Chapter 42: Blood's First Mission

1.5K 33 0
                                    

Blood's First Mission

ARAW ng Lunes ay maaga akong bumangon. Gusto kung makalanghap ng preskong hangin. Yun ang kailangan ko ngayong araw. Kaya pumunta ako sa garden, doon lang kasi may kapayapaan.

Pagkarating ko doon may nakita akong likod ng isang lalaki. Tsk.
Kailangan kaya kami hindi ipinagtagpo nito? Naalala ko tuloy ang nangyari sa kusina nila.

"You're here." sabi nito.

Uminit ang pisngi ko. "Yeah." maikli kong sagot.

"Alam kong ikaw ang gumawa nun. Hindi ko aakalaing kaya mong gawin yun." mahinahon na wika nito.

Sumeryoso ako. "Kailan mo pa ako kilala Red? Sa pagkakaalam ko hindi mo pa ako lubusang kilala. Oo nga't nasabi ko sayo na isa akong anak ng mafia. Pero hindi ibig sabihin nun ay kilalang kilala mo na ako."

Lumingon ito at tumaas ang sulok ng labi nito. "Hindi mo din ako kilala. And by the way my name sounds good with you." sabi nito at umalis na.

Napasimangot ako. Bipolar talaga. Parang kanina lang nang iinis, ngayon naman haysst. Bahala nga siya!

Naalala ko sinabi niya kanina.
Marami akong sikreto sa pagkatao ko. Simula pagkabata ay pinag aralan ko na ang organization ng papa ko. Limang taong gulang palang ay nakahawak na ng baril. Nang tumungtong ako sa ikalabing isang taon ko ay binigyan na ako ng misyon ni papa. Misyon na nakilala ko ang pinakamayabang at aroganteng lalaki pero at the same time ang nagligtas sa akin sa galit ni papa at sa kamatayan.

Ang misyon ko dapat ay hanapin ang bomba sa isang malaking resort na may maraming tao sa paligid. Kaibigan at kakampi sa organization ni papa ang may ari nito kaya noong napag alamang may bomba rito ay nagbulontaryo si papa na tulungan sila. Sabi ni papa na ito raw ang una kong misyon na hanapin ang bomba pero iba na ang mag de defused. Pero bigla nalang may nag suggest na ibahin ang unang misyon ko para raw hindi ko makakalimutan,  yun ay e defused nalang ang bomba.

Gusto kong umayaw pero hindi ko naman gustong ipahiya si papa sa harap ng kaibigan niya. At isa pa tinuruan na ako sa ganyang sitwasyon.

Noong una palang ay pinipilit kong maging kalmado at mag focus para matandaan ko yung tinuro sa akin ni papa. Pero hindi ko parin maiwasan na manginig ang mga kamay ko sa kaba. Hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras na iyon dahil 30 seconds nalang ang natitirang oras. Pero bigla nalang may isang batang lalaki na ka edad ko ang tumulak sa akin at siya ang nag defused ng bomba. Walang kahirap hirap nitong e defused ang bomba. Kumbaga hindi man lang ito kinabahan. Kaya laking pasasalamat ko para dito pero laking gulat ko nalang ng bigla niya akong sinampal at sinabihan ng tanga. Naalala ko pa nga ang sinabi niya.

"You're stupid. And put it in your head stupid girl, your stupidity will kill you!" malamig na wika nito at umalis.

Natawa ako bigla. Andami niyang stupid para sakin. At naalala ko rito si Red. Pareho silang walang emosyon kung magsalita akala mo pinaglihi sa yelo.

[Piano sounds]

Hindi na ako magugulat kung may pakulo na naman itong bago ang principal. Lalo na't may bago--!

Bigla ko namang naalala si Lina. Shit! Tumakbo ako ng mabilis sa girl's dormitory. Katabi lang ng dorm namin ni Cassy ang dorm ni Lina kaya dumiretso na ako doon.

"B-blood..."

Nakita ko sina Lina at Cassy na nanginginig kaya dinaluhan ko ito.

"Totoo ba Bliss na bibigyan din nila ako ng laro dito sa unang araw ko kagaya mo?" umiiyak na wika ni Lina.

Tiningnan ko naman ng masama si Cassy. "Ahhm Lina listen tutulungan kita. Kaya dry your tears and be brave, huwag kang matakot dahil hindi ako papayag na may masamang magyari sayo." pang aalo ko dito.

"S-sorry Blood. Nagtanong kasi siya eh!" naiiyak na saad ni Cassy.

Hindi ko ito binalingan at patuloy na inaalo si Lina.
"Cassy you shouldn't tell her. You knew how weak she is!" mariin na sabi ko dito.

"HELLO STUDENTS. HAHAHA MISS ME? OH WE HAVE NEW STUDENT HERE! WELCOME!"

Humigpit ang hawak sa akin Lina. Kaya hinigpitan ko din ang yakap ko. I will save you Lina no matter what.

BLOODY ISLAND ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon