part 10

84 2 1
  • Dedicated kay Elaine Margarette Buño Salazar
                                    

Chapter Seven

SEAN’S POV

Para akong batang inagawan ng laruan after seeing Art walk back to her room. She didn’t even take a second look at my message. Kung saang lupalop ko pa hinanap ang mga gagawa ng neon lights message na yun. Lugi ata ako...Idagdag pa lahat ng courage na ginamit ko to request for Miss Sarmiento’s consent.

            “Yan ang napapala ng mga taong shunga.”

Aba, buhay pa pala si konsensya. I don’t have enough energy to argue with him. Hinayaan ko na lang sya.

            “Ano nga ba kasing naisipan mo at pumasok ka sa ganyang sitwasyon? Yes, alam ko namang mahal mo na talaga si Art. Marami ka nang ginawa for her. Pero, bakit all of a sudden ay gumawa ka ng mali? Hindi mo ba inisip ang magiging effect? Kahit pa anong advances at aggressiveness ang ipakita ni Mitch, dapat gumawa ka ng paraan.”

            “Tama ka nga, sana pala tumakbo na lang ako.”

            “OO nga. Hindi na bale na magmukha kang bakla sa paningin ni Mitch. Basta, hindi masira ang pagtingin sayo ni Art.”

            “Kaso, mali ang naging desisyon ko eh...”

            “Mali man o ano, ang mahalga ngayon ay maayos mo yan, Boss. Bago pa may umeksenang iba.”

Tiiiiiingggg! Bright idea, konsensya! Tatawagan ko si Marga. I think sya ang makakatulong sa akin.

I got my phone and dialed Marga’s number. Ikinuwento ko lahat sa kanya. I asked for help.

            “I am sorry, Sean. Kapag si Art ang nagalit, galit talaga. Wala syang pretend pretend. Tsaka, hindi kami nag-aaway nun kaya hindi ko alam kung paano. I don’t think I can help you with this one.”

KONSENSYA’S POV

Hello, guys! Oh, diba, cool! May sarili na akong part dito. Dapat lang...sa gwapo kong are...

Aba, natural, gwapo ang boss ko...alangan namang pangit ako. Sagwa ah...oh sya, mga dre, pag-usapan na lang natin si Boss.

Laglag ang balikat ni Boss when he heard na hindi sya matutulungan ni Beautiful Marga. Kawawang Sean. Loser na nga katulad ng sabi ni Raegan. Alam nyo kasi mga dre, ang hirap sa mga lalaki, magkaka-type, didiskarte, magmamahal, mag-eeffort...tapos, kapag mahal na ng babae, pababayaan, sasaktan...aba! Ang tanga mo naman dre! Ganito kasi yan, para lang yang pag-inom ng alak. Kapag alam mong isusuka mo na rin lang, wag mo na lang inumin. Ipalamang mo na lang dun sa alam mo na kaya pang uminom. Huwag kang engot pare!

Isa pa, ang love na yan, para lang unlimited promo sa broadband, hindi por que at unli ay pwede ngang gamitin ng todo todo...kasi, aabutin ka rin ng “You have reached the maximum amount of mb usage for today.” May katapusan rin ang maliligayang araw. Hassle.

 Isipin mo nga, hindi ka ba napapagod? Look, ayaw mong mapapahiya in front of your barkada. Tapos, okay lang sayo na walk-out-an ka ng isang babae? Oh, come on man!

Wala namang mababawas sayo kung mag-so-sorry ka ah. Hindi ka naman tutubuan ng bigote sa talukap ng mata kung mag-sosorry ka. Minsan nga dagdag pogi points pa yun eh.

Take it from me, gwapo ako eh. =D

ARTEMIS’ POV

Parang hinatak lang ang mga araw. Launching na. Busy ang lahat. Cramming. Taranta. Ngarag! Whew, wa-poise na ang iba...ako, okay lang sa akin ang lahat. Bakit ko naman sisirain ang beauty ko just because of worrying? Naaaah...sayang ang binili kong moisturizer...lols!

Untitled Rhymes and Unclassified PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon