Kabanata 10

17 1 0
                                    

Kabanata 10

Nang makaupo ako sa tabi niya ay hindi ko maiwasang sulyapan si Nate. Ewan ko ba dito sa sarili ko. Mula sa kanyang mga mata, matangos na ilong at maninipis na labi ay talagang mamangha ka. Dahil sa mga isip ko ay umiling-iling ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Maling pagnasaan ang kaibigan.

"Ang likot mo," Biglaan niyang bulong sa akin. Totoo nga naman, hindi ako mapakali ngayon. Nagulat ako ng pagapangin niya ang kamay niya sa aking mga hita papunta sa kamay kong nanahimik at hinawakan ito.

Napalunok naman ako sa ginawa niya at pakiramdam ko ay may kung anong kumikiliti sa akin. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya kaya naman ngumisi ito at bumulong,

"Don't be scared." Bulong pa muli ito at bahagya akong nakiliti sa ginagawa niya.

Itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa panonood nang bigla akong natakot at nagulat noong lumabas na ang pinakanakakatakot na parte mg pelikula.

"Ahhh!" Gulat kong sigaw at napayakap ako bigla sa katabi ko at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. He hugged me tight and caressed my hair. Sa ginawa niyang iyon ay nagulat ako ng sobra kaya napabalikwas ako at inayos ang upo ko. Napatawa siya sa kinilos ko. Iba ang tibok ng puso ko, para akong sumali sa marathon.

"Come on, let's turn this off." Sabi ni Drake ngunit himdi siya makatayo kaagad dahil natutulog ng mahimbing sa kaniyang hita si Jamie. Parehas lamang sila ni Faye ngunit siya ay nakapwesto sa may dibdib ni Hayden.

"Akin na si kambal," Sabi ko at tumayo para tulungan si Drake sa paggalaw kay Jamie. Pumunta siya sa may disc player para patayin ito.

"Hmm," Jamie suddenly groaned. She is already awake.

"Kambal ko, let's get ready na for sleep, okay?" Sabi ko at inalalayan siya papunta sa aking kuwarto. Sumunod naman sa amin ni Hayden dahil nagising naman na si Faye.

"Hmm, ano kayang pwedeng suotin dito?" Tanong ni Faye habang kinakalkal ang closet ko para kumuha ng damit. "Kuhanan mo nga rin ako, Faye. Kahit ano basta comfortable." Sabi naman ni Jamie.

"Oh, diba yan yung regalo ni Nate sa iyo nung dumating siya?" Tanong ni Jamie kaya napatingin ako kung saan nakalagay yung regalo niya. Oo nga, nakakalimutan ko na dapat kong buksan.

"My gosh! Rinegaluhan ka ni Nate?!" Agad naman ko naman pinatahimik si Faye dahil baka tulog na yung mga lalaki.

"Ssh! Ang ingay nito. Friendly gift lang yan." Sabi ko pero umiling nalang sila. "Wait nga, huwag mo munang bubuksan! Maghanda muna tayo sa pagtulog then, tsaka mo na yan galawin." Napailing naman ako sa sinabi ni Faye.

Ako ang nauna sa banyo at mabilis lang na naligo. Sumunod sa akin si Faye at nagpahuli si Jamie.

Pinatuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalya nang biglang magsalita si Jamie, "Kambal ko, what if-- what if lang ha, magustuhan ka ni Nate?" Dahil sa tanong niya kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

"Mukhang imposible yun no. Ang daming mas maganda sa akin." Pero posible kaya?

"Duh, paano nga lang diba, doesn't mean na magugustuhan ka talaga niya. Kahit oo." Hindi ko naintindihan ang huling sinabi ni Jamie.

Napaisip ako, paano nga? Napaka-weird din kasi naming dalawa. Wala pa kaming maayos na batiang dalawa dahil hanggang ngayon, nagtatampo pa din talaga ako sa kanya. Iba na din naman yung kinikilos niya. Naalala ko pa noong nasa Zambales kami, halos balatan niya na ng buhay si Renzo. Tapos kanina, hinapit niya ako sa bewang noong paakyat kami dito. At habang nanonood kami, ang paghawak niya sa kamay ko at ang pagyakap sa akin.

He Is Enough (Book 1 Of Enough Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon