CHAPTER 30 PART II

2.7K 34 0
                                    

Nakarating narin kami sa hospital. Sobrang traffic kasi. Sumunod nalang si mama sakin.

Pumunta agad kami sa Room 122.. Nakita kong nasa labas si manang. Nagmano ako sa kanya at ngumiti lang siya kay mama.

Una akong pumasok sa room. Dahil nagpapasalamat pa si mama kay manang.

Nakita ko si ate na gumising na. Natuwa ako at tumulo ang mga luha ko. Ang saya ko na nagising ma si ate.

"Ate..?" ngumiti sakin si ate at ako umiyak rito..

"Celine.. Kumusta?" niyakap ko si ate sa sobrang saya. Tears of Joy..

"Ok lang po.. Ikaw ate? Masama pa ba ang pakiramdam mo?" sunodsunod kong tanong sa kanya.

"Okay na ako. Wag mo na akong aalahanin pa.." niyakap ko siya ulit.

Nabiglang may pumasok at ikagugulat ni ate.

"Ate.. Si mama.. Magusap muna kayo" tinakpan ko ang bibig ko dahil umiyak na ako. .humihikbi na nga ako..

"Bakit ka nandito? Pwede kanang makaalis" sabi ni ate..

lumabas ako muna ako dahil gusto ko sila muna ang magusap.

Tinakpan ko parin ang labi ko dahil ayaw kong malaman nila na umiyak ako.

Author's Pov

Pagkatapos lumabas ni Celine naiwan ang ina nila at si Cassy.

"Anak... Magusap mo-"

"Wala na tayong pagusapan!!" galit na saad niya sa kanyang ina.

"Anak naman.. Gusto ko lang naman na bumawi sa inyu" pumikit ng mariin si Cassy.

"Bumawi?? Hindi na namin kailangan..!! Hindi kana namin kailangan..! May ibang pamilya kana.. Hindi na kami! Kaya makaalis kana."sabi ni Cassy sa ina.

"May karapatan parin ako sa inyo dahil mga anak ko kayo.."

"Anak?? Anak mo kami? Nagkakamali kana siguro.. Nasaan ka nong mga araw na kailangan ka namin? Nasaan ka sa panahong naghirap kami ha!??" napaiyak na si Cassy.

"Kaya nga ako pumunta dito dahil gusto ko ng magpaumahin sa mga nagawa kong pag iwan sa inyo"tumawa lang ng pait si Cassy..

"masaya na kami pagwala ka! Nabuhay kami ng kapatid ko pagwala ka!.Kayang wag na wag ka nang magpapakita samin.." 

"ANAK.. Alam mo ang nagawa ko sa inyo pero sana man lang mapapatawad mo ako." lumapit ang ina sa anak. Pareho na silang nakaiyak ngayon..

Hindi na mapipigilan ang nararamdaman ng ina nang niyakap niya ang anak nasi Cassy. Tutulakin na sana iyon ng biglang gumaang ang loob niya sa ina niya.

"Im sorry anak.. Cassy.. Iniwan ko kayo.. Binabayaan ko kayo..! Sana mapatawad moko anak.." napatahimik si Cassy at tuloy² ang pagbagsak ng luha..

Celine Pov

Nang pagpasok ko ulit sa loob nadatnan kong nagyayakapan sila mama at anak. Bati na ba sila?? Ang saya naman..

Lumapit ako at niyakap din sila..Napatawa nalang kami..

"Sorry mga anak ha.." nagiiyak na kami rito bwesit.!

"Okay na mama. Pinapatawad ko na kayo.." sabi ko kay mama at niyakap siya ng mahigpit.

"Anak.. Cassy.. Sorry anak.." sabi ni mama at biglang niyakap ni ate si mama..

"Ma..!! :'( naman eh. Bakit nyo pa kasi kami binabayaan at iniwan.."nasapiling kami ni mama ngayon..

Hinaplos niya ang buhok namin ni ate.

"Sorry.."

"Group hug" sabi ko at mag group hug na kami..

"Sorry din ma ha..!! Dahil sakin namata-"
naputol ang sinasabi ni ate..

"Wala kasalanan sa nangyari ng papa mo.. Siguro iyon na talaga ang araw na kukunin na siya ng Diyos"

Ngumiti kami kay mama. At niyakap siya ulit..

"HINDI NA AKO MAWAWALA SA IYO MGA ANAK!" napaiyak nanamn kami..

"I miss you ma.." sabay naming sabi ni ate tapos natawa kami..

"Sana buhay pa si papa.." sabi ko at hinawakan ni mama ang kamay ko..

"Masaya naman tayo ngayon diba.? Na wala na ang papa nyo.." oo nga naman. Pero namiss ko na talaga ng sobra ang papa ko.

"Ma...may ibang pamilya kana ba ngayon?" tumango siya sa tinanong ko..

Nasaktan ako..pati si ate dahil may bagong pamilya na si mama ngayon.

"Dont worry.. Welcome kayo.. Ipapakilala ko kayo sa maging stepfather nyo.. At stepbrothers nyo" medyo naging excited ako sa sinasabi ni mama.

Mas mabuti pag may bagong buhay.. Para narin kalimutan namin ang mga sakit na pinagdadaanan namin sa aming buhay.

Muling niyakap namin si mama doon sa loob ng room. Sana buhay kapa Papa.. :'(

MY POSSESSIVE PROFESSOR IS MY HUSBAND || °O N G O I N G° ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon