habang papalabas ng restroom. My goodness, dito pa talaga ako nakapasok sa opisina ni Sir Gregor.

Gusto ko tuloy batukan ang aking sarili. Kailangan kong magmamadali at baka mahuli pa ako ni sir.

Ngunit natigilan ako ng pumasok na si Sir Gregor kaya mabilis akong nagkubli sa mga cabinet.

Biglang tumunog pa ang phone niya at inirecieve naman agad.

Nagulantang pa iyon at bahagyang napatameme.

Biglang bumukas ang pintuan saka iniluwa niyon ang dalawang lalaking may hawak na matataas na kalibre ng baril.

"Pinasusundo ng CEO si Star." ang sambit pa ng isa.

Bigla naman akong kinilabutan. Nalaman na ng CEO na hindi ako ang nakipagkita sa kanya.

Nagkaletse-letse na.

"Ano'ng pinagsasabi ninyo? Sumama na si Star sa CEO kanina." natitigilang sagot pa ni Sir Gregor.

"Hindi kami nakikipaglokohan. At ipinaaabot ng CEO na buhay mo ang maging kabayaran sa pang-iinsultong ito sa kanya." narinig kong sambit pa ng isa sa mga kalalakihan.

Doble-dobling kaba ang mga nararamdaman ko. Hindi maatim ng budhi ko na ang kamatayan ni Sir Gregor ang magiging kabayaran ko.

Pero hindi ko naman masikmura na ibibigay ko ang puri at dangal ko.

"Ibibigay mo ba si Star o lalabas ka ditong malamig na bangkay?" patuloy pa ng isa.

Mas lalo pa akong kinilabutan nang bumilang na ang mga iyon.

Ayaw kong isiping kamatayan na ni Sir Gregor.

My goodness!

Dahan-dahan na akong lumabas at sinilip si sir. Nakatutok na sa kanya ang baril.

-----------------

A/N:

Pasensiya na po mga besy sa usad-pagong na UD. Hectic po kasi ang schedule ng inyong lingkod kaya madalang po akong nakakapagsulat. At saka sinusubukan ko po munang tapusin ang Book 11: The secret of CEO's hired wife

 At saka sinusubukan ko po munang tapusin ang Book 11: The secret of CEO's hired wife

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sana ay kakayanin ng powers ko na matapos ang lahat ng mga libro ko.

Ghad, papasok pa naman ang kuwento nina Corinne at Jeric Montefrio ng Book 12: Breaking the Playboy's Heart

Ghad, papasok pa naman ang kuwento nina Corinne at Jeric Montefrio ng Book 12: Breaking the Playboy's Heart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Papayag po ba kayong si Corinne at Jeric? Pero hindi pa po ito final...

Please don't forget to press the star below and leave a comments!

Thanks a lot!

Hanggang sa muli mga KAPA-milya.

-NyllelaineNyeNight

Breaking his walls...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon