Alas siyete na ng umaga ng magising ako. Hindi ko pa din makalimutan ang panghahalik ni Nate sa akin at ang weird lang dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.
Naghanda na ako ng almusal para sa dalawang lalaking kasama ko at mauuna nang pumasok sa kanila. Matapos kumain ng saglit ay naghanda na ako para pumasok sa university.
Nagdecide akong mag-commute na lamang para hindi ko na sila makasabay. Hindi ko pa kayang harapin si Nate, napaka-awkward ng sitwasyon.
Tahimik akong lumabas ng unit namin at naghintay sa elevator para ibaba ako sa may lobby. Nang makasakay na ay taimtim lang ako sa loob ng elevator at patuloy na iniisip ang halik ni Nate sa akin.
Sumosobra na siya sa labi ko ah, abuso na siya. Napatawa ako sa iniisip ko pero naisip ko pa din kung bakit galit na galit siya sa ginawa ni Renzo sa akin? Hindi naman pwedeng nagseselos siya diba? Nang maisip ko ulit yon ay tumibok nanaman nang pagkabilis-bilis ang puso ko. Ang abnormal na ata ng pag-react ko sa mga nangyayari.
Lumabas ako sa elevator at palabas na nang condo. Naglakad muna ako ng kaunti papunta doon sa main road para mag-abang ng jeep. Nang makasakay na ng jeep ay agad-agad ako nagbayad. Halos labing-limang minuto lang papunta sa university.
Taimtim lamang ako sa jeep nang huminto ito dahil may sasakay. Laking gulat ko nang ngumiti sa akin. Si Renzo?
Dahil bakante pa sa tabi ko ay sinadya niya na doon na umupo. "Hello," Bati nito sa akin na agad ko naman nginitian. "Saan ka pupunta?" Napansin ko naman ang mga dalagang kasama namin sa jeep na nakatingin sa kanya. Iba't ibang bulung-bulungan ang naririnig ko pero mukhang hindi niya naman din pinapansin yun.
"Ah, sa school niyo sana eh. Dadalhin ko kay Angel." sabi niya sabay pakita ng pagkain. Nangiti naman ako sa kanya at nagthumbs up. Mahina siyang tumawa. "Sumabay ka na sa akin." nginitian ko siya at sabay kaming nag "para"" at bumaba na ng jeep.
Pagpasok ko sa university ay nakita ko siyang papalapit sa isang matangkad na babae. Yun ata si Angel. Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Renzo kaya't hinayaan ko na siya doon. Pero nagulat ako sa nakita ko, sinampal siya ni Angel.
"Gago! Sabi mo ako lang? Sabi mo wala kang iba pero putang ina sino to?" Sabay pakita neto sa cellphone niya na may picture ng babae. Naanigan ko to ngunit mas lalo akong nagulat sa nakita ko? Bakit ako ang nandoon?
"Saan mo yan nakuha? I can explain, Angel." Marahang sabi ni Renzo ngunit hindi siya hinayaan ni Angel na lapitan siya. Ako naman ay natuod lang sa kinalalagyan ko at naisip ko kung saan niya nakuha.
"Puta siya ba?!" Tinuro ako nito kaagad at laking gulat ko nang hilain niya ang buhok ko. "You're a slut! Nagawa mong kunin ang boyfriend ko you bitch!" Sigaw nito sa akin pero wala akong lakas lumaban kaya't pinabayaan ko na siyang gawin ang gusto niya habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha sa mata ko.
"Let her go!" Napasigaw na si Renzo sa kanya. Nakakuha na din kami ng atensyon mula sa iba't ibang estudyante dito. Pilit inaalis ni Renzo ang pagkakahawak ni Angel sa buhok ko.
"I'm asking you, saan mo nakuha iyan?" Nakita ko naman na may kinuhang memory card si Angel. Shuta, yan yung memory card ni Renzo na binigay niya sa akin para makuha ko ang pictures ko?
"Ayan, diyan ko nakuha," Binato ito sa kanya ni Angel at agad-agad namang pinulot ni Renzo. "Nakita ng friend ko nung nagbakasyon sila sa beach. Nang chineck niya ay sayo nga ang memory card na iyan. Ba't hindi ka nalang nakipagbreak kaagad kung lolokohin mo ako!" sigaw nito at isang sampal ang muli nanamang natikman ni Renzo.
"Paano to napunta sa iyo? I thought you trusted me, Angel. You didn't let me explain my side! Our side! If you really trusted me, you will hear my explanations! Tori is just a close friend and I treat her as my sister, nothing more, nothing less! I thought you were that wise, hindi pala." Dahil sa sinabi nito ni Renzo ay napatahimik si Angel at yumuko.
BINABASA MO ANG
He Is Enough (Book 1 Of Enough Trilogy)
RomanceTori lives her normal life with her cousin, Andrei Drake Reyes. But the time came when his bestfriend from Canada, Nathaniel Devanns Alvarez, came back to the country realizing that he loves her. Learn how Tori surpasses the challenge of destiny, u...