part 14

61 1 1
  • Dedicated kay Charmane Senorin
                                    

Chapter 11

Ang haba-haba ng hair ko. Daig pa ang may extension or wig. Isipin mo, nag-out sa work si Sean just to do those mushy things for me. Haaaayyyy..it is a really crazy little thing called love.

            “how about dinner? My place.”

I just looked at him. Maybe he sensed the apprehension...

            “Don’t worry, no uninvited guests...”

            “True?”

            “Oo naman....hindi ko na hahayaan na mangyari ulit yun sa atin.”

Isa na ata sa pinakamasasayang sandali ko yung mga ganung moments. Binobola man nya ako o hindi masaya pa rin...

            “Balik ka na sa office mo...baka magalit si Jay.”

            “itinataboy mo na ba ako?”

            “Siempre hindi, ayoko lang ng bf na walang trabaho...”

Natawa kami pareho.

            “I can live without a job, Art...because my job is to love you.”

Pagkasabi nya noon ay tuloy labas ng pinto ang lolo mo...ako namang lola mo eh todo blush. Who cares kung maraming nakatingin...mangisay kayo sa inggit.

MARGA’S POV

Hello people! Matagal ko kayong hindi naka-chikahan ah...eh paano naman kasi...timing na uuwi na si fafa. Sa wakas ay mami-meet nyo na rin sya. Pero wag ma-excite, hindi ko sya isi-share sa inyo...ano sya, food?

Bago na natin pag-uusapan ang aking hunky babe. Dun muna tayo sa aming nalalapit na reunion. Excited na ako...at hindi ko pa nasasabi kay Art. Kasi, kanina lang namang umaga tumawag itong si Pamela...anyway, sasabihin ko naman sa kanya later this day.

Matagal ko nang hindi nakikita ang dear friend of mine ko na yun. Last encounter namin ay nung sinampal ko sya kasi hindi magising eh nananaginip ang bruha. Hindi naman nya ikinuwento kung ano ang nightmare na yun...si bff talaga. She’s getting more and more secretive lately.

Sya nga pala...since wala naman akong work pa dito, naisipan kong mag-open kami ng business. Kami, kasi binabalak kong isama si Art...pati si Pamela...at si Kristoff kung gusto nila. Hehehe...hindi ko pa kasi sila nakaka-usap eh. Ang gusto kong business ay related sa fashion...tiyak na si Pam ay sa food...si Kristoff ay sa automotive at si Art ay sa...saan nga ba? Sasabihin lang nun ay “bahala kayo, mag-ambag na lang ako.”

Magandang way ang reunion para sa aking idea ng business venture. Well, naipakilala ko na ba sa inyo ang mga prospective partners ko? Let’s begin with Pamela. Sya ang batch president namin. The cute but nerdy girl of our small barkada. Peg nya ang mag-aral. Lagi syang nagbabasa...mukha na syang libro. Peace! Si Kristoff naman ang one and only guy sa aming tropa. Sya ang aming tag-bili, taga-bitbit, parang everybody’s boyfriend ba. LOL! May nagsasabing may tendency syang maging bading...pero walang nakapansin nun sa aming barkada. We don’t care. Tsaka ang alam namin ay may gf ang Kristoff na Meg ang pangalan. Isang babaeng matangkad at walang kahit kauting fats sa katawan maliban sa front bumper at rear bumper. Getchingszx? Well, kilala nyo naman na si Art. Baka sabihin nyo pang epal ako kung may sasabihin ako about her. Hehe. At kaming apat ang bumubuo sa isang simpleng banda-bandahan ng aming batch. Keyboards si Art, bass si Pam, drums si Kristoff, ako sa rhythm. Lahat kami ay kumakanta. Mas malimit lang si Art at Kristoff. Nung mga panahong yun, minsan ay sumasama sa amin si Mike. Sya ang napalit kay Art sa keyboards. Noon yun...

At ayon sa tawag ni Pam...dapat ay may special number kami dun sa reunion. Kung ganun...kailangan ng matinding praktisan...=)

Since matagal tayong hindi nagka-kwentuhan, naipon talaga ang chika ko. I have a gay friend...si Shelley. Santiago Manuclao Jr. sa totoong buhay at sa NSO. Shelley kapag may rampa. Isa syang pinagpala sa gandang drag queen. May comedy bar sya...at anniversary night nila mamaya. Dahil close kami, invited ako at pwede akong magdala ng friends. So, gogora akez mamayers deern. See yah!

Untitled Rhymes and Unclassified PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon