Chapter 3 - Club Uno

579 29 10
                                    

"Use your EYES to SEE the POSSIBILITIES, not the PROBLEM."
-pinterest

.

Ruzzel POV

"Ikaw na ang susunod Star." narinig kong sambit ni Mandy, ang manager ko dito ka Club Uno.

Nakasuot na naman ako ng pulang-pula na lingerie, na halos lumuluwa na ang punuan ng aking mga dibdib at maaaninag narin ang pang-ibaba ko sa sobrang nipis nito.

Napatayo na ako saka mariing tiningnan ko ang sarili sa salamin.

Punung-puno ng makapal na make-up ang mukha ko at napakalayo ng hitsura ko sa totoo kong pagkatao.

Iniabot ko na ang see through lace night gown saka marahang isinuot ito saka muli akong nagretouch.

Mag-iisang taon narin ako bilang isang entaintener, na tuwing biyernes at sabado lamang ang pagtatanghal ko dahil lunes hanggang huwebes ang pasok ko sa eskuwela.

Sa umaga ay nagtatrabaho pa ako bilang service crew ng isang Seafood restaurant.

Kahit tumulay 'ata sa alambre ay gagawin ko magkaroon lamang kami ng magandang buhay ni Nanay.

Nakita kong sinenyasan na ako ni Mandy.

Heto na ang hinihintay ko, panahon na naman para aliwin ko ang mga parokyano.

Isinuot ko na ang aking maskara at  balat-kayong napangiti habang papalabas ako ng entablado.

Oras na ng aking pagtatanghal.

Narinig kong naghihiyawan.

Sabik na sabik na naman ang mga parokyano.

Parang pumapalakpak na ang aking tenga habang naririnig ang mga hiyawan.

Mga hiyawang nagbabadya ng pera.

Pera para pantustos sa aking pag-aaral at upang mabuhay kami ni Nanay.

.

.

Russel POV

Ewan ko ba kung bakit sa dinami ng mga first class bar na naglipana sa siyudad ay dito ako napadpad sa isang hindi kilalang club?

Sa pintuan pa lamang ay nariring ko na ang bawat hiyawan ng mga kalalakihan kasabay ng nakahalinang tugtugin.

Tangka na akong pumasok nang...

"Boss, are you sure?" naguguluhang tanong pa ni Vince, bodyguard ko habang pasimpleng inilalayo niya ako roon.

Isang tango lang ang ibinigay ko.

Kahit ang bodyguard ko ay hindi makapaniwala sa papasukin ko.

Pagpasok ko ay hinanap agad ng paningin ko ang kinaroroonan ng bar counter.

Napatingin pa ako sa paligid at pinag-aralan ang bawat kilos ng mga tao.

Napansin kong nasa isang direksiyon lamang ang atensiyon ng pawang lahat na mga kalalakihan at maging ang ibang mga kababaehang kustomer.

Napatingin naman ako roon, nakita ko ang isang babaeng sumasayaw, na halos wala ng saplot sa katawan.

Tsk, ito lang pala ang pinagpipistahan nila.

Lumapit na ako sa bar counter at umupo roon saka umorder ng pinakamatapang na alak.

Tumalima naman agad ang bartender.

Muli akong napatingin sa babaeng sumasayaw nang makuha ko na ang aking inorder.

Pinagmasdan ko ang bawat kilos ng babaeng.

Nakakatagos at nakakahalina ang bawat galaw nito.

Nanghihipnotismo ang indayog ng kanyang katawan habang nagpapalamon sa saliw ng musika.

Bihasang-bihasa ito sa pagsasayaw.

Napabaling ako sa kanyang mukha at mariing pinag-aralan iyon.

Sh*t, gusto kong magmura habang nakapako na ang paningin ko roon.

Nakakita 'ata ako ng anghel.

Kahit nakatakip ang kalahati ng mukha ng babae ay nakakasegurado akong wala nang babae pang mas gaganda sa kakaibang taglay nito.

Napabaling ako sa kanyang mapupulang mga labi. Ang nakakatakam niyong mga labi, na nang-aakit na mahalikan.

Namamawis narin ang katawan ng babae ngunit mas lalo lamang iyong naging mapang-akit sa aking paningin.

Tila may kung ano'ng puwersang humihigop sa aking katinuan.

Nakaramdam ako ng matinding pagnanasa.

Ghad, parang nanikip naman ang aking pantalon!

"I want her!" hindi mapigilang bulalas ng mga labi ko.

Mas gugustuhin kong mamamawis ang babae sa aking mga bisig lamang at hindi sa harap ng mga kalalakihang nandirito sa loob.

Napatingin na ako sa aking bodyguard. Tumalima naman siya agad.

Sunud-sunod na paglunok ang ginawa ko.

"I want her!" ang paulit-ulit na isinisigaw ng utak ko.

Sh*t, ano ba'ng meron sa babaeng ito?

.

.

Hindi na ako makapaghintay pa habang hinihintay ang pagtatapos ng pagsasayaw ng babae.

Hindi lang sa paraiso ang pagdadalhan ko sa kanya kundi sa rurok ng langit ng kaligayahan.

.

.

"Boss restricted!" pabulong na sambit sa akin ni Vince.

Nang-init naman ang aking tenga sa mga narinig.

"Hanggang sayaw lang ang ginagawa niya." patuloy pa nito.

Napakuyom na ako ng aking kamao. Walang puweding umayaw sa isang Russel dela Fuente.

WALA!

--------------------

A/N:

Isang maiksing UD po muna mga beshy.

Hope you like it!

Please don't forget to press the star below and leave a comment.

Maraming salamat po!

Hanggang sa muli!

-NyllelaineNyeNight

Breaking his walls...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon