Chapter 63: Heartbreaking scene

1.4K 40 42
                                    

Heartbreaking scene

NANDITO kami ngayon sa dorm namin ni Cassy kasama si Lina. Makikita sa mukha ni Cassy na hindi siya nasasayahan kung ano ang pwedeng mangyari ngayon, samantalang si Lina naman ay hindi ko mawari kung na e-excite ba o ano. Ang aga din nitong kumatok sa dorm namin at nagrepresenta na mag make up sa aming dalawa.

"Ano ready na ba kayong buksan ang mga box?" nakangiting tanong ni Lina.

Nagkatinginan kami ni Cassy at nauna na siyang tumayo para puntahan ang tatlong box na nakalatag sa kama niya.

Alam ko naman na na e-excite si Cassy na makita ang susuotin niya dahil ngayon lang daw ito nakakasuot ng ganyan, e sa ngayon lang daw kasi nangyari ang ganito dito. Pero hindi naman talaga mapagkakaila na mas nangibabaw ang takot at kaba sa mukha ni Cassy.

"Bliss ano? Tara na!" pangungumbinsi sa akin ni Lina.

Wala akong nagawa at tumayo na. Nasa harap na naming tatlo ang mga box isa isa. Sabay naming kinuha ang cover at nabigla ako ng napatili si Lina.

"OMG BLISS ANG GANDA NG SAYO!" tili nito.

Tinignan ko naman ang laman ng dalawa.

"Parehas lang naman ng disenyo e, ang kulay nga lang ang nag iba." komento ko.

"Mas maganda nga yung sayo dahil color red, ang sa amin kulay puti, boring! Atsaka bagay sa pangalan mo." nakangiting wika nito.

Kinuha ko mula sa box ang akin. The beautiful red tulle sweetheart offshoulder was perfectly matched with the red sequined mask with rhinestones and embroidery. I also noticed from the box a red stilettos shoes. It's all red!

"Bakit pareha kayo ng disenyo at kulay?" nagtatakang tanong ko sakanila.

Parehas lang ang disenyo ng tatlong ball gowns namin ang nag iba lang ay yung kulay nito, pati narin ang mask nila at stilitos ay kulay puti din.

"Baka nagkataon lang siguro na hindi iba iba ang mga susuotin natin." saad ni Cassy.

Binalingan ko naman si Lina pero nagkibit balikat lamang ito. Makikita ko sa mga mata nito na hindi niya matanggal ang tingin niya sa gown ko. Siguro nagagandahan lang ng sa akin.

"Alright let's start this make overrr!" masiglang sigaw ni Lina.

Napailing nalang kaming dalawa ni Cassy.

Pagkatapos ng tatlong oras ay natapos na din kaming tatlo. Mag aalas sies na din at seven ang start ng program kaya minamadali nalang namin. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Ang ganda mo Blood!" komento ni Cassy.

"Oo nga! Mas lalo kang gumanda!" komento ni Lina.

I faced them. "Kayo din at ikaw Nerd hindi kita nakilala a!" biro ko kay Cassy.

Sumimangot naman ito. "Bakit mukha ba akong hindi tao pag wala ito!?" nakasimangot na tanong nito.

"May sinabi ba ako?" natatawang saad ko.

"Hmp!"

Light make up lang ang nilagay sa amin ni Lina. Si Cassy nakalugay ang kanyang mahaba at kulot na buhok, si Lina naman ay nakabraid ang mga buhok nito na parang korona, ang akin naman ay nakabun pero may konting hibla itong binaba sa mukha ko.

"Hindi ba kayo susunduin ng mga ka date niyo?" biglang tanong sa amin ni Lina.

"Ahh si Blake susunduin daw niya ako dito." nakangiting sagot ni Cassy.

"Pareha pala tayo, ang sweet talaga ng ka date natin. Sabi kasi sa akin ni Red na susunduin daw niya ako dahil baka mapano daw ako sa daan at tsaka baka daw may umagaw sa akin hehehe." kinikilig na saad ni Lina.

Napatingin sa akin si Cassy, nag aalala ang mga mata nito kaya nginitian ko nalang ito para malaman niyang okay lang ako. She shouldn't be worried to me, I can handle my feelings

[Knock Knock Knock]

"Ayan na siguro sila!" excited na wika ni Lina.

Napayuko naman ako dahil hindi ko kayang tignan sila na magkasama, marinig ko lang mula sa mga labi ni Lina kung paano siya kaalaga nito ay nagpapahina sa akin. Bumibigat ang dibdib ko at naninikip sa sakit na aking nararamdaman.

"Tara na Blood." nakangiting saad ni Cassy at hinawakan ako nito sa braso na nagpapalakas sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas kasama ni Cassy. Nilakasan ko ang loob ko para ipakita kay Red na hindi ako naapektuhan sa kanilang dalawa. Na kaya kong tignan siya sa mga mata na walang malisya, na hindi nasasaktan.

Pagkaapak ko sa labas ay nakita ko si Blake na naghihintay sa gilid. He is so very handsome with his white tuxedo, nakataas din ang mga buhok nito kaya naninibago ako sakanya. Bagay silang dalawa ni Cassy, para silang mga anghel dahil pareho silang nakaputi.

Nakita ko din sa gilid ng mga mata ko si Red kasama si Lina. Masakit man sa mata ay binalingan ko silang dalawa. Seryoso silang nag uusap sa isa't isa kaya nagkaroon ako ng pagkakataong matitigan ang kabuoan ni Red. Kahit parehas sila ng suot ni Blake but there's something on him that made him more attractive than Blake. Yung magulong buhok niya parati pero nagpapadagdag pa din sa kagwapohan niya ay nag iba na. Maayos na ang pagkakasuklay nito that made him more manly ever.

Pero nabigla ako sa pangyayari. Kasing bilis ng kislap mata ko na tumulo ang mga luha ko.

They've been kissing infront of us. That's truly broke my heart. But someone block my view from the heartbreaking scene. Thanks to him.

"Learn how to close your eyes if you've been hurt of what you see."

"D-damon..."

BLOODY ISLAND ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon