Nakauwi ako ng matiwasay sa Davao kasama si Zikos. Sobrang bigat sa pakiramdam, ni hindi niya ako makausap ng maayos at kailangan ko pang ilihim ang pagluha ko dahil ayaw kong makita niya na nasasaktan ako sa mga nangyayari.
Napakabilis ng mga pangyayari at wala na akong namalayan pa sa mga sumunod na kaganapan. Ang alam ko lang ay hindi ko na ulit nakita pa si Tristan matapos ang huli naming engkwentro kasama ang ex niya na si ate Yuri naman pala at hanggang ngayon nga'y hindi ko alam kung makikita ko pa ba siya.
Nagkabalikan na kaya sila?
Nakakapanlumong isipin 'yun. Magbuhat nung huli naming pagkikita ay ni wala na akong ibang inisip pa kundi siya at 'yung sitwasyon naming dalawa.
Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa pagiging mapaglaro ng tadhana. Talagang hinayaan niyang magtagpo ang apat na taong may koneksyon naman pala sa isa't-isa. Hindi lang pinagtagpo, hinayaan niya pang mahulog ang dalawa kaya naman mayroon at mayroon talagang masasaktan at mahihirapan.
Napaka-kumplikado. Sobrang hirap i-proseso ng lahat ng ito sa utak.
Hindi ko na alam kung anong gagawin. Hindi ko na alam ang mararamdaman dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin masyadong nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyari.
Parang isang panaginip. At parang sasabog na ang isip ko ngayon.
Lalo pa't nararamdaman ko ang pagpaparamdam ni Zikos.
Hindi ako mangmang o stupido para hindi mahalata ang mga kinikilos ni Zikos na para bang walang nangyari noon sa pagitan namin. Na kung umarte siya sa harap ko ay para bang okay na kami, na meron nang ulit 'kami' kahit na ang totoo'y wala.
Hindi na 'yun mangyayari dahil...kay Tristan na nagsisimulang tumibok muli ang puso ko.
Walang nag-iimikan sa amin ngayon sa harap ng hapag. Kasama ko ang mga kaibigan ko dito sa apartment at kumpleto kami dahil sa pag-uwi ko, at siguro ay dahil na rin sa balitang narinig nila tungkol sa nangyari sa akin, sa amin nila Tris, Zikos at ate Yuri.
Parang nagpapakiramdaman ang mga kaibigan ko at nagtutulakan pa yata sa kung sino ang unang magsasalita.
Bumuntong hininga ako saka inangatan sila ng tingin. Agad naman silang nagkaniya-kaniya ng kilos at tingin sa kung saan.
Laking pasasalamat ko dahil nasa tabi ko silang lahat ngayon. Malaking tulong ito upang makalimutan ko naman kahit kaunti ang dinadala kong problema.
"Kumain na tayo. Hindi dapat pinaghihintay ang grasya." kalmado kong sambit saka nagpamaunang nagsandok ng kanina.
Kahit na wala akong gana ay ayaw kong ipakita sa kanila ang pagiging mahina at sawi ko. Ayaw kong ma-apektuhan sila sa problema ko at hangga't kaya ko, itatago ko ang tunay kong nararamdaman.
Nakita ko sa peripheral vision ko na nagsi-kilos na rin sila kahit may halo pang pag-aalangan.
Tinusok ko ang tocino gamit ang tinidor na hawak ko saka ito sinubo ng may namumuong mga luha sa mata. Suminghap ako ng hangin saka marahas na pinalis ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng walang sinasabi o pinapansin.
Siguro ay ramdam nila ang bigat na nararamdaman ko at kahit gaano ko man ito itago ay sadyang lumalabas talaga.
Naaawa ako kay Zikos. 'Yung tanging nararamdaman ko para sa kaniya ay awa na lang. Ayaw ko ng magkasakitan pa kami, ayaw ko ng bumalik kami sa buhay ng isa't-isa pero hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ng hindi maaapektuhan ang kalusugan niya.
Tandang-tanda ko pa ang sinabi ni tita Chia sa akin noon, ang mama niya. Ang kahit na anong bagay na makakaapekto sa nararamdaman niya at sa sakit niya sa puso ay pwedeng kumitil sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Can't Fight This Feeling Anymore
Short Story(SERIES #1) I did it once again. I fell in love...again. But this time, it is with someone unexpected. Unexpected in a way that he is somehow connected to my life, unknowingly. He brought back the colors in my life. He brought back the happiness in...