Chapter 1 - the First Encounter

1K 47 10
                                    

"Things are not quite so SIMPLE always as BLACK and WHITE."
-Doris Lessing

.

Russel POV

Nandito ako ngayon sa isang simpleng Seafoods Restaurant, na malayu-layo narin sa siyudad.

May kasama akong bodyguard dahil sa marami akong natatanggap na mga death threats.

Kahit saan ako pumunta ay nagmamasid at nagiging alerto na ako sa aking paligid.

Nakita ko ang isang service crew na babae, na abalang naninilbihan sa kabilang mesa. Nang biglang hinipo ng isang amerikano ang kanyang bilugang kanang hita.

"Bastos!" galit na sambit ng naturang babae saka malakas na sampal ang ibinigay sa dayuhan.

Nakita kong galit na tumayo ang dayuhan kaya naalarma na ako.

Hindi ko gawain ang tumulong sa kapwa ngunit sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng galit sa naturang dayuhan. Dito pa talaga siya maghahasik ng kademonyuhan niya.

Bago pa man dumapo ang kamao niya sa babae ay maagap na hinawakan ko ang palad niyon.

"Bullsh*t!" naiinis na bulyaw niya sa akin at tangkang suntukin ako ng isang kamay niya.

Ngunit nahawakan ko naman iyon. "Dead? or you leave this place?" nanlilisik na tanong ko sa kanya habang pinipihit ang kanyang magkabilaang mga kamay.

"Who you f*ckin sh*t?" galit na galit na lumabas sa mga labi niya kasabay ng mga maaanghang na mga pananalita.

Mas lalo namang kumulo ang dugo ko.

Nilingon ko na ang bodyguard ko, "Get him." makapangyarihang utos ko roon at sinenyasang wakasan ang buhay niyon.

Napatalima naman ito at hinawakan sa leegan ang dayuhan, na natitigilan.

"I want his head!" patuloy ko.

Nagpatirapa naman ang dayuhan sa paanan ko dahil sa mga narinig at nagmamakaawa sa kanyang buhay.

Pinagtitinginan narin kami ng mga tao ngunit wala akong pakialam.

Kaya kong bayaran ang batas at kahit na ang ulo ng dayuhang ito.

"Boss," narinig kong awat ng isang lalaki sa akin, na sa tantiya ko ay ang manager nitong restaurant.

Napatingin naman ako sa kanya. "Habaan ninyo ang uniporme ng mga empleyado ninyo dahil hindi ito bar para ipaglandakan ang mga hita nila. Sa susunod na may mabalitaan akong binabastos isa na naman sa mga empleyado ninyo ay ipapasunog ko itong buong restaurant." makapangyarihang utos ko sa manager.

"Yes boss!" nauutal naman siyang sumasang-ayon.

Tiningnan ko naman ang babae. Isang mestisang babae ang nakita ko, may katamtamang taas at pangangatawan. Nakaguhit ang mga takot sa asul na mga mata niya.

Inilabas ko na ang knuckle butterfly knife sa aking bulsa.

"Kapag nasalo mo ay sa'yo na." sambit ko at inihagis ko pa iyon sa kanya.

Bahagyang napangiti naman ako ng masalo niya iyon.

"Walang Maria Clara ang nabubuhay sa mundong ito. Matuto kang ipaglaban ang sarili hanggang kamatayan." bilin ko pa.

"Maraming salamat sir!" naluluha pang sambit niya.

"Wala ding mahina ang nakakatagal kaya itigil mo iyang pag-iyak mo dahil hindi nakakatulong. Matutuo kang lumaban at ipaglaban ang sarili. Walang ibang makakatulong sa'yo kundi ang sarili mo." bilin ko saka tinungo na namin ang labasan.

Pinipihit naman ng bodyguard ko ang dayuhan papalabas ng restaurant.

"Ruzzel," narinig kong tawag buhat sa aking likuran.

Naiinis na napalingon ako roon. Sino'ng pangahas na tumatawag ng first name ko?

Nakita ko ang isa pang service crew, na papalapit.

"Sino ka para tawagin ako sa pangalan ko?" seryoso at madiing tanong ko sa kanya.

Natitigilan naman ito at napababa ng tingin.

"I'm the CEO of dela Fuente Corporation at walang tumatawag ng direktang pangalan ko." makapangyarihang patuloy ko.

Hindi na ito nakapagsalita pa.

"Pasensiya na po Sir CEO. Pero nagkakamali po kayo." sagot ng babaeng tinulungan ko kanina.

"Ako po kasi ang tinatawag niya at hindi po kayo. I'm Ruzzel." tuluy-tuloy na sambit niya sa mahinang boses habang ipinapakita ang pin niya.

Hindi na ako kumibo pa, tuluyan na akong lumabas ng restaurant.

"I'm sorry CEO!" pagmamakaawang sambit pa ng dayuhan habang nagmamakaawa parin sa kanyang buhay.

Hindi naman ako kumibo pa.

Kapag sinabi ko ay pinapagawa ko...

At kamatayan nito ang ipinag-uutos ko.

Its FINAL!

----------------

A/N:

Unang chapter po at unang pagtatagpo nina Russel at Ruzzel...

Please don't forget to press the star below and leave a comment!

Thanks a lot!

-NyllelaineNyeNight

Breaking his walls...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon