Kabanata 3

33 1 0
                                    

Kabanata 3
Gusto

Nagising ako at lininga-linga ko ang paningin ko. Bakit nasa ibang kuwarto ako? Dahan-dahan akong tumayo pero nahiga din ako dahil napakasakit ng ulo ko. Wala akong maalala sa nangyari kagabi maliban doon sa party.

May narinig akong mga katok sa pintuan at pumihit ang doorknob.

"Are you alright?" Ang boses na iyon. It was cold and it send shivers to me.  Nanaginip ba ako? Is Hayden really asking me if I'm alright? Agad akong lumingon sa direksiyon niya.

"O-okay lang ako." I managed to answer. Ayaw ko pa namang nauutal sa harapan niya pero mukhang ganito pa din ako, nauutal.

"Good." matipid siyang nagsalita at linapag ang soup sa  table sa gilid. Parang lahat ng kirot kagabi ay nawala at napalitan ng saya ko ngayon.

"Ibinilin ka sa akin ni Nate at Andrei. Eat that and prep yourself. Ihahatid kita sa inyo." he said using his authorative and baritone voice. I sighed, iba na pala talaga ang pakikitungo niya. Pero di ko maintindihan kung bakit masaya pa rin ako ngayon.

I heard the doorknob click that means he locked it already. Kinuha ko na ang soup ko at unti-unti itong kinain. May mga gamot din at tubig.

Nang makatapos kumain ay inayos ko ang suot ko. May amenities dito sa  kuwarto sa resort kaya ginamit ko ito kaagad.

Matapos ay isinuot ko ulit ang damit ko kagabi dahil wala naman itong pamalit. Mabango pa naman ito. I opened the door ang used to elevator to go down.

Agad ko siyang natanaw na nakaupo sa lobby. He stared at me with his  jaw clenched. Hindi pa man ako nakakalapit ay lumayo na kaagad siya kaya sumunod nalang ako at binilisan ang lakad ko.

He opened the door at the backseat atsaka ako pumasok. Pumwesto na siya sa driver's seat at walang anu-ano'y pinatakbo niya na ang sasakyan.

The atmosphere was really quiet and suffocating. Napakaluwag ng espasyo ng sasakyan pero napakasikip sa sitwasyon namin. No one bothered to talk nor utter a single word.

Three hours ko pang titiisin ang katahimikan kaya tumingin nalang ako sa bintana para makita ang iba't ibang lupa na dinadaanan namin.

"Gutom ka na ba?" he broke the silence using his authorative tone. "A-ayos lang ako." He nodded slightly at dumaan kami sa isang mall sa Laguna.

"Anong gagawin natin?" I can't help but to ask. Ngunit hindi niya ako sinagot at pinagbuksan nalang ako ng pintuan ng kotse. Lumabas ako at parang aso na sumusunod sa kanya.

All eyes were on us when we entered the mall. Dito rin kami pumunta kahapon para bumili ng regalo para sa kanya.

"Where would you like to eat?" He asked me coldly. "Bahala ka." I answered in a polite tone. Sumunod ulit ako sa kanya nang tumungo kami sa isang fastfood chain.

"Find a chair. I will order." utos niya sa akin kaya agad akong umalis para maghanap ng mauupuan.  Nakakita naman ako ng bakante kaya inupuan ko na kaagad.

Nakatingin lang ako sa kawalan kaya di ko namalayan na nasa harapan ko na si Hayden.

"S-sorry," agad ko siyang tinulungan sa pagbubuhat ng tray ngunit hinawakan niya ang pulso ko at ibinaba ito, "Ako na."

Inilapag niya ang tray sa mesa namin at bumalik naman ako sa pag-upo. Marahan niyang inalis sa tray ang pagkain at inilagay sa harap ko.

Tahimik kaming kumakain at balik nanaman kami sa mabigat na atmospera. Ni isa sa amin ang walang sumubok na magsalita.

He Is Enough (Book 1 Of Enough Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon