part 1

425 14 1
  • Dedicated kay May-anne Mendoza Vergara
                                    

Dedication

For Liz, my friend who missed my stories, and to James and May – Anne, my very own mr. and Miss Wattpad…kayo ang cause kaya ito ang effect =)

Prologue

She had always loved writing. She had always loved happy endings. Yes, optimistic ang lola mo. Ayaw n’ya ng sad endings, tragic love stories at heartbreaks. Bakit? Eh kasi naman po, para sa kanya, life has been way to imperfect as compared to what everybody wants it to be. Ang bigat naman kung pati sa gawa-gawa niyang kwento ay sad pa rin.  So, she opts for the “happily ever after” drama.

Oh, wait! Nag – introduce na ba sya? Well, then, people just call her Artemis. Don’t bother about her surname…hassle pa. She is your average Jane. Nothing is too fancy about her. Just a tall girl, average frame and an eternal ponytail. Beautiful? Well, her bestfriend says so…

Her story began when she is clearing away things from their attic and she happened to see an old note from her college days…

CHAPTER ONE

“Artemis! Iso-sort mo ba yung mga gamit mo sa attic, or idederetso na naming yun ng inay sa basurahan!?!”

Boses ni mudrabels. Ang boses ni mudrabels na palagi na lamang umaagaw ng pansin sa aking pagko-concentrate sa biggest challenge ng aking buhay: ang CANDY CRUSH.

“Artemis! Ano ga?”

Ayan, nalaman pa tuloy ng mga bumabasa naBatangueña tayo mudra! Haaay….wala naman akong panama sa kanya eh, kasi naman, kapag na-hit niya ang “third alarm” sa pagtawag sa akin ay tiyak na sasaklolo ang aking lola at waaaaapaaaak, gyera! Kawawa naman ang aking beloved eardrums na tangi ko lamang pinapagod sa pagsasoundtrip.

“Eto na nga po, sandali na lang po…”

“Sandali…ay isang oras na ang sandaling yan eh…”

Si mudra talaga…kaloka…So, gora ako sa attic. Naku naman, bakit ba kailangang I – sort ko ito. Ang gabok (ayan batangueña term na naman, alikabok po) kaya nito. Tiyak na bago matapos ang lahat ng ito ay active na naman sa pag-aaklas ang aking allergic rhinitis. Arrrgggghhhh…just the thought makes me cringe! Who would want watery eyes na sensitive sa light and an itchy and runny nose! Oh my! Teka, mag-antihistamine muna akes para hindi masyadong makapanalasa ang atrebidang allergy na ito.

“Wait lang mudra, mag-antihistamine lang po…”

“Ok, dalian mo…”

Nag – okay tapos minadali rin naman ako. Kamusta naman yun? Kaloka talaga dito…Right after gulping water, takbo sa attic…at tulad ng inaasahan, walang ka-gabok gabok at walang ka-agiw – agiw…walang ipis. Hello! In my dreams!

Go agad ako sa box containing old notes. Katamad talaga ang Sundays kapag ganito ang gagawin eh…Open the box…wheeeew, old notes…

There I saw an old notebook with the word “patches” written in front, yung background ay four squares with a star, a flower, a heart and a half moon in each of them. Isang typical na tig-sasampung pisong notebook nung time na pumapasok pa ako. Hindi kasi ako bumibili ng mahal na notebook kasi ang taas naman ng grade ay nasa sipag at galling at hindi sa quality ng pinagsulatan. (Kuuuuuh, hindi pa aminin na kuripot eh)

I flipped it open. Tumambad ang maganda kong sulat =)

ARTEMIS

Bachelor of Arts III

I made a quick calculation (magaling kasi ako sa math, kaya yun ang nag – iisa kong 1.99, muntik na!), so, that was around 2005. Tagal na ah…thunders na ba akes!??

Untitled Rhymes and Unclassified PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon