Chapter 6

174 9 0
                                    

Natapos ng kumain sila Kim at Katey. Kaya naghanda na kami para makauwi. Hinintay pa kasi naming matapos sila kumain. Uupo sana si Kim sa sofa nila ng biglang nag salita ang Mommy niya.




"Nak, samahan mo si Manong na maghatid kila Zaya at Daisy" sabi ng Mommy niya sa kanya. Nagkamot naman siya ng ulo."o, bat ganyan ang reaction mo? Be gentleman nak. Nandito pa naman si Zaya at pinakita mo pa ang attitude mong yan. Sige na tumayo kana jan"




Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng Mommy ni Kim. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya.




"Mag-ingat kayo hija" hinalikan niya ako sa pisngi. Ganon rin ang ginawa niya kay Daisy.




"Bye, Momshie thank so much. Sa uulitin po" waaaa kapal ng mukha ko.




"Oo, naman bumalik ka rito. At tsaka tinawag mo na akong Momshie yiiieeee" uminit naman yung pisngi ko.




"Tita, lalaki talaga ang ulo nitong si Zaya" singit naman ni Daisy. Siniko ko siya."ano totoo naman ah, hahahahha" tumawa na rin si Tita.




"Alis na po kami" at kumaway si Momshie at ngumiti.




Paglabas namin ng gate nila Kim ay nakahinga naman ako ng maluwag. Puta talaga tong si Daisy grrrrr.




"Mga hija, maglalakad pa tayo. Para makarating sa pinagparkingan ng sasakyan. Di kasi makapasok ang sasakyan rito" sabi ng Driver nila Kim.




"Don't worry sa susunod na pumunta kayo rito. Di na kayo maglalakad"sabi naman ni Kim.




"Ano!? gagawan mo to ng kalsada?" tanong naman ni Daisy sa kanya.




"Hindi ako ang gagawa. Kung di yung mga trabahador"




"Wow, yaman niyo talaga!"




"Kayo rin naman"




Wow ako pa talaga ang ma-op sa kanilang dalawa? kainis. Tahimik lang akong naglalakad. Sila Kim, Daisy at Driver nila Kim ay kung ano lang ang mga pinagsasabi. Panay tingin ko lang sa mga puno. At pati ilog ay tiningnan ko rin.




Nang nakarating naman kami sa pinagparkingan ng mga sasakyan nila Kim. Ay agad naman akong sumakay.





"Hoy usog ka doon, don sa may bintana" ani Daisy. Kaya umosog ako."O, Kim dito ka. Sa passenger seat ako. Tatabi ako kay manong" magsasalita sana ako ng biglang sinara ni Daisy ang pintoan ng sasakyan at tumabi talaga siya kay Manong.




Pinaandar na ni Manong ang sasakyan. Panay usap pa rin nila ni Daisy. Tumingin ako kay Kim, ang busy niya sa cellphone niya. Kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Sana ganon rin kami kayaman katulad nila Kim at mga tropa ko. Lahat ng gusto nila mabibili nila talaga. Eh ako? papagalitan pa at di pa bibilhan. Pero minsan pag nasa mood si Mamay bibilhan naman ako. Pag wala sa mood edi wala.





Bumuntong hininga naman ako. Kailan ko pa kaya makikita si Papay ng personal?. Simula kasi nong isinilang ako ni Mamay ay hiwalay na sila ni Papay. Nakita ko naman siya sa litrato pero iba naman pag nakita mo siya ng personal. May bago na bang pamilya si Papay?. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko. Kung bakit nakayanan ni Mamay na pag-aralin kami ni Kuya at Ate sa mamahaling eskwelahan.





Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now