Russel and Ruzzel

1.5K 46 5
                                    

"It is not in the STARS to hold our DESTINY but in OURSELVES."
-William Shakespeare

.

Ang pinagmulan ni RUSSEL:

Si CCEO Nestor Enrique Ortiz ang nagmamay-ari ng NEO, isang international investment company na namamayagpag sa pagiging top2 sa Las Vegas.

Nabiyayaan siya ng apat na pawang mga babaeng anak sa kanyang unang namayapang maybahay.

Nakapag-asawa siya ulit at nagkaroon ng anak na lalaki, sa katauhan ni Russel James.

Ngunit halos mag-iisang buwan pa lamang si Russel James ay namatay naman ang kanyang ina dahil sa mga komplikasyon sa panganganak.

Dahil sa mga nangyari ay naging malayo ang loob ng CCEO sa batang si Russel.

At nang hiniling ng kapatid ng unang namayapang maybahay ng CCEO na alagaan ang bata ay agad-agad na pumayag naman ito, na kalaunan ay tuluyang inampon narin ng mag-asawa.

Kaya ang batang si Russel James Ortiz ay kinilalang Russel dela Fuente, na lumaking nakukuha ang lahat ng gusto at mula pagkabata ay namulat na sa pagnenegosyo.

.

Si Russel dela Fuente na walang ibang gusto kundi ang matanggap ng kanyang ama.

.

.

.

Ang pinagmulan ni RUZZEL:

Kahit anumang trabaho ay pinapasok ni Rosemarie Gonzalez at sa kadahilangang no read, no write siya ay laging ang pinakamababang pasahod ang laging nakukuha niya.

Ngunit dahil sa likas na mabait at masipag ay natanggap siyang utility sa isang law firm at tinuruan siya ng sekretarya ng kanyang amo na sumula't bumasa.

Na-qualified din siya sa ALS kung saan tuwing huwebes ang kanyang pasok.

Hanggang sa may nakilala siyang isang US Navy na nakabase sa Olongapo City.

Ngunit ang inakala niyang pagmamahal ay isa palang mapaglinlang at huwad na pag-ibig lamang, na nagbunga naman kay Ruzzel.

.

Namulat si Ruzzel Gonzalez sa kahirapan kaya gagawin niya ang lahat para magkaroon magandang buhay at makaahon sa hirap.

.

.

.

RUSSEL and RUZZEL:

Magkatulad ng pangalan ngunit magkaibang personalidad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Magkatulad ng pangalan
ngunit magkaibang personalidad.

Lumaki sa magkaibang mundo.

Namulat sa magkaibang buhay, paniniwala at prinsipyo.

.

Matibag kaya ni Ruzzel ang mataas na pader ng isang Russel dela Fuente?

.

Let's find out mga besy!

.

Please don't forget to press the star below and leave a comment!

Thank you!


-NyllelaineNyeNight

Breaking his walls...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon