"Tori, pakibilisan naman oh, we're going to be late. Alam mo naman kung ano yung ayaw ko diba?" Ayan, sinesermonan nanaman ako ng masungit pero gwapo kong pinsan, minsan pa-epal din, Andrei Drake Reyes.
Sa totoo lang, lahat ng tao ay tinatawag siya sa first name niya. Pero ako, pinapatawag niya sa second name niya. Partida, ako lang. Close naman siya sa amin ng bestfriend ko, si Jamie. Kami lang dalawa ang katangi-tanging babae na pinapansin niya sa loob ng campus.
We were both in college, but he's two years older than me. We both like to take Medicine pero nasa pre-med course pa lang kami as of now, BS Biology.
"Have you already started the car?" tanong ko sa kanya at tumango naman ito. Suplado talaga si Drake pagdating sa ibang mga babae, pero hindi naman siya bad boy. Actually, may tinulungan pa nga siyang babaeng nahimatay noong isang araw sa campus. Ayaw niya lang talaga ng mga babaeng kumakapit at lumalandi sa kanya.
"Yes, come on. Akin na yung gamit mo." Siya ang nagbuhat ng gamit ko papuntang parking lot ng condo. Yes, we're living in one roof by ourselves. Kaming dalawa lang. Actually utos ni Dad para mabantayan daw ako ni Drake sa mga lalaki.
Inilagay niya iyong gamit namin sa backseat at ako ay naupo sa passenger seat. Isinuot ko muna ang seatbelt ko, ganun din siya.
"Anong oras ang start ng klase mo?" tanong niya sa akin kaya agad akong tumingin sa kanya, " Seven o'clock to three o'clock, ikaw?" Tumango-tango naman ito at nagdrive na papuntang school, "Parehas lang. I will fetch you later." sabi nito at nag-focus na uli sa pagdradrive.
Routine na namin kumbaga ito sa araw-araw na ginawa ng Diyos na magkasama kami. Hatid, pasok at sundo. Dahil twenty minutes lang naman ang layo ng school from condo, nakarating kami kaagad.
Nagmaniobra muna si Drake at ipinark ang kotse sa parking lot ng school. Tinanggal niya na muna yung seatbelt niya atsaka lumabas para buksan ang pintuan sa may backseat at kunin ang gamit namin. Matapos ay binuksan niya ang pintuan ng passenger seat kung saan ako nakaupo at inalalayan para bumaba ng kotse.
Isinukbit ko ang bag ko sa likod ko at habang papalakad ako sa may mismong field ng campus ay nakita ko si Jamie na naka-upo sa may bench malapit sa field at kinawayan ako.
"Kambal ko!" malakas kong sabi at lumakad ng mabilis papunta sa kanya. Tawagan lang namin iyon dahil marami sa mga kaklase namin ang nagsasabing may hawig daw kami, pero onti lang. Kaya kambal ko ang tawagan namin.
"Wah, Kambal ko namiss kita! Alam mo bang na-bored lang ako sa Hongkong dahil wala naman kaming ginawa doon kundi kumain at matulog. Misan lang kami pumasyal. Eto nga pala, galing Hongkong," Inabot niya sa akin ang isang paper bag na puro pampakikay. May makeup, hair tools at clips, mga hikaw at meron ding chocolates.
"Grabe ka naman kambal ko, andami naman nito." Ngunit natigilan ata si Jamie nang lingunin ko si Drake na papalapit sa amin kaya suminghap ako, "Ah-- eh ano ulit iyon kambal ko?" tanong nito sa akin kaya sinabi ko ulit yung sinabi ko kanina. "Ah, kasi andaming mura na ganyan sa Hongkong kaya binilhan na din kita." Ngumiti naman ako at yinakap siya.
"Hi guys," bati ni Drake at bumati naman si Jamie. "Hello, Andrei. May pasalubong nga din pala ako. Ito oh." sabi ni Jamie kaya napangiti ako ng palihim, mukha atang may iba sa dalawang ito ah.
"No need, sa iyo nalang iyan. Hey, Tori, I'll go now, see you around." I glared at him first dahil sa pag-reject niya kay Jamie at tinanguan siya.
Napabuntong-hininga si Jamie ng malalim atsaka sumimangot, "Nakakainis, wala naman akong pagbibigyan nito kasi para sa kanya 'to. Pero kambal ko, walang malisya ha? Wala akong gusto sa pinsan mo, trip ko lang talaga siya bigyan ng bomber jacket, mukhang bagay kasi sa kanya eh, malamig eh." At pareha kaming tumawa.
BINABASA MO ANG
He Is Enough (Book 1 Of Enough Trilogy)
RomanceTori lives her normal life with her cousin, Andrei Drake Reyes. But the time came when his bestfriend from Canada, Nathaniel Devanns Alvarez, came back to the country realizing that he loves her. Learn how Tori surpasses the challenge of destiny, u...