Chapter Nine

46 1 0
                                    

Third Person's POV

Parehong natahimik ang magkatabing kwarto. Tila nawalan ng sigla at kulay yung dating balkonahe na napupuno lagi ng asaran, kulitan at tawanan.

Nakaupo ngayon sa kama si Arianne, at tulala habang nakatingin sa may balkonaheng tahimik. Nakabukas ang sliding door at dahil sa preskong hangin ay nililipad ang puting kurtina na nakaharang dito.

Marami siyang iniisip at marami ring mha katanungan ang pumapasok sa isipan niya ngayon.

Sa kabilang kwarto naman ay si Tristan na kakabalik lang rin dito at ngayon nga'y wala sa sarili na nag-gigitara.

Masyado itong nalulungkot dahil sa sinabing 'distansya' ni Arianne lalo pa't sa tingin niya'y hindi nya kayang lumayo. Pero dahil ayaw niyang maramdaman ng kaibigan na hindi niya nirerespeto ang desisyon nito ay kailangan niyang umintindi kahit na ang totoo'y nahihirapan din siyang gawin ito.

Bumuntong hininga siya saka inilagay muna sa tabi ang hawak niyang gitara. Humiga sya sa kama nya bago kinuha ang phone niyang nasa side table.

Agad namang lumitaw ang lockscreen nyang si Arianne na pasikreto nyang kinuhanan. Kakairap lang nito at kakagaling sa pagmamaktol kaya naman medyo nakanguso pa ito.

Wala siyang kamalay-malay na napapangiti na pala siya habang nakatitig dito. Hindi niya maiwasang matuwa kahit papaano habang inaaral ang bawat detalye ng mukha nito at kahit na hindi maayos ang itsura sa litrato ay nagagawa niya pa ring humanga ng palihim.

Tinignan nya ang gallery nya at inisa-isa ang lahat ng mga stolen shots ni Arianne na iba't-iba ang mga reaksiyon. Mas nakatawa, nakangiti, nakasimangot, naka-awra, at may nakatulala pa.

Nang makita niya ang isang video ay agad niya itong pinindot upang i-play. Wala pa man ay natatawa na siya ng sobra dahil ito 'yung panahong nag truth or dare sila na may kasamang inuman kung di mo magagawa o masasagot ang tanong at utos.

"Sa ilalim ng puti---*cough* Aray, giatay! Ang sakit ng lalamunan ko do'n!" si Arianne habang nakahiga na kumakanta.

"Ayusin mo!" halakhak pa ni Tristan habang kinukuhanan ng video ang muntangang si Arianne.

"Wag mo nga akong video-han!"

"Hoy! Kumanta ka na at 'wag madaya! Sige na---*hik* Sa ilalim ng....ready, sing!"

"Oo na, walanjo! Aheem! Aheem! Sa ilalim ng puting ilaw! Sa dilaw--*cough cough cough* Anak ng teteng! Ayoko na! Di ko kaya!" si Arianne na humalakhak pa bago tumayo.

At natawa na nga lang ng mahina si Tristan sa napanood nyang video.

Iniisip niya kung may mangyayari pa bang gano'n eh sa sitwasyon nila ngayon ay mukhang malabo pa. Iniisip niya pa lang na lalayuan niya ang kaibigan bukas, at sa mga susunod pang araw ay hindi niya maiwasang mapailing na lang, lalo pa't walang katiyakan kung hanggang kailan ang itatagal nito.

"Damn, girl. You made me crazy but here you are, asking for a distance between us..." malungkot siyang ngumiti saka ipinikit ang mga mata upang pagpahingahin ang mga ito.

Kasabay ng pinakawalan niyang buntong hininga ay ang paghiling niya na sana nga'y maging mapayapa ang sistema ngayon ng kaibigan niyang si Arianne.

Kinabukasan ay maagang nagising si Arianne. May hang-over pa ang lokaret at medyo naninibago din dahil wala syang narinig na sigaw mula sa balkonahe na nagsilbi na ring alarm clock niya dito.

Bahagya siyang nalungkot dahil sa kaisipang 'yun pero naisip niyang dapat panindigan niya ang mga salitang binitawan niya kagabi sa kaibigan. Kasi kung magpapadala siya sa damdamin niya ay pareho lang silang dalawa ni Tris na malilito sa mga nararamdaman nila.

Can't Fight This Feeling AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon