Chapter 5 - Hurt

66 6 2
                                    

"I wish I were a LITTLE GIRL again, because SKINNED KNEES are easier to FIX than a BROKEN HEART."
-Julia Robert

.

Ruzzel POV

"Huwag niyong patayin si Sir Gregor! Ako ang kailangan ninyo." nagtapang-tapangang sabi ko habang nakatingin kay sir na halos magtirapa na sa sahig.

Hindi maatim ng konsensiya ko na may mangyaring masama sa kanya dahil sa akin.

Napatango na ang mga iyon at bahagyang ibinaba ang hawak na sandata.

May tinawagan naman ang isang lalaki sa kanyang phone, "CEO, nakita na namin si Star!" ang balita pa niyon.

Marahan na akong humakbang papalapit.

Hanggang sa nakakita ako nang pagkakataong makatakas. Mabilis na akong tumakbo papalabas ng pintuan.

Kahit pa nga may baril ang mga ito ay alam kong hindi nila ako papatayin.

Nagkukuripas lang ako ng takbo. Ilan pang mga pintuan ang nabuksan ko hanggang sa tuluyan na akong papalabas ng main entrance ng Club Uno.

Ngunit may malaking kamay ang humablot sa akin at pinasok ako sa isang itim na sasakyan.

"Mine!" ang mangislap-ngislap pang bungad sa akin ng isang lalaki habang naninigarilyo.

Natigilan ako sa mga nakita. Ang CEO ng dela Fuente Corporation ang kaharap ko.

"Ano'ng kailangan ninyo sa akin?" ang nanginginig sa takot na tanong ko habang akap-akap ang aking bag.

Isang ngisi naman ang pinakawalan niya saka nagpakawala ng usok. "IKAW! Ikaw star ang kailangan ko."

"...hanggang palabas lang ho ako. Marami namang pagpipilian sa loob."

"Name your price?" nakangising tanong pa niya at tiningnan na ako mula ulo hanggang paa.

"Wala ho sa kontrata na tatanggap ako ng kostumer." ilang na sagot ko.

"Sabihin mo kahit magkano at babayaran kita." giit na alok pa niya.

"An'yabang ninyo! Hindi nga ho ako tumatanggap ng kostumer. Hanggang palabas lang ang ginagawa ko." may kalakasang sagot ko at tangka na akong lumabas ng pintuan ngunit naka-lock iyon.

"Palabasin niyo na ako!" ang naghuhuramentadong sabi ko habang paulit-ulit paring pinipihit ang pintuan.

Isang malokong tawa naman ang pinakawalan niya, "Kung umasta ka ay para kang birhen. Ilang lalaki na ang nakakama sa'yo?"

Natigilan ako sa mga narinig. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

"Just tell me your price, kahit magkano ay babayaran kita." saka inilagay na niya ang kanyang sigarilyo sa ashtray.

"Kung birhen ka lang sana ay hindi ako maghihinayang na bigyan ka ng limang milyon." tila may panghihinayang pang patuloy niya.

May nakakabinging umugong sa aking tenga dahil sa mga narinig. Kahit mahirap man ako at ganito ang naging trabaho ay wala siyang karapatang husgahan ako. Hindi niya alam ang mga pinagdaanan ko sa buhay.

Kaya kahit natatakot man sa kanya ay may galit na binalingan ko siya nang tingin at walang pasabing sinampal ko siya sa kanang pisngi.

"Kahit na mayaman kayo ay wala kayong karapatang hamakin ang pagkatao ko." may galit na sabi ko.

Nanlilisik naman ang kanyang mga titig sa akin at walang pagundangang ginagap niya ang aking mga labi. "Huwag kang pa-birhen!" asik pa niya.

Pinagsusuntok ko na siya sa dibdib ngunit marahas na hinawakan pa niya ang aking magkabilaang kamay hanggang sa nakorner na niya ako at mas lalo lang niyang idiniin ang paghalik sa akin.

.

.

.

Nagising akong masakit ang buong katawan at napaka-hapdi pa ng pang-ibaba ko. Parang binugbog ako ng sampung tao.

Pinaikot ko na ang tingin. Nasa loob parin ako ng isang may kalakihang silid, na pawang kulay grey ang nakikita sa paligid.

Hindi ko alam kong nasaan na ba ako.

Ang malinaw lang sa isip ko ay ang makamundo niyang pagnanasa sa aking katawan.

Wala man lamang akong magawa para sa protektahan ang sarili ko.

Para akong isang basahan na paulit-ulit niyang ginagamit at pinagsamantalahan.

Tangka akong bumangon ngunit napakabigat ng aking sarili. Gayunpaman ay pinilit kong paring bumangon saka napaupo na sa kilid kama at dahan-dahang ibinaba ang mga paa.

Nakita ko ang isang tseke na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Kahit nanlalabo ang mga tingin ay kitang-kita ko na nakapangalan iyon sa akin. Parang tinusok ng punyal ang dibdib ko, pati buong pangalan ko ay alam na pala niya.

Natigilan pa ako sa nakalagay sa tseke.

Limang milyon. Ang kabayaran ng puri ko.

Durug na durog ang puso ko. Nalaman na nga niyang siya ang lalaking nakakuha ng pagka-birhen ko. Pero kahit naghihirap man ako ay hindi mababayaran ng pera ang mga ginawa niya sa akin. Pinagsamantalahan niya ako at binaboy. Diring-diri ako sa aking sarili.

Kasumpa-sumpa!
Kung hindi lang sana ako naging mahirap. Walang mang-aapi sa akin ng ganito!

Kung hindi lang sana ako napadpad sa putik na kinalalagyan ko ngayon. Wala narin akong pinag-iba sa mga kasamahan ko sa Club Uno.

Masahol pa ako sa isang maruming babae. Napaakap na ako sa aking sarili. Awang-awa ako sa sinapit ko. 

Tuluyan ng pumatak ang mga luha sa aking mga mata habang walang tigil na nagkukumawala ang lahat ng sakit  sa damdamin ko.

Nagpasya na akong bumaba ng kama ngunit nanginginig parin ang mga kalamnan ko at halos gumapang na ako papuntang banyo.

Juicecolored!
Bakit isang kasalanan ang maging mahirap?

Bakit mo ako pinabayaan?

Bakit mo hinayaang mangyari ito sa akin sa kamay ng CEO?

BAKIT?!

------------------

A/N:

Isang mapait na UD mga besy!

Pasensiya na po sa matagal na pananahimik. Masyado po kasing busy sa labas ng watty. Na-mi-miss ko narin pong sumulat pero hindi kakayanin ng powers ko.

Pakunti-kunti po muna at sana ay hindi kayo magsasawang mag-abang sa mga kuwento ko.

Please don't forget to press the star below and leave a comment!

Thanks a lot! Lovelots!

Yours truly,

-NyllelaineNyeNight

Breaking his walls...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon