Chapter 54: Blood vs. Luke

1.3K 38 4
                                    

Blood vs. Luke

"COME here baby girl."

Sa hitsura palang niya at pananalita ay malalaman mo talagang babaero ito. Tsk.

Ngumisi ako at pinaglalaruan ang mga tatlong singsing sa mga daliri ko. Hininto ko ang daliri ko sa kabilang daliri na walang laman.

"Oh how sad, it's still empty." malungkot na wika ko. Binalingan ko naman si Luke at nginisihan. "Can you give me yours?"

Tumawa ito at humakbang papunta sa akin. "My ring or MINE?" nakakalokong ngisi nito.

Manyak!

"Both." nakangisi kong saad.

"Woahhh!" naghiyawan ang apat.

"But I'll make sure na magdadala muna ako ng itak para maayos ang pagkakaputol niyan, pagkatapos ipapakain ko sa mga kagrupo mo." nakangising demonyong saad ko.

Natigil ang tawanan at nakangiwi ang mga mukha ng apat kasali na doon si 'Abo' na for the first time nakita kong nag iba na ng reaksiyon. And I find it cute.

Samantalang si Luke naman ay mukhang sasabog na sa galit.

"Iba ang imagination ng babaeng ito. Sensitive pa naman itong si Luke sa usapang ganyan. Nakakadiri mga bro!" nakangiwing saad ng lalakeng brown ang buhok.

"SHUT UP BLAZE! AND YOU MAGDALDAL NG MAGDALDAL KA PA DIYAN SA ABOT NG MAKAKAYA MO! DAHIL MAMAYA ILILIBING KA NA NAMIN DIYAN MISMO SA KINATATAYUAN MO!" galit na sigaw ni Luke.

"Aww ililibing niyo pa talaga ako? How sweet!" pang aasar ko.

Noon talaga at hanggang ngayon mahilig talaga akong mang asar sa mga nagiging kaaway ko. Doon ko lang kasi makikita ang tunay nilang lakas. At kapag mangyari iyon ay nagaganahan na akong makipag suntukan sa kanila.

"Why don't we start right now? Bitch. And let's see what you've got." mariing wika nito.

Nagkibit balikat ako and I prepared my fighting stance. Nauna itong sumugod. Hindi kagaya kanina na umiiwas ako palagi, ngayon ay sinasangga ko na ito dahil mabilis ang bawat atake nito sa akin. Hindi parehas kay Sandro na lakas lang ang mayroon siya. Itong si Luke ay maliksi at malakas nga pero may kulang din...

Kulang siya sa focus. Suntok lang siya ng suntok sa akin pero pag nagiiba na ako ng pwesto ay napapahinto ito. Malakas naman at mabilis ang pinapakawalang suntok niya, pero ng nag iba na ako ng pwesto doon na siya tuluyang natumba. Hindi niya inaasahan ang paglipat ko ng pwesto dahil naka focus lang siya sa bawat suntok niya sa akin.

Natumba na naman ito ng hindi niya inaasahan ang pagtalon ko sa bato at sinipa ko siya ng nasa ere pa ako. Tatayo na sana ito ng inapakan ko ang dibdib nito. Dumukwang naman ako para kunin sana ang singsing nito ng makita ko sa gilid ng aking mga mata na susugod sana sa akin ang may brown na buhok ng may pumigil sakanya.

"Don't. It's their fight. Learn to wait Blaze." malamig na wika ni 'Abo'.

"LUKE MICHAEL MOLENTILLO: DISQUALIFIED."

"WHAT THE F*CK ARE YOU BITCH!?"

************

Don't forget to vote and comment👇😊 Love you💗

-airamhengly💓

BLOODY ISLAND ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon