Never been this excited to write this freaki'n chapter! Hopefully I'll write this one better uwuuu💛 asdfghjkl long chap ahead :)) this chap will be divided into two parts :))
________________________________________Friendship Ball ( Part 1)
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Agad ko naman itong pinatay at kinuha ang cellphone ko para i-check. It's already 6:00 am. The soothing light from the sun reflected into my room. Agad akong bumangon at dinala ang mini towel ko dahil maghihilamos ako ng mukha.
Agad kong hinugasan ang mukha ko at matapos noon ay dumiretso ako ng kusina para maghanda ng aalmusalin namin at babaunin ko para sa practice. Nagdesisyon ako magluto ng fried rice, burger steak at mixed veggies.
Habang nagluluto ay napansin ko si Nate. He had his hair messy, and yeah, he looks hotter. Tired of denying that. He just stared at me. At wala na. I miss his good morning's, the typical makulit na Nate. But then, wala. Ugh, why I'm bothering myself about that?
Nagfocus nalang ako sa pagluluto ng breakfast at naghain na. Sunod ay gising na si Drake at nginitian naman niya ako. "Good morning, aga naman magising, HAHAHA" aga-aga nang-aasar itong lalaking ito. Inirapan ko lang siya at sinimulan na paghainan ang dalawang prinsipe. Buti pa sila, may pahinga at makakapagpogi-rest habang ako, wala, ngarag ang beauty ko.
Naupo naman ako sa may bakanteng upuan, katapat ni Nate at nagsandok ng kanin ko. Ganun din ang ginawa nung dalawa.
"May practice pala ako ngayon ng dance troupe. Oy, wag mo kong papagalitan doon Drake, ha." Agad naman siyang tumingin, "Bakit naman kita papagalitan?" agad naman akong ngumisi, di niya kasi alam na intimate ang dance namin. "Secret," he just stared at me and we continue to eat.
Si Nate ang toka sa mga hugasin ngayon. Agad naman akong pumasok sa kwarto para maghanda sa practice namin for the Friendship Ball. Mataas ang expectations namin kaya dapat ay wala kaming biguin.
Matapos ihanda ang mga kailangan ko at ihanda ang sarili ko, lumabas ako ng kuwarto. Ngunit paglabas ko ay nakatayo si Nate sa tapat ng kuwarto ko, at nakatingin sa akin. As in, titig. Ano kayang problema nito? Linagpasan ko lang siya. I'm confused. Pero bakit parang may paru-paro sa tiyan ko? Eto na nga ba iyon? Gusto ko na ba siya?
Di ko muna pinansin ang sarili ko at nag-usap kami ni Jamie na magkita sa coffee shop malapit sa campus para doon kami magkita.
"Inayos ko na yung kotse natin,just text me if may problem." He patted my head like a dog. My goodness.
Lumabas ako ng condo at nakapark na nga sa harap nito ang sasakyan. Sumakay ako sa driver's seat at inayos ang seatbelt ko at nagdrive papuntang coffee shop.
Mabilis akong nakarating dahil twenty minutes away lang naman iyong coffee shop. Pagkarating ko doon ay nag-order ako ng frappè at blueberry cheesecake para sa aming dalawa ni Jamie.
Ilang minuto ang nakalipas at dumating na din si Jamie. Nagbeso muna siya sa akin at umupo sa tapat ko.
"So, eto na pala yung costumes natin." sabay abot ng costume ko. "Dumaan kasi ako doon sa patahian kanina ng costume natin and naisipan kong kunin na yung atin, kaya eto."
"Salamat kambal, ewan ko ba, pakiramdam ko kinakabahan ako sa Friendship Ball mamaya." agad namang kumunot ang noo nito.
"Bakit naman kambal ko, you need to have some fun! Wag mo muna isipin si Nate, okay? Enjoy the night, and be stunning. Don't let that guy ruin you, nako." sabi nito at sumipsip sa frappe niya.
"I don't know. You know what? I think I know the answer about my feelings." dali-dali nagliwanag ang mukha ni Jamie.
Oo, alam ko na. Kagabi pa. Alam ko nang in-denial ako sa sarili ko. I was blinded by the fact I still wanted Hayden but all along it's Nate.
BINABASA MO ANG
He Is Enough (Book 1 Of Enough Trilogy)
RomanceTori lives her normal life with her cousin, Andrei Drake Reyes. But the time came when his bestfriend from Canada, Nathaniel Devanns Alvarez, came back to the country realizing that he loves her. Learn how Tori surpasses the challenge of destiny, u...