Chapter 73: Her Dream

1.1K 24 0
                                    

Her Dream

"BLOOD mahal na mahal kita tandaan mo yan." sabi ni Ryu.

"Sorry Ryu...but I l-love someone else." nahihirapang saad ko dito.

Ngumiti ito ng mapait. "I know. Sinabi ko lang sayo kasi mukhang ito na ang huling araw ko."

Kumunot ang noo ko. "A-anong pinagsasabi mo diyan?"

Nakita ko ang isang butil ng luha sa pisngi niya. Kaya hinawakan ko ang mga kamay nito.

"R-ryu?"

Nagulat ako ng makitang umubo ito ng dugo. At tuluyan na ngang natumba sa kandungan ko. Nagsimula na akong humikbi at umiyak.

"R-ryu anong nangyayari?" tinapik tapik ko ang mukha nito, nagbabakasakaling sagutin niya ako.

"A-alagaan mo ang s-sarili mo ah, p-pati ang m-mga kaibigan ko.T-tandaan mo B-blood, h-hanggang sa k-kamatayan gagabayan k-kita at m-mahal na mahal k-kita.."

Napasigaw ako."RYUUU!"

"RYUUUU!!"

"RYU GISING PLEASE!"

"Blood!"

"Blood gising!"

Napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal hingal ako habang pinasadahan ang mga taong nasa harapan ko. Nang makita ko siya dali dali akong tumakbo sakanya at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik.

"R-ryu huwag mo akong i-iwan." naiiyak na saad ko.

Alam kong panaginip lang ang lahat tungkol kay Ryu at hindi ko alam kung bakit ako nandito. Sa harap ng mga Ares Warriors kasama sina Cassy at Blake. Anong nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay?

"Saan naman ako pupunta Blood?" natatawang saad ni Ryu.

Humiwalay ako sakanya at tinititigan siya. Itatanong ko na sana kung anong nangyari pagkatapos kung mawalan ng malay ng maalala ko na naman ang masamang panaginip ko kanina, bumalik na naman ang mga luha ko. Nakita kong nataranta ito ng makitang umiiyak ako.

"H-hoy! Anong nangyayari sayo?" natatarantang tanong ni Ryu.

Hahawakan na sana ako ni Ryu sa mukha para pahidin ang mga luha ko ng may malakas na kamay ang humigit sa akin palayo kay Ryu.

"Get out everyone, may pag uusapan lang kami." baritong utos nito sakanila.

Lumabas na ang lahat. Si Ryu ang huli, at kahit may pag aalinlangan itong iwan kami dito ay umalis narin ito pagkatapos kong tanguan. Doon ko nakita ang kabuuan ng kwarto, familiar ito sa akin.

"You are in my room."

Napalingon ako sakanya. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa akin pabalik. Bigla kong naalala ang nangyari pagtataksil nila sa akin. Nahuli lang ako ng reaksiyon dahil sa masamang panaginip ko kanina tungkol kay Ryu.

"Anong nangyari kanina? Bakit ako nandito?" mabilis na tanong ko.

Lumapit ito ng dahan dahan sa akin, mas lalong dumilim ang mukha nito. "Hindi mo ba ako yayakapin kagaya ng ginawa mo kay Ryu?"

"A-anong pinagsasabi mo diyan?" nauutal na saad ko ng makitang wala na akong aatrasan pa.

"Pareho kaming nagtaksil sayo, pero sa mukhang binigay mo sa akin ngayon at pinakita mo kanina...it looks like ako lang ang may kasalanan." mariing saad nito sabay lagay ng dalawang kamay nito sa magkabilang ulo ko, kinulong na niya ako sa pader.

Napaisip naman ako ng mapagtantong totoo nga ang sinabi niya sa akin.

"E-eh ano naman ngayon?" tanong ko. Napalunok ako ng bumaba ang mukha niya sa akin.

"Nagseselos ako."

His sudden confession made my heart skipped a bit. Uminit din ang pisngi ko. Matagal kaming nagkatitigan hanggang sa tinulak ko na ito ng maramdamang kakaiba na ang mga titig niya.

"H-hoy h-huwag mong ibahin ang tanong ko kanina!" nauutal na saad ko.

Tumaas ang sulok ng labi nito at dahan dahang umatras para umupo sa sofa sa likod niya.
"Have a seat first."

Umupo naman ako sa kaharap niyang sofa. Napataas ang kilay ko ng makitang wala itong planong magpaliwanag at tinititigan lang ako.

"Ano tititigan mo nalang ba ako buong araw?" masungit na tanong ko.

He smirked. "I would love to Blood."

Bumalik naman ang kaninang naramdaman ko sa diretsong sagot nito. Can he stop it? He made me uncomfortable. And my heart cannot just stop beating very fast.

"T-tigilan mo na nga y-yan!" nauutal na saad ko.

He smiled innocently. "Anong pipigilan ko?"

Napabuga ako ng hangin. "B-bahala ka nga!" saad ko na hindi nakatingin sakanya.

"Look at me." baritong utos nito.

Kahit nag aalinlangan ako na sundin ang utos niya, ginawa ko pa din. Parang may kung ano kasi sa boses niya ang nagpapasunod sa akin, nagpapasunod niya ang buong katawan ko. Bigla naman itong nagbuntong hininga.

"Alright ask me anything." seryosong saad nito.

I sighed also. Andaming mga tanong na umiikot sa ulo ko ngayon. Hindi ako makakapayag na hindi ito masagot lahat, kung aabutin man ako ng bukas wala din akong pakialam.

BLOODY ISLAND ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon