Chapter 76: Hurt

1.5K 36 21
                                    

Hurt

Ryu's POV

ILANG linggo ng nakalipas simula nung niligtas namin si Blood sa kamay ni Lina at sa ama nito. At hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam ang principal. Hinala ko din na pinakuha niya ang anak niya sa opisina at pinalabas sa eskwelahang ito.

Ilang linggo naring nagtataka ang mga tao dito kung nasaan ang principal namin. May ilan na masaya dahil wala na ang nakakatakot na laro nito, pero mayroon ding iba na nangangamba dahil hindi talaga maiiwasan na sa katapusan ng buwan na ito ay simula na ng kinatatakutan ng lahat.

Ang Graduation Day. Kung ordinaryong estudyante lang kami, siguro magtatalon kami sa tuwa at natapos na din ang napakahabang pag aaral namin. Pero dito hindi, natatakot kaming dumating ang araw na iyon. Lalong lalo na sa mga bibitayin. 

Ilang araw na din ang nakakalipas simula ng naging sila na ni Superior at Blood. At ilang araw na din akong nasasaktan, ginawa ko ang lahat maiwasan ko lang na makita silang magkasamang dalawa dahil...bakla man sabihin ay nadudurog ang puso ko. Masakit na makita silang masayang magkasama, kaya ngayon napapansin na pala ni Khael ang pagminsa'y hindi ko pagsama sa grupo lalong lalo na kung nandoon si Blood.

"Tell me honestly Ryu, may gusto ka ba kay Blood?" diretsong tanong sa akin ni Khael. Seryoso itong nakatingin sa akin ngayon. Naninibago ako.

Napaupo naman ako ng maayos sa sofa. Nandito kami ngayon sa dorm namin ni Khael at wala pa kaming planong matulog. Napaiwas naman ako ng tingin sa mapanuring mata nito at napalunok ng sariling laway.

Sasabihin ko ba sakanya?

"Alam mo Ryu, naghinala na ako sayo simula ng hindi ka umayon sa plano natin noon. You defended Blood than this people here. Nagalit ka sa amin at lumayo ka at doon ka pa talaga pumunta kay Blood. You even prevent us to kill Blood..." his face became more serious. "...Ryu hindi na ako magugulat kung may gusto ka nga sakanya, just tell me."

I sighed. Halata ba ako masyado? Si Blood kaya nahalata niya din ba? I sighed again.

"Well m-matagal na." nauutal na amin ko dito. Kinabahan ako sa titig ni Khael sa akin ngayon. Sasabihin kaya niya sa iba? Alam ko namang ang bibig nitong si Khael ay parang pwet ng manok sa likot.

"H-hoy Khael h-huwag mong sabihin sa iba ha?" kinakabahang saad ko.

Mas naging seryoso ang mukha niya at napahawak pa sa baba na parang nag iisip. Natatakot na ako sa kumag na ito ah, kung sumeryoso ang mukha akala mo may gagawing masama sa akin dito.

"Hoy K-khael!"

"Bwahahahaha."

Nagulat ako sa biglang pagtawa nito, kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Anong nakakatawa Khael? Pinagtatawanan mo ba ako?"

Pero binabalewala niya lang ang tanong ko at tinuro niya ang salamin "Pumunta ka nga doon sa salamin bilis hahaha!" natatawang saad nito.

Kahit naguhuluhan ay sinunod ko pa din ito. Baka kung anong dumikit sa mukha ko kaya pinagtatawan ako nitong si Khael.

"Gago ka Ryu! Naniwala ka naman agad, ang slow mo!"

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Pinagloloko mo ba ako Khael!?"

"Opps easy, ang ibig ko lang namang sabihin ay masyado kang tensyonado sa pinag uusapan natin kanina! Mukha kang maiihi diyan sa kinauupuan mo."

"Eh sino bang hindi, ngayon lang kita nakitang nagseryoso. Alam mo Khael hindi bagay sayong magseryoso, mukha ka kasing nasemento ang mukha!" ako na naman ngayon ang nang aasar, si Khael kasi minsan lang yang magseryoso, palagi ba naman kasing tumatawa o ngumingisi. At kung sumeryoso man yan, ay dapat ka talagang makinig, kagaya ngayon.

"May balak ka bang sabihin kay Blood ang nararamdaman mo?" seryosong tanong niya sa akin pagkatapos naming mapagod sa pag aasaran.

"Hell no! Bakit ko naman sasabihin sakanya? Bukod sa natatakot akong ma busted, natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin ni Blood lalong lalo na kay Superior. Kaya hanggang sa libingan ko ito dadalhin."

Tumatango tango naman ito at bigla tumayo. Nang makalapit na siya sa gilid ko ay tinapik niya ang braso ko. Akala ko mag a advice sa akin ang ugok na ito pero hindi pala, nang aasar pa.

"Sabihin mo lang Ryu, torpe ka talaga!"

"Gago!" pabirong sinapak ko naman ito. Natatawang pumasok naman si Khael sa kwarto niya samantalang ako ay nanatiling tulala.

Noong una tanging pagka inis at galit lang talaga ang nararamdaman ko para kay Blood, pero nung nalaman kong may plano si Superior sakanya, ewan ko ba pero sobrang nagalit ako ng araw na iyon.

Gusto kong ako lang ang pwedeng manakit kay Blood, gusto kong ako lang ang pwedeng mang asar sakanya, gusto kong sa akin lang mabaling ang atensiyon niya. Kaya siguro palagi kong inaasar si Blood dahil I craved for her attention.
Noong araw na sumasama sama pa ako kay Blood, ay doon ko na realize na hindi lang talaga pagkagusto ang nararamdaman ko para sakanya, kundi mas higit pa.

BLOODY ISLAND ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon