Chapter 14: Get-the-rank game

1.6K 34 0
                                    

Get-the-rank game

HANGGANG sa makarating kami sa classroom patuloy parin itong tumutugtog. Sabi ni Cassy maghintay nalang daw kami na magsalita ang principal sa speaker para sa laro ngayon. Hindi naman kasi nagpapakita ang principal.

"Alam mo mamaya ka nalang magpa register Blood pagkatapos ng laro." sabi ni Blake.

Paglabas kasi namin sa dormitory naghihintay na roon si Blake. May gusto siguro kay Cassy.

Malapit na kami sa pinto ng biglang tumigil ang musika at pinalitan ito ng kakikilabot na tawa. Tumayo ang mga balahibo ko sa batok. Geez hindi ko akalaing makakarinig ako ng tawa ng isang demonyo.

"Miss me my dear students!?" sabi nito at tumawa naman.

"Dahil may bago kayong kasama dito. Why don't we play to welcome her?" sabi nito.

Bigla napang nagmura si Blake at nanginginig naman si Cassy. Ang mga estudyante naman nakatingin sa akin na may pag alala ang iba naman walang pakialam at mukhang excited pa nga.

"Hi new girl!" tumawa ito. "How beautiful of you, pero mamaya lang baka pagsaluhan ka na ng mga daga!" tumawa ito na parang nahihibang.

I just stayed stilled. Whatever the game is I will face it.

"Let me call this a 'GET- THE-RANK' game. Kailangan mong pumatay ng nasa rank 15 to 20 dapat. And if natapos mo na, ang reward mo ay ang rank ng napatay mo. Pero kung hindi mo magagawa sa loob ng apat na oras...." tumawa ito.

"Well it's either napatay ka sa pakikipaglaban mo or... namatay ka ng dahil sa paborito kong death controller." tumawa ito. "Well makapag pa register ka naman mamaya kung mananalo ka hahaha Ciao!" at bigla nalang naglaho ang boses nito at pinalitan ng kantang nagimbala samin kanina.

"Blood kailangan mo nang gawin ang laro mo! Kapag natapos na yang tugtog matatapos narin ang oras mo!" umiiyak na saad ni Cassy.

Magsasalita na sana ako ng biglang lumapit sa amin ang isang goon na may box. Binuksan niya ito at bumulagta sa akin ang isang napakagandang kutsilyo.

"Gamitin mo yan lahat kami dito may ganyan." seryosong saad ni Blake.

Hindi ko mabasa ang iniisip nito. Napaka seryoso. Hinawakan ko ang kamay ni Cassy at pinatahan ito.

"Nerd. Ang O.A mo wag ka ngang umiyak tulo sipon mo oh!" biro ko rito.

Hinampas niya naman ako. "Kung pwede ka lang naming tulungan. Sorry talaga Blood." nakayukong wika nito.

"Ano ba kay---!" naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita sa likod.

"Tsk tsk tsk mukhang may mababawasan na naman dito."

Lumingon ako at nakita ko ang mga A.W. Tiningnan ko naman ang lalaking naka ngising pang demonyo. Tsk I think he was the one who talked earlier.

Una palang kaming nagkita nitong lalaking ito mukhang may galit na sa akin. Ang supladong dimple guy ng B.I.A.

Si Ryu Jake Montecillo.

Well naalala ko pa ang pangalan niya, siya kasi ang sinuntok ni Blake sa cafeteria kagabi. And one more thing I have a sharp memory. I can still remembered even though I'm not interested.

"Excuse me. Are you talking to me?" I sarcastically asked.

"Yeah sino pa nga ba ang mamamatay mamaya?" he mirrored at me.

I laughed. "Oh! I thought you're talking to your self!" I mocked.

Tumawa naman si Khael, mariing tiningnan naman ako ng may seryosong mukha at si SUPERIOR naman as always poker face.

He laughed. "Well let see Ms. Fortalejo." Ryu said sarcastically.

Tumalikod naman ang apat at napairap nalang ako sa kawalan.
Tsk. Mga walang magawa talaga sa buhay. Tiningnan ko ang likod ni Superior.

Tsk. Hindi ko parin makakalimutan yong sinabi niya sa akin kagabi.

"Be ready for tommorrow. Cause it will be the start of your misery. Take care Blood." sabi nito sabay nilagpasan ako.

BLOODY ISLAND ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon