Chapter 6 - the Abduction

89 10 1
                                    

"Numbing the PAIN for a while will make it WORSE when you FINALLY FEEL IT."
-J.K. Rowling


Grecylle POV

Natigilan ako nang makita ang isang babaeng nakakubli sa ilalim ng countertop sa kusina ng mansion ni Tito Russel. Mariing pinagmasdan ko iyon.

Nakasuot ito ng maitim na pantulog na hanggang tuhod at may kalaliman na uka sa bandang dibdib.

Kung postura ang basehan ay hindi naman ito mukhang utusan at lalong hindi naman mukhang magnanakaw. Nakaw tingin pa nga ang malulusog nitong hinaharap na halos nagkukumawala sa suot nito.

Bakit ba ito nagtatago? Ngunit natigilan ako ng makita ang panginginig ng katawan niyon.

"Hey," mahinang sambit ko saka bahagyang ibinaba ko na ang sarili. "Ano'ng ginagawa mo?"

Nagulat naman ito saka napaatras. "Maawa ka. Huwag mo akong isuplong!" ang pagmamakaawa pa niya.

"Hindi ako masamang tao. Sabihin mo sa akin kung ano ang ginagawa mo riyan?" ang nag-aalalang tanong ko papalapit sa kanya saka hinawi ko pa ang buhok nitong bahagyang nakatakip sa kanyang mukha.

Nakita ko ang asul niyang mga mata ngunit nakaguhit roon ang hindi mawaring mga takot at sakit.

Parang tinusok ng kung ano ang aking dibdib. "Ano'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." nag-aalalang tanong ko.

Napalingi naman siya. "Ilang ulit na akong nagtangkang tumakas pero lagi akong nahuhuli ng CEO. Isinusumbong ako ng mga utusan."

"Ano'ng ibig mong sabihin? May ginawa ka bang masama?" napalaki pa ang aking mga mata.

Napalingi pa siya, "Mag-isang linggo na akong nakakulong dito?" ang naiiyak pang patuloy niya.

"Bakit ka ba niya ikinukulong? Ano ba'ng nangyari?" usisa ko.

"Pagud na pagod na ako. Gusto ko ng makaalis dito. Paki-usap, tulungan mo ako!" ipinakita pa niya ang mga pasa na nasa kanyang mga hita at napansin ko rin ang mga marka doon.

My goodness, ginagawa ba siyang parausan ni Tito Russel?

Mukha namang mabait ang babae. Bakit kailangan pa niya itong ikulong? Maging sa kaliwang balikat niya at sa magkabilaang pulsuhan ay may mga pasa akong nakikita.

"'cylle!" ang tawag pa ni Tito Russel sa akin.

Parang binuhusan ng yelo ang babae. Bigla siyang na-alarma nang marinig ang papalapit na mga yabag ni tito at natatakot na naman iyong naghanap ng matataguan.

"Hinahanap ka ni Gabriel sa labas." narinig kong sabi pa ni tito mula sa aking likuran.

Marahang napaharap naman ako sa kanya.

Napansin kong pinaikot pa niya ang mga tingin. Hinahanap niya ang babae.

Sino nga ba iyong babaeng tinatago niya dito? At ano itong kalokohan pinaggagawa niya sa walang kalaban-labang babae?

"Ano'ng ginagawa mo?'' mahina ngunit madiin niyang tanong sa akin.

"Ho? Bawal po ba'ng pumasok ng kusina ninyo?" maang na tanong ko imbes na sagutin siya.

"Kumuha lang ako ng maiinom tito." itinaas ko pa ang hawak na baso. "Ang init eh! Bakit kasi hindi mo pa ginawang centralized ang aircon dito sa mansion? Kuripot mo talaga!" angal ko habang naka-spout ang mga labi ko. Kahit kelan ang kuripot na't saksakan pa ng suplado.

Breaking his walls...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon