Epilogue

63 2 0
                                    

A/N: Salamat naman at natapos din ang page-edit😭 Halos magda-dalawang taon na rin simula ng maisulat ko to at matapos. Tamad lang talaga ako kaya kahit na maikli lang, di ko matapos-tapos ang page-edit.

Tapos naloloka na ako. Nakikita ko si Yuk Hei kay Tristan, wengya😭 Kaka-NCT ko yata 'to WAHAHA.

By the way, the Book 2 of El Esquadrón Series (The Squad Series) na The Man Whose Name is Andres ay tapos ko na rin. Visit niyo na lang profile ko 'pag interesado kayo. And ang book 3 naman ay baka i-publish ko na rin. Hehe. Sana magtuloy-tuloy at di tamarin.

So 'ayun lang. Enjoy reading, and stay safe tayo mga kumare at kumpare! (kung meron man haha).

----

(1 year later)

"Neng! Bilisan mo na!" rinig kong sigaw ni ate Bea mula sa labas ng kwarto ko, isa sa mga katiwala namin dito sa bahay kaya naman agad ko ng inayos ang maletang dadalhin ko.

Dumapo pa ako ng tingin sa salamin ng isang beses saka nag-pa cute doon. Nang makontento ako sa ayos ko ay hinila ko na nga palabas ng kwarto ko ang maleta.

"Manang, ba-bye po! Alis na 'ko!" saglit kong paalam kay Manang na isa rin sa mga katiwala namin dito sa bahay.

Wala kasi sila mama at papa dahil nasa isang bakasyon kasama ang nakababata kong kapatid samantalang ang ate ko naman ay syempre, nandoon sa bahay nila ng asawa niya.

"Sige hija. Ingat, ha!" tugon ni Manang mula sa kusina na lumabas din habang nagpupunas pa ng kamay.

"Mag-text ka daw 'pag nakarating na kayo doon,"

"Opo. Sige po,"

Nagpaalam akong muli sa kaniya at sa mga taong nandito sa bahay bago tuluyang lumabas dala pa rin ang di naman kalakihang bag ko.

Bumungad agad sa akin ang limang van na nanghihintay sa labas ng bahay namin.

Sinalubong ako ni Ashley na agad ding umalalay sa maleta na dala ko papasok sa likod ng van. Pumasok na rin kami agad at pabagsak pa siyang naupo kaya naman nagsalubong ang kilay ko.

"Ang tagal mo!" reklamo niya sa akin, suot ang inip na inip niyang mukha.

"Letche ka talaga, umusog ka nga!" at umusog naman sya agad.

"Arianne, anong dala mong pagkain d'yan?" sabi ni Jannah na nasa front seat ng van, isa sa mga classmate namin nung highschool na ka-school mate pa rin namin ngayon.

"Oo nga. Malayo pa naman ang biyahe." sulsol din ni Cisserge na siyang nasa may likuran namin, may suot pang headset at panama hat. Amp.

Kinuha ko ang isang malaking chichirya sa loob ng shoulder bag kong medyo malaki-laki rin saka ito hinagis kay Cisserge na agad na naglaway ng makita ito.

"'Yun, oh! Sarap ne'to!"


"Tingin kayo! Ipo-post ko 'to mamaya," si Marnel na naka-bwelo na para kumuha litrato. Gaya ng sabi niya ay tumingin nga kami sa cellphone na hawak niyang naka front cam saka ngumiti.

Matapos ng ilang kuha ay bumaling naman ako kay Dothy na katabi ko lang. Tahimik lang siya at kahit na medyo matagal na rin simula ng magbago ang ugali niya ay paulit-ulit pa din akong naninibago.

Can't Fight This Feeling AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon